CHAPTER 7:
BLOODLINE INHERITIONNapakalakas ng tibok ng puso ko, namumutla ang labi at nanginginig ang mga kamay. Kinakabahan ako. Ngayon kasi ang araw na pipili ako ng bloodline. Feeling ko may mangyayaring masama sa akin mamaya.
"Natalia, you are overthinking. Pipili ka lang ng bloodline, walang mangyayari sa'yo," rinig kong sabi ni Gel sa likod ko. Nakikita ko ang repleksiyon niya sa salaming nasa harap ko. Kakatapos ko lang i-suot ang hanggang tuhod na puting bestidang pinapasuot nila sa akin.
Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Ang makapal at parang alon kong buhok na kasing kulay ng dahong natuyo sa paglipas ng panahon. Ang kilay kong may katamtamang kapal na bumabagay sa aking mata. Ang manipis kong ilong at ang ngayo'y namumutla kong maliit na labi.
"Alam mo, Natalia, ang ganda mo. Your innocent beauty matches that dress," komento ni Gel.
"S--salamat."
"Halika rito. Let me make you more beautiful para marami kang mabingwit."
"Ah, huwag na," pagtanggi ko. Hindi naman kasi siguro importanteng magpaganda pa ako, eh.
"No, Natalia. Kailangan mo ito. Ang Bloodline Inherition ay espesyal na seremonya. I know a lot of people will watch you later; you better look more presentable for them," saad niya't hinatak ako, pina-upo at sinumulang ayusan.
Ilang sandali ang lumipas at kita ko sa salamin ang pagkabuhay ng kanina'y lanta kong mukha. Tinago ng pulang liptint at iba pang kolorete ang tunay kong nararamdaman: ang kaba.
"Now you're good to go. Tara na!"
Nagpahatak ako kay Gel. Lumabas kami sa kuwarto niya, naglakad ng ilang minuto hanggang sa makarating kami sa lugar na tinatawag nilang Inherition Hexagon.
Nadatnan ko ang napakaraming hadmans, nakapalibot sa nakaalsang sementadong stage na hugis hexagon.
"See that crowd? This is the reason why I dolled you up," sabi ni Gel saka humawak sa kamay ko at sabay naming tinungo ang stage.
Sa bawat daraanan namin ay kusang nagbibigay daan ang mga hadmans. Makitid ngunit sapat na para makaraan ang isang tao. Dahilan ito upang hindi makatakas sa pandinig ko ang salitang lumalabas sa kanilang bibig.
"Ang swerte talaga ng mga humans, no? Akalain mo, pwede silang pumili ng kahit na anong bloodline."
"Hindi lang 'yan, napakalaki ng porsyento para makakuha sila ng malakas na bloodline."
"Kung ako sa kaniya, pipiliin ko kaagad ang pyro. Tapos sisiguraduhin kong purity ang makukuha ko."
"Haaay naku! Hanggang pangarap na lang talaga na maging kasinlakas tayo ni Eris."
Masyado kong pinagtuonan ng pansin ang pinagsasabi nila. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng stage. Hanggang dibdib ko ang taas nito.
"Umakyat ka na, Natalia," utos ni Gel. Tumingin ako sa stage at naghanap ng hagdan pero walang ni-isa sa kahit anong sulok ng stage. Hindi naman ako pwede umkayat nang basta-basta dito dahil naka-bestida ako. Paano ko aakyatin ito?
"Tulungan na kita," rinig kong boses ni Xian na bigla na lang sumulpot sa harap ko. Hindi pa ako nagbibigay ng permiso ay binuhat niya ako. Napakapit ako sa batok niya sa pagkabigla. Tumalon siyang bitbit ako sa mga braso at sa isang iglap ay nasa taas na kaming dalawa.
Binaba niya ako at kinindatan. "You owe me this one," saka biglang nawala.
Naiwan akong nakatayo sa stage at nang ilibot ko ang aking paningin, halos malula ako sa dami ng narito. Lahat sila ay nakatitig sa akin. Nakakailang. Nakakahiya.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasía"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...