CHAPTER 61: KINIMKIM NA GALIT

72 5 0
                                    

Sa kasalukuyan, matapos maikwento ni Jett ang lahat tungkol sa kanyang nakaraan, labis ang lungkot na naramdaman ni Reysha nang malaman nyang nangungulila ng husto si Jett sa kapatid nitong babae at dahil din sa sobrang galit na naramdaman nito sa mga nambully dito.

Naunawaan din ni Reysha kung bakit importante kay Jett na maprotektahan ang libingan at ang multo ng kanyang kapatid dahil sa ang Ate nya lamang ang nagbigay ng halaga at nagparamdam ng labis na pagmamahal kay Jett. Kung kaya't ganun na lang ang pangpapahamak ni Jett sa kanila.

Jett: "Reysha, kung maalala mo, noong First year, sinadya ko talagang basagin yung kotse nung Panot na Principal. Dahil pagganti ko yun sa pagsuspinde nya sa Ate ko noon. Nung nalaman ko na inatake sya sa puso at nakaratay sa ospital, tila nabunutan ako ng tinik dahil sa nangyari sa kanya."

Reysha: "Jett, nauunawaan na kita. Pero sapat ba yan para patawarin mo ang mga taong nagkasala sa Ate mo? Sapat na dahilan ba yan para patawarin ang mga taong nakasama sa loob mo?"

Tahimik at hindi lubos maisip ni Jett kung anu ang sasabihin. Tila napansin ni Reysha na hindi pa rin kaya ni Jett na kalimutan ang lahat ng nangyari noon sa buhay nya at patawarin na lang ang mga nagkasala sa kanya. Lalo na sa kanyang Ate na hindi tumupad sa mga pangako nito. Kaya naman naisip ni Reysha na iwan na muna si Jett sa rooftop.

Reysha: "Jett, kung gusto mo munang mapag-isa, iiwan na muna kita. Pero andito lang ako kung gusto mo ng makakaramay."

Jett: "Reysha, isang bagay na natutunan ko noon, wag kang mangako ng hindi mo kayang tuparin. Pero salamat sa pakikiramay mo sa akin."

Tumango na lamang si Reysha sa sinabi ni Jett sa kanya at umalis upang bumalik sa Camera club.

Pagbalik ni Reysha sa Camera club, napansin nyang naging tahimik ang ilan sa mga kasamahan nya dahil ikiwinento din ni Marika ang napakalungkot na buhay ni Jett.

Lyrica: "Kung ganun, kaya pala ayaw ni Jett iresearch yung tungkol sa Aguire residence ay dahil ayaw nyang patahimikin natin ang multo na nandun?"

Archie: "Oo, Lyrica. Kung alam ko lang kung gaano kaimportante sa kanya ang Ate nya, eh di sana hindi na natin pinakialaman pa ang huling multo sa huling litrato."

Rochel: "Oo, Archie. Sana nakinig na lang tayo sa kanya at pinabayaan na lang ang multo."

Marika: "Guys, sandali. Pero hindi ko gusto ang sinabi nyo."

Nagtaka ang mga magkakaibigan sa sinabi ni Marika.

Albert: "Miss Marika, bakit po? Anu pong ibig nyong sabihin na "hindi nyo gusto" ang sinabi nila insan at Rochel?"

Marika: "Kasi, guys, eto ang nakakabahala. Kapag ang multo ay hindi nailagay sa tahimik at patuloy na manatili sa ating mundo, lalo lang mahihirapan ang multo na tumawid sa kabilang buhay. At isa pa, lalo lang hihigop ng negatibong enerhiya ang multo kung saan nagiging mas malakas ito. Kung saan lalo itong magiging napakadelikadong multo. Yung Poltergeist na sumanib kay Lunabelle, maaring higitan yun ng multo sa Aguire residence kapag hindi sya napatahimik."

Aileen: "Pero Miss Marika? Ilang taon na pong binibigyan ng hustisya ni Jett ang kanyang kapatid, hindi po ba?! Pero bakit hanggang ngayun, hindi pa rin po matahimik ang multo ng kapatid nya."

Marika: "May punto ka, Aileen. Kung ginagawa naman ni Jett ang maghiganti at bigyan ng hustisya ang kapatid nya. Anu ang bagay na pumipigil sa kanya para matahimik? Nakapagtataka?"

Carl: "Kung ganun, kahit na mahanap pa natin ang tunay na bangkay nya, hindi pa rin yun matatahimik?!"

Lunabelle: "Oo, Carl. Mukhang ganun na nga."

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon