Chapter 40:
DEATH AND CHAOSKEIFER
"Maghanda na kayo! Oras na para sa inyong pagbitay!" sabi ng kawal. Binuksan nito ang kulungan at sinabing, "Hindi na namin kayo lalagyan ng posas. Basta huwag n'yo na lang tangkaing tumakas."
"Let me talk to the queen. I am ordering you as a prince!" I firmly said.
"You were never a prince of this land, Keifer. Bastardo ka lang," sabi ni Princess Kira.
That's right. I was never considered a prince though the blood of the late king runs through me. Bagamat sanay na ako na ganito nila ako ituring ay napapaisip pa rin ako. What if I were being treated as a prince just like them? Would we be freed from this mess that we did not even make?
"Dalhin sila sa Execution Square. It's about time for their execution," Kira commanded the prison guards.
"Pa'no sina Olive at Niko? Hindi n'yo sila pwedeng isama! Hindi namin sila kasama!" sigaw ni Natalia, pilit binubuwag ang posas.
"Don't mind her. Isama n'yo na ang mga 'yan," huling salita ni Kira saka naunang umalis.
"Hindi!" patuloy na pagsigaw ni Natalia samantalang wala namang imik si Olive simula pa kanina. Halos lahat kami ay nagpupumiglas but our strengths are not enough. If only we can use the power of our bloodline, kanina pa kami nakawala dito. But it seems they made us take anti-bloodline pills when we were unconscious.
Marami kaming pasikot-sikot na dinaan na pamilyar sa akin. Hanggang sa dinala kami sa isang stage at tumambad sa amin ang napakaraming tao. A public execution. Bibitayin kami sa harap nilang lahat.
Dumating ang reyna at tumayo ito sa kabilang stage na mas mataas pa stage na kinatatayuan namin. "Nasa harap ninyo ang mga salarin sa pagpatay sa aking anak, sa inyong prinsipe na si Kaleb. Kaya ngayon, masasaksihan ninyo ang parusang kamatayan na inihatol sa kanila."
Nagsigawan ang mga tao, sigaw na sinusuportahan nila ang parusang pinataw sa amin. Lalo pang lumakas ang sigawan nang nilagay na sa aming leeg ang tali na nakatali sa itaas. Nagkatinginan kaming anim at lahat ay may bakas ng labis na takot sa aming mga mukha.
Mukhang ito na talaga ang katapusan namin. We have faced numerous deadly situations like this but luck saved us during those times. Ngayon ay wala na akong maisip na ibang paraan o milagro na magliligtas sa'min sa kamatayan.
Muling umalingawngaw ang boses ng reyna sa buong square. "As the Queen of this land, I officially commence the execution of these criminals. Kill them!"
Sa pag-ikot ng isang kawal sa gulong na nasa gilid ay siyang pagana ng makinarya, a machinery specially built for a torturing execution. Nagsimulang humigpit ang tali sa aming leeg. Unti-unti nitong inangat ang aming katawan. Sina Eris, Olive, at Natalia ang naunang umangat sa ere and they are starting to gasp for air. Nang maiangat na rin kaming mga lalaki ay tila sinakal ako nito. Nagsama ang sensasyon ng pagkawala ng hangin sa aking katawan at ang sakit ng lubid sa aking leeg. I struggled as I sense that death is near. Few last breaths and it will be my final moment.
Bibigay na sana ang aking katawan nang biglang narinig ko ang pag-iba ng sigawan ng mga taong nanonood. From screams of entertainment, all of their screams turned into screams of fear. I don't know what's happening because my eyesight has become blurry. But suddenly, my body fell into the ground.
Mabilis akong huminga nang malalim nang maramdamang lumuwag din pati ang tali sa aking leeg. Umubo pa ako nang maraming beses dahil tila nakalimutan ko kung paano huminga. When my lungs are filled with enough air, my eyesight turned back to normal. Adrenaline rush hit and my body recovered fast. Bumangon ako upang alamin kung ano ang nangyari ngunit mas ikinatakot ko ang aking nakita.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...