30 minuto ang nakaraan bago ibinato ni Jett ang upuan sa Kampilan. Sa banyo, matapos tumako sa loob sina Marika, Carl, Aileen at Rochel, isinara nila ang pinto ng banyo at nakita nilang nakaupo sa inidoro si Albert.
Carl: "Albert! Anung ginagawa mo?!! May oras ka pa talaga para magchilax jan?!!"
Albert: "Hindi ako nagchichilax, Carl!! Nag-iisip ako kung panu tatalulin yan lumilipad na ispada na yan!!"
Marika: "Tumahimik nga muna kayo!! Baka nanjan pa sa labas yan lumilipad na bagay na yan!"
Aileen: "Tama si Ma'am Marika. Tumahimik muna tayo at magpahinga. Nakakapagod din kasi tumakbo at magtago. Di ba, Beshy?"
Hindi namalayan ni Aileen na hindi pala nila kasama si Lyrica.
Aileen: "BESHY?!! ASAN SI BESHY?!!"
Rochel: "Naku! Jusko! Wag mo sabihin sa amin na napahiwalay pa siya sa atin habang tumatakbo tayo."
Aileen: "Kung ganun, nandun pa sya sa labas?!!! Kailangan natin syang kunin dun at dalhin dito!!"
Marika: "Aileen! Huminahon ka! Kapag lumabas ka dun, baka saksakin ka nung lumilipad na bagay na iyon!!"
Albert: "Oo. Tama si Miss Marika! Mamatay ka kapag bunuksan mo ang pinto na iyan!"
Aileen: "Pero panu si Beshy?!!"
Rochel: "Aileen, kung nagawa ni Lyrica na makapagtago ng ligtas kanina, magagawa niya ulit yun! Tsaka sakaling makapagtago siya sa tinataguan ni Archie at Reysha ngayun, sigurado ako na malaki ang tsansa na maayos ang kalagayan niya at ligtas. Kaya wag kang mag-alala."
Aileen: "Kung sabagay, tama ka, Rochel."
Marika: "Pero nag-aalala ako kay Jett. Lalo na't tulog siya, tsaka wala siyang alam sa mga nangyayari. At naiwan ding bukas ang pinto ng kuwarto kanina. Sana man lang, maisip ni Reysha na isara ang pinto."
Carl: " So ibig sabihin po nito, trap na po tayo dito sa loob ng banyo?"
Marika: "Mukhang ganun na nga."
Albert: "Ibig sabihin, maghihintay na lang tayo ng umaga dito hanggang sa tumigil sa paghahanap sa atin ng bagay na yun."
Wala nang nagawa ang mga nasa loob ng banyo kundi ang maghintay na lang at hintayin na mag umaga.
Ilang minuto ang lumipas, Point of View ng mga nakakulong pa sa banyo, hindi na matiis ni Marika ang sobrang paghihintay at nag-aalala na sya dahil sa sobrang tahimik sa labas.
Marika: " OK! Hindi ko na matitiis to! Sisilipin ko na kung anu ang nangyayari sa labas!"
Rochel: "Miss Marika! Delikado po iyan! Baka nakaabang yung lumilipad na ispada!"
Marika: "Wag kang mag-alala, Rochel. Gagawa lang ako ng maliit na butas dito sa pinto gamit yung nail file ng nailcutter ko."
Binutasan ni Marika ang gitna ng pinto at sumilip sya rito. Laking gulat nya ng makita nyang nakatutok ang panusok ng Kampilan sa pinto ng banyo
Marika: "OH! Jusko!! Lahat kayo!! Umatras kayo!!! Dali!!!"
Bago pa man makaatras sina Marika at ang iba pang mga kasama nya sa loob ng banyo, babalik naman tayo sa kasalukuyang Point of View ni Jett kung saan binato niya ng upuan ang Kampilan at direkta itong natamaan, kung saan narinig ito ng mga nasa loob ng banyo.
Jett: "Hoy! Andito ako! Kalawanging ispada!! Habulin mo ako kung kaya mo!!!!
Nabaling ang atensyon ng Kampilan kay Jett dahil sa pambabato nito ng upuan. Kaya bumulusok ito at hinabol si Jett.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Genç Kurgu****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...