Chapter 26:
HYBRID BLOODLINENatalia
Napagdesisyunan na namin matulog dahil halos lahat kami ay napagod sa training. Kailangan namin magpahinga dahil maghahanap na naman kami bukas kay Prince Kaleb.
Ngunit bago kami maghiwa-hiwalay para pumunta sa kaniya-kaniyang tent ay hinatak ako bigla sa balikat ni Eris at saka may binulong. "Can you heal him?"
Sinundan ko kung kanino siya nakatingin: kay Oxy. Napangiti nalang ako at tumango.
"Thank you," bulong niya.
Lalo pa akong napangiti. Cold man si Eris at hindi man niya pinapakita madalas ang emosyon niya, alam kong nag-aalala rin siya sa bawat isa sa'min. alam na alam ko kung bakit niya ginagawa ito.
"Wala 'yon. Trabaho ko 'to bilang healer ng grupo," sabi ko. At saka siguro ito na ang pagkakataon para makausap ko si Oxy tungkol sa nangyari noong nakaraang gabi na hindi ko maalala. Sigurado akong may nangyaring masama dahil buong araw akong hindi kinibo ni Oxy. Hindi niya 'yon ugali, bilang siya rin ang trainee na unang kumausap sa akin nang mga unang araw ko dito sa Hadesworld.
"Oxy!" pagtawag ko sa kaniya bago pa siya makapasok sa tent. Lumingon naman siya sa'min.
Gamit ang aking labi, tinuro ko ang mga sugat at kalmot niya sa braso na malamang ay natamo niya sa pakikipag-sparring kay Xian. Tiningnan niya naman ang mga ito saglit.
"Hindi ba masakit? Pwede kita gamutin," sabi ko nang hindi naalala kung ano ang lumabas sa bibig ko.
Kita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya. Kaya bago pa siya makasagot ng "hindi" ay ako na ang lumapit sa kaniya. "At may gusto din akong itanong at sabihin sa'yo."
"What is it?" seryoso niyang tanong, hindi nakangiti 'di tulad ng Oxy na kilala ko. Parang naging lalaking version siya ni Eris nang una kaming magkita.
"Pwede bang huwag tayo dito mag-usap?"
"Bakit? Don't you want them to know what you're hiding?" diretso niyang sabi.
Napayuko na lang ako. Totoong ayaw kong ipaalam sa kanila ang kakaibang nangyayari sa akin. Kapag nalaman kasi nila, malalaman din nila na ako talaga ang dahilan ng pagkawala ni Prince Kaleb. Malalaman nila na ako talaga ang isa sa dahilan kung bakit sila napunta sa sitwasyong ito.
"'K fine," sabi niya at naglakad palayo. Di ko man alam kung ano ang tinutukoy niya ay sumunod na lang ako sa kaniya.
Huminto si Oxy nang makalayo-layo na kami. "Now what?"
"Tungkol kagabi. Alam kong 'yon ang rason ba't mo'ko iniiwasan. Pwede i-kwento mo sa akin ang nangyari? Hindi ko kasi maalala."
"Wala kang maalala? You just transformed into a freaking hybrid monster last night, Natalia. Then you killed all of them and you...you almost killed me!" bulyaw niya.
Napantig ang tenga ko. Katulad ng inaasahan ko, sa pangalawang pagkakataon ay nangyari ulit ito sa akin. Pero sa pagkakataong ito, muntik ko nang mapatay si Oxy nang hindi ko namamalayan.
Halimaw nga ba talaga ako?
"Sorry. Hindi ko sinasadya," paumanhin ko.
"What are you?" sambit niya. Kita sa mukha niya ang kagustuhang makarinig ng sagot mula sa'kin.
Umiling ako. "Hindi ko rin alam, Oxy. Kaya nga gusto kita makausap. Gusto kita tanungin. Ano nga ba ako?"
Natahimik siya nang may confused na ekspresyon.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...