Maingay.
Malangsa.
Kung ang isang tao ay mapupunta sa lugar na ito, kaagad siyang aalis upang maghanap ng lugar na payapa at mabango. Pero iba ako. Hindi dahil sa gusto ko ang ganitong lugar kundi dahil sa kailangan ko. Kailangan kong magtiis sa lugar na ito dahil ito ang ikinabubuhay ko.
"Huy! Natalia! Nakatulala ka na naman. May bumibili na, oh!"
"Ah! Sorry Aling Ining. Hehehe," paghingi ko ng paumanhin sa amo ko. "Ma'am, ano po ang bibilhin ninyo? Mayroon po kaming galunggong, yellow fin, at ang best seller naming fresh tilapia. Pili lang po kayo," nakangiti kong sabi sa 'di katandaang babae nakaputi na t'shirt.
"I-kilo mo ako ng tilapya, mga tatlong kilo, saka pakilinis na rin," aniya.
"Your wish is my command, Ma'am!" kinuha ko ang kutsilyong pantanggal ng kaliskis at sinimulang linisin ang isda. Tumatalsik pa ang mga kaliskis nito dahil sa bilis ng paggalaw ng mga kamay ko.
"Ito na po, Ma'am! Tatlong kilong isda, malinis at ready to cook na!" Inabot sa akin ng babae ang bayad kapalit ng pag-abot ko sa kaniya ng supot laman ang tilapia. "Maraming salamat po!" Pinilit kong pasiglahin ang aking boses sa kabila ng pagod. Medyo sumasakit na rin kasi ang mga kamay ko at namamanhid na ang mga paa ko dala ng kakatayo mula umaga. Sa tingin ko'y ubos na ang enerhiyang dala ng kaunting miryendang kinain ko kanina. Mag-a-alas siyete na rin kasi ng gabi at nandito pa rin ako sa palengke nagtitinda ng isda dahil sa dami ng customer.
"Mukhang pagod ka na, Natalia. Sige na. Ako na bahala rito. Ilagay mo na lang sa thermo chest ang mga natitirang isda at umuwi ka na sa mga kapatid mo. Baka kanina ka pa hinihintay ng mga iyon," malumanay na sabi ni Aling Ining.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kaagad kong sinilid sa thermo chest na may nangangalahating yelo at nagpaalam kay Aling Ining.
Madilim ang daanang tinatahak ko pero kahit pa gano'n ay hindi ako natatakot. Bakit pa ako matatakot? May magtatangka bang gumahasa sa isang babaeng tulad ko? Sa postura kong ito? Magulong buhok maduming damit at amoy malangsa.
"Ate, bilhan mo ako ng gummy bears, ha?" naalala kong bilin sa akin ni Olive, ang pangalawa sa aming tatlong magkakapatid. Dumaan ako sa isang tindahan at bumili ng bente pesos na gummy bear na nakalagay pa sa selyadong sisidlan.
'Ring!' rinig kong pagtunog ng cellphone kong may keypad. Kinuha ko at tiningnan kung sino sa dalawang kapatid ko ang tumatawag.
Presy
Si bunso. Bakit kaya siya napatawag? Pinindot ko ang keypad. "Ate! Tulungan mo si Ate Olive, please!" Kaagad akong naalarma dahil sa paghinging saklolo ni Presy.
"Bakit, Presy? Anong nangyari kay Olive?" nanginging ang kanang kamay ko habang hinihintay ang sagot ni Presy.
Narinig ko na lang sa cellphone ang pagsigaw niya "Ate Olive! Huwag mong gagawin'yan, please!" Lalo pa akong naalarma.
Ano ba kasi ang nangyayari? "Presy! Ano ang nangyayari?"
"Ate, kasi...si Ate Olive..."
"Bakit, Presy? Bakit?"
"...magpapakamatay daw siya." Tila nabingi ako sa karugtong ng sinabi ni Presy.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...