CHAPTER 4: TITIGAN

164 12 0
                                    

Binalikang tiningnan muli ni Marika ang dalawa kung anu na ang kalagayan nila Jett at Reysha. Nang binuksan nya ang kurtina sa likod, natuwa sya dahil parang naging magkasundo ang dalawa mula nang iginapos nya ang mga ito.

Tila naging isang himala naman para sa mga estudyante ni Marika ang pananahimik at hindi pagpupumiglas ng dalawa sa pagkakagapos nila. At naisip nila na si Marika lamang ang tanging guro na nakapagpatigil sa pag-aaway ng dalawa.

Carl: "Guyz! Kakaiba etong nangyari sa araw na ito! Parang maamong tupa na magkatabi yung dalawa!"

Archie: "Oo nga, Carl. Hindi man lang sila nagsisikuhan sa kina-uupuanan nila. Sa tingin mo pakakawalan na kaya natin sila?"

Lyrica: "De...depende na siguro kay....ma'am Marika kung pakakawalan na nya sila."

Tinitigan ni Marika ang dalawa at nag-iisip kung pakakawalan na sila bago magRecess. Kalauna'y inutusan na nya sila Archie na pakawalan na sila.

Nang maalis na ang gapos at duck tape sa kanilang bibig nagsalita na si Marika sa kanila.

Marika: "Reysha at Jett. Ganyan ba kayong mag-away noong last year? Para kayong nasa Elementary ha?! Lalo ka na Reysha? Kay babae mong tao ikaw pa ang sumugod."

Reysha: "Eh Ma'am kasi naman, tinawag nya po akong Bansot."

Marika: "Sa tingin mo? Hindi ka ba Bansot? Ikumpara mo nga ang height mo sa mga kaklase mo? Tanggapin mo na talaga, Reysha, na maliit ka talaga! Pero hindi ibig sabihin nun na mapanghihinaan kana na ng loob kapag tinawag kang Bansot! Tingnan mo nga sarili mo sa salamin! Napakaganda mo nga, kahit na maliit ka! Hindi ba sapat yan para wala ka nang ipagmalaki sa sarili mo?!! Wag kang magpaapekto sa panlalait sa'yo!!"

Nanahimik si Reysha dahil sa kanyang mga narinig kay Marika at naintindihan naman nya ito. Si Jett naman ang sunod na sinermonan ni Marika.

Marika: "At ikaw naman Jett, base sa mga naririnig kong tsismis sa labas at sa ikwinento ng bagong prinicipal,
bakit ba ang hilig mong makipag-away ha?!! Tama naman ang sinabi ng principal, kung narinig mo kanina ang sinabi nya!! Pwede mo naman isumbong sa aming mga teachers o kaya sa Student council kung may naaktuhan kang nambubully!! Tapos kukwestyonin mo pa ang trabaho ni Reysha dito sa School?! Ginagawa nya lang naman ang obligasyon nya!!! Anu bang gusto mong patunayan sa sarili mo?!!!!! Nagpapakabayani ka ba?!!"

Imbes na sagutin ni Jett ang mga tanong ni Marika ay lalo lang itong tumahimik.

Marika: "Jett! Ba't hindi ka sumasagot?!

Reysha: "Jett, tinatanong ka ni Ma'am. Sumagot ka naman. Wag kang bastos."

Sa inis ni Marika tinitigan niya si Jett ng gaya sa pagtitig niya ng mga estudyante kanina. Ngunit si Jett, tumitig ng diretso sa kanyang mata.

Marika: (Aba! Makikipagmatigasan ka sa titigan? Sige ipapakita ko ang titig ng taong galit!)

Nakipagtitigan ng husto si Marika kay Jett habang pinagmamasdan naman sila ng mga ibang estudyante. Malapit nang maubos ang pasensya ni Marika kay Jett nang may mapansin syang kakaiba sa mga mata ni Jett.

Nakita nyang ipinapikita ni Jett ang galit nitong titig sa kanya ngunit parang pilit lang ito. Hanggang sa kumurap si Jett na tila napagod na sa pagpapakita ng galit na titig at lumabas ang malungkot na titig nito.

Marika: (Teka? Ganito ba sya tumitig kanina? Bakit napakalungkot na bigla ng mga mata nya?)

Hanggang sa naalala ni Marika ang sinabi ng Principal na marahil ay may malungkot na nakaraan si Jett kaya ginagawa niya ang mga pakikipag-away sa mga bully.

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon