Natapos na naman ang isang boring na araw sa klase, muli na namang nagkita-kita ang magkakaibigan sa kanilang Clubroom kung saan wala silang gaanong magawa kundi ang magkwentuhan ng kung anu-anu sa mesa habang naghihintay ng uwian.
Aileen: "Ang boring pala kapag walang ginagawa sa club. Parang naubusan tayo ng gagawin matapos maipasa ang presentation natin tungkol sa field trip noong nakaraan."
Archie: "Oo nga, Aileen. Parang ang tagal tuloy ng oras kapag walang ginagawa."
Rochel: "3:30 pa lang ng hapon. Malayo pa sa oras ng uwian nang alas kwatro."
Lunabelle: "Uy...Carl. Bili ka nga ng mga chichirya sa Canteen."
Carl: "Huh? Ako na naman? Lunabelle, hindi ba pwedeng si Albert naman ang utusan mo? Kanina pa akong pabalik-balik sa Canteen dahil sa mga inuutos ni Ma'am Marika kanina."
Albert: "Carl, parang nagsisimula ka na namang magreklamo ah?"
Carl: "Albert, talagang kanina pa ako palakad-lakad at labas-pasok sa Canteen kanina. Kahit itanong mo pa dun sa Kahera ng Canteen."
Jett: "Ako na bibili. Kailangan kong maglakad."
Lunabelle: "Oh? Buti pa si Jett. Nagkusa syang utusan ang sarili nya."
Jett: "Ibigay mo na agad yung pambili, Lunabelle. Kanina pa namamanhid ang mga paa ko."
Ibinigay ni Lunabelle ang pambili ng mga chichiryang kakainin nila sa kanilang club at agad na umalis si Jett pagkakuha nya ng pambili ng kanilang miryenda.
Lyrica: "Guys, naisip ko lang, anu kaya pinagkaka-abalahan kaya ni Jett tuwing linggo?"
Albert: "Si Jett? Bakit, Lyrica? Wala ba sya sa Old Building kapag linggo?"
Lyrica: "Wala eh. Sabado lang sya meron. Tsaka, kinukulit nya ako lagi sa tuwing nagprapraktis akong gumamit ng magic powers ko."
Carl: "Huh? Tuwing sabado lang sya nagpapakita sa Old Building? Tsaka anu naman ang kinukulit nya sayo kapag nagprapraktis ka?"
Lyrica: "Eh....lagi nya akong sinasabihan na magpraktis akong gumamit ng kuryente imbes na i-enhance yung natutunan kong paggamit ng bolang apoy. Tsaka ayokong gumamit ng kuryente kasi natatakot ako na baka sarili ko ang makuryente ko."
Albert: "Kuryente talaga? Maganda sana yun suggestion nya sayo. Pero kung delikadong praktisin yun, dapat kausapin mo sya na natatakot kang gamitin ang kuryente."
Carl: "Oo nga naman. Lalo na't kapag hindi nakontrol ni Lyrica ang kuryenteng ginagamit nya at aksidenteng maitama sa tao."
Lyrica: "Sa maniwala kayo't hindi, sya na ang nagprapraktis kung paano magpalabas ng kuryente sa katawan nya."
Nagulat ang mga kasamahan nila sa loob ng kanilang club nang sinabi ni Lyrica ang tungkol sa pagprapraktis ni Jett na gumamit ng mahika na naglalabas ng kuryente sa katawan.
Archie: "Totoo ba yan sinasabi mo, Lyrica?! Nagprapraktis syang gumamit ng magic na kuryente?!!"
Carl: "Sandali?! Di ba mga Babaylan lang ang pwedeng makagamit ng mga magic sa libro?! Bakit nagagamit ni Jett ang magic sa pagpapalabas ng kuryente?!!"
Lyrica: "Guys! Huminahon lang muna kayo. Totoong pinapraktis nya ang magpalabas ng kuryente sa kanyang mga kamay, pero wala namang lumalabas na kuryente kahit na anung pilit nya."
Nadismaya at napanatag naman ang lahat nang malaman nilang walang lumalabas na kuryente sa mga kamay ni Jett kapag sumasabay na nakikipraktis ito kay Lyrica.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...