CHAPTER 12: FIRST ENCOUNTER

80 10 0
                                    

Matapos ang unang araw ng kanilang klase, pumunta ang magpinsang sina Archie at Albert sa mall para maglaro sa Arcade. Kung saan nakita nila si Carl na naglalaro sa isa sa mga arcade machine.

Archie: "Carl! Kanina ka pa dito?"

Carl: "Oo, Archie. Teka? Kauuwi nyo lang?"

Albert: "Oo, Carl. Tsaka, kailan ka pa umalis ng school? Magdamag kaming nasa club room, hindi pa kayo bumabalik ni Aileen."

Carl: "Kasi Albert, tinaguan ko si Aileen kaya nagtago ako sa CR ng mga lalake sa school. Alam ko naman na hindi papasok sa CR ng mga lalaki yun. Tsaka sobrang determinado sya na upakan ako, kaya hinintay ko na lang na mag-uwian tsaka ako kumariaps ng takbo."

Archie: "Eh panu naman kasi, Carl sinabihan mo sya na hindi na magkakajowa pa kahit na kailan, kaya nagalit sayo."

Carl: "Eh astang lalaki din kasi sya kung kumilos, kaya akala ko hindi sya nakakaramdam na tulad ng isang bababe."

Albert: "Carl, pare. Babae pa rin naman si Aileen kahit na ganun sya kumilos. Kaya makakaramdam pa rin yan tulad ng isang tunay na babae at nangangarap pa rin na magkajowa."

Carl: "So, sinasabi mo, Albert, na pinapatawad mo siya kahit na sinipa ka nya sa mukha?"

Albert: "Oo. Tsaka.......Sandali!!!! Panu mo nalaman na sinipa nya ako sa mukha?!!!"

Carl: "Simple lang. Nakita ko sya na sinipa ka nya sa mukha, bago ako lumapit sa inyo."

Tila naisip ni Albert na mapagmasid din si Carl dahil sa hindi nya inakala na nakita pala nito kung panu sya sipain ni Aileen nung nagkakakilala pa lang sila.

Carl: "Tsaka isang bagay pala, nung sinipa ka ni Aileen, may nakita ka ba?"

Albert: "Ewan ko kung anu ibig mong sabihin, pero nakita ko ang ilalim ng sapatos nyang sumalubong sa mukha ko. At aaminin ko, nakakainis yun para sa unang araw ko sa school na ito."

Carl: "Ah...OK. Kung sabagay may punto ka." (Ang malas mo naman kung hindi mo nakita yung ilalim ng palda nya.)

Archie: (Feeling ko may ibig sabihin etong si Carl.)

Albert: (Kung akala mo na hindi ko alam ang tinutukoy mo, Carl, jan ka nagkakamali. Nakita ko yung kulay white na panty nya na may lining at bulaklak na pink sa gitna. Pero mas mabuti na hindi ko na lang ipaalam sayo at baka gamitin mong pang Blackmail sa akin at baka ako pa ang bugbugin nya.)

Archie: "So, insan, anu gusto mong laruin natin?"

Albert: "Kahit anu. Basta magandang laruin."

Archie: "Sige, Carl. Maiwan ka na muna namin jan sa nilalaro mo."

Carl: "Ok."

Iniwan ng Magpinsan si Carl sa kinauupuan nitong arcade machine at nag-ikot upang maghanap ng malalaro. Habang nag-iikot, napansin ni Archie na bago ang nagbabantay na staff at nag-iikot din ito upang manghuli ng mga nandarayang mga customer ng Arcade.

Napansin din ni Archie ang isang Arcade machine na hindi pa nya nakikita magmula noong naglaro sya sa Arcade at sa nakikita nya napakaluma na nito. Kaya nilapitan ng magpinsan ang bagong staff at tinanong kung saan galing ang arcade machine na ito.

Archie: "Ate! Excuse me po, pwedeng magtanong?"

Arcade staff: "Anung maitutulong ko po, sir?"

Archie: "Napansin ko, ngayun ko lang po nakita ang arcade machine na nandun sa dulong gilid at hindi ko pa po yun nakikita magmula noong una po akong naglaro dito. Saan po galing ang arcade machine pong iyon?"

Arcade staff: "Ah yun ba? Nakita ko po yun sir na naka-stock sa storage room at natatakpan ng mga luma at mabibigat na kahon. Akala ko nung una, kahon din iyan na kasama sa mga kahon na nakapalibot dito. Pero nagulat ako na arcade machine pala ito at ang nakakabilib gumagana pa kahit na napakaluma na ng machine na iyan. Kaya inilabas ko, kasi sayang naman kung hindi magagamit. Tsaka sir, suki na ba kayo dito sa Arcade?"

Hindi akalain ni Archie na mayroon palang arcade machine na nakatago sa storage room. Ang hindi lang nya maintindihan, ay kung bakit ito nakatago at hindi ipinapalaro ng dating Manong na bantay ang Arcade machine na ito. Pero dahil sa nagretiro na ang manong na bantay ng Arcade noon minabuti na lang ni Archie na subukang laruin ang naturang lumang machine.

Archie: "Opo, Ate! Suki na po ako dito at halos nalaro ko na po lahat ng mga arcade machine dito. Kaya po nagtataka ako kung bakit may isa pang lumang arcade machine na hindi ko pa nalalaro."

Arcade staff: "Ah... OK sir. Kung ganun, laruin nyo na lang po. Total kayo na po nagsabi na hindi nyo pa po iyan nalalaro. At salamat din po dahil naging matagal na suki po namin kayo."

Archie: "OK po. Salamat din po sa oras nyo."

Arcade staff: " Wala pong anuman."

Umalis at muling bumalik sa pagbabantay ang staff. Sina Archie at Albert naman, nilaro na lang ang bagong labas sa storage na lumang arcade machine.

Ilang oras ang nakalipas, nawili ng husto ang magpinsan sa nilalarong arcade machine at hindi na napansin na mag aalas otso na ng gabi. Hindi rin nila napansin na silang dalawa ang natitirang customer sa Arcade kasama ang Staff na nagbabantay rito.

Arcade staff: "Mukhang nawili kayo sa nilalaro nyo ah. Halos gabihin na kayo dito. Hindi ba kayo hahanapin ng mga magulang nyo?"

Archie: "Ate hindi po. Tsaka late na po umuuwi yung tatay ko sa bahay."

Albert: "Ang sa akin lang, nakikitira po ako sa bahay nila, kaya hindi rin po ako hahanapin."

Kukuha pa sanang muli si Albert ng barya sa pitaka nito ng mapansing wala na itong laman at ganun din si Archie.

Arcade staff: "Ay...sayang naman ang score nyo oh. Halos malapit nyo nang matalo ang High score ng laro na yan."

Archie: "Oo nga po eh. Mukhang laruin na lang namin ito sa susunod."

Arcade staff: "OK lang yan. Dahil sa malapit nyo nang matalo ang High score bibigyan ko kayo ng konting prize sa may booth ko. Halikayo! Sundan nyo ako."

Pagtayo ng dalawa sa arcade machine agad nilang sinundan sa booth ang staff kung saan binigyan sila nito ng isang box ng chocolate. Sakto namang biglang nagkabrown-out kaya mejo nagulat ang staff sa pagkawala ng ilaw.

Arcade staff: "Hay! Grabe! Nakakagulat naman yan brown-out na yan. Wala man lang abiso. Pagpasensyahan nyo na boys ha, kung sobrang dilim dito sa loob ng mall. Tsaka eto ang first experience ko na nawalan ng kuryente dito."

Archie: "OK lang po. Hindi naman po kami takot sa dilim. Tsaka salamat po sa regalo nyong chocolate. Ang dami po nito."

Arcade staff: "Ay...ganun ba? Hahahaha! At walang anu man din. Nakakahiya naman ako pa ang nahalata nyong takot sa dilim."

Albert: "Guyz......hindi naman sa dinidistorbo ko kayo sa usapan nyo pero, normal bang umiilaw pa rin ang arcade machine na nilaro namin kanina?"

Tiningnan ni Archie at ng Staff ang tinuturo ni Albert na arcade machine at laking gulat nila na umiilaw at umaandar pa ito sa kabila na walang kuryente ang buong mall. Lalo pa silang kinilabutan nang gumalaw at lumipat ito mula sa pwestong kinalalagyan ng acade machine.

Arcade staff: "Te...teka?! Namamalik mata lang tayo, di ba?! Da...dahil lang sa so...sobrang dilim dito sa ma....mall!!"

Albert: "Sa....sa tingin ko po hindi. Kung  nakita nyo po yung nakita ko, maharil to...totoo yung nakita po natin."

Biglang sumugod ang arcade machine sa kanila at binangga ang booth. Agad naman silang nakailag bago sila mabangga ng arcade machine sa may booth. Agad din silang tumayo at pumuwesto sa pinto ng Arcade. Lalo silang kinilabutan ng umikot ito at pinatamaan sila ng kuryente mula sa saksakan ng arcade machine at tumama sa sahig.

Arcade staff: "Ku.....kuryente ba yun?!!!"

Archie: "Oo!! Kuryente nga!! UMALIS NA TAYO DITO!!!!!"

Kumaripas ng takbo sina Archie at Albert kasama ang staff palabas ng Arcade kung saan hinahabol pa sila ng gumagalaw na arcade machine.


Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon