CHAPTER 35: SOLSTAR'S PEAK

71 8 1
                                    

Isang oras ang nakalipas, nakapaghanda na rin ang lahat ng mga estudyante ni Marika ng kanilang gamit upang maghiking para sa huling destinasyon ng kanilang field trip. Ang pag-akyat sa Solstar's peak.

Pag-labas nila sa Camphouse, nag-aabang at nakapila na rin ang iba pang mga estudyante at kanilang mga guro, sa bungad ng ruta na kanilang tatahakin. Excited na karamihan sa mga estudyante at inaabangan na lang nila ang go signal mula sa tour guide.

Pagdating ng tour guide mula sa Reception area ng kanilang camp, nag-umpisa na itong maglakad sa ruta na kanilang tatahakin. Kung saan sinundan na rin ito ng mga guro at mga estudyante.

Makaraan ng dalawang oras na paglalakad, nag-uumpisa ng mapagod sa paglalakad ang ilang istudyante lalo na sila Reysha, Lyrica at Carl. Kung saan, magsisimula na namang magreklamo si Carl sa kanilang pag-akyat.

Carl: "AAAAHH!!!! Ayoko na!!!! Masakit na ang mga binti ko!!"

Reysha: "Sa tingin mo, ikaw lang ang pagod dito?! Pati rin kami!!"

Lyrica: "Tubig.......pahingi."

Albert: "Carl!! Para kang babae kung magreklamo!! Tingnan mo sina Rochel at Aileen, hindi man lang sila napapagod sa paglalakad."

Carl: "Eh panung hindi mapapagod ang dalawang iyan na galing silang probinsya bago sila nagtransfer sa school natin."

Archie: "Carl, taga-siyudad naman ako ah. Bakit hindi ako napapagod?"

Carl: "Eh siyempre! Nagbakasyon ka sa probinsya! Kaya mejo nasanay ka na sa mga gawaing nakakapagod. Tulad na lang etong paglalakad."

Lyrica: "TUUUUUUUBIIIIIIIIIIIG......."

Jett: "Oy...pansinin nyo naman si Lyrica. Nauuhaw na."

Aileen: "Beshy!! Andiyan na ako. Eto na tubig."

Linagok lahat ni Lyrica ang tubig mula sa bote ni Aileen.

Lyrica: "Waaaaaaaahhhhh...."

Reysha: "Hoy!! Ba't mo inubos lahat?!!! Makikiinom din sana ako!!"

Lyrica: "Ahh...Pasensya na, Reysha."

Reysha: "Grabe ka naman!! Di ka man lang nagtira?!!"

Jett: "Alam mo, kung sinabi mo ng maaga, titirahan ka naman nya ng tubig!! Tapos magrereklamo ka ngayung naubos na nya?!!"

Reysha: "Hindi ba nya naisip na may ibang tao din dito na nauuhaw din?!!"

Sa inis ni Jett, ihinagis nya kay Reysha ang dala nyang bote ng tubig at nasalo naman niya ito.

Reysha: "Para saan naman to?!"

Jett: "Eh di inumin mo!! Para hindi ka magreklamo!! Alam mo na ngang si Aileen ang nagbigay ng tubig ni Lyrica, pagsasabihan mo pa sya!!!"

Ininom ni Reysha ang tubig na ibinigay ni Jett. Nang biglang binuhat ni Jett si Reysha.

Reysha: "Hoy!! Sandali!! Anung ginagawa mo?!!"

Jett: "Eh di tutulungan na kitang umakyat ng hindi ka na magreklamo!! Naiingayan ako sa karereklamo mo!!"

Reysha: "Jett!! I-Ibaba mo nga ako!!!"

Imbes na ibaba ni Jett si Reysha ay lalo pa nitong binilisan ang pagalalakad. Naiwan namang nakangiwe ang mga kaklase nila.

Aileen: "Wow.....ang sweet naman nila. Sana may ganun akong jowa."

Rochel: "Archie, buhatin mo din ako."

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon