/17/ Where Is Kaleb?

2.5K 109 10
                                    

Chapter 17:
WHERE IS KALEB?

☆ Prince Kaleb ☆

Napamulat ako ng mata nang biglang may malamig na tubig na bumuhos sa aking mukha. Napabangon ako at dalawang lalaking nakaitim na cloak ang kaagad kong nakita, both of their eyes glowing in red.

"Bloodsuckers!" I whispered in panic. Kaagad na nag-init ang aking mga palad ngunit walang apoy na lumabas na siyang kinakunot ng noo ko.

"Hindi gagana 'yan, boy. Kung ako sayo, sumama ka na lang nang mahinahon," sabi ng isa sa kanila.

Dito ko napansin ang hindi ko maramdaman ang aking bloodline. Shit! They made me take an antibloodline pill, a pill that can diffuse a someone's bloodline!

Lumapit sa akin ang dalawa dahilan upang ako'y maalerto. Bahagya akong umatras at tumakbo pasalubong sa kanila. Sisingit sana ako sa espasyo sa kanilang pagitan ngunit hindi ko akalaing parang pader sa tatag ang mga katawan nila. Hinawakan nila ako sa magkabilang bisig at sinikmuraan. Nakagat ko ang aking labi sa pag-impit ng sakit.

"Sumama ka na lang kasi ng mahinahon, boy," mapang-asar na sabi ng isa pa. Kahit na ako'y nakayuko't nakahawak sa sikmura, kanila pa rin akong kinaladkad palabas ng kulungan.

When the pain disappeared, I lifted my head to see what's around me.

Madilim.

Napakadilim na halos wala akong makita. Hanggang sa bawat limang hakbang na aming malagpasan ay unti-unting nagiging maliwanag ang aming dinaraanan. Parami nang parami na kasi ang mga lamparang nakadikit sa magkabilang dingding ng makitid na hallway.

Hanggang sa nakarating ang pangangaladkad sa'kin sa isang great hall. Mula entrance hanggang sa unahan ay tinatakpan ng pulang carpet ang sahig. Naglalarong kulay ng pula at itim ang tema ng disenyo sa dingding. Sa kisame ay may mga nakadikit na mga higanteng puting pangil kung saan may dumaraang pulang likido at pumapatak sa nakahilerang maliliit na fountain sa baba. Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa awra ng paligid.

Dinala ako sa pinakadulo ng great hall kung saan may malapad na hagdan na nagdurugtong sa sahig at sa parang stage. Sa taas nito ay may limang higanteng upuan, isang gintong upuan sa gitna at tigdadalawang pilak na upuan sa gilid. Bakante ang gintong upuan sa gitna ngunit may nakaupo sa natitirang apat na pwesto, dalawang babae at dalawang lalaki at lahat sila ay nakasuot ng kulay dugong cloak. Kaagad kong napagtanto kung sino sila: ang konseho ng mga bloodsuckers, the strongest of the bloodsuckers.

Pabagsak akong pinuapo sa upuang kaharap ang mga hadmans na nakapula. Isang bloodsucker ang naglakad papalapit at tumayo sa harapan ko. "Here he is," sabi niya na parang nagbabalita.

"Siya ba ang tinutukoy mo, Albert?" tanong ng isang lalaking konseho.

"Siya 'yon, Damon," sagot ni Abert habang sa akin nakatingin.

"I-kwento mo sa amin ang buong detalye," ma-awtoridad na utos ng babaeng katabi ni Damon.

"Siguro mas mainam kapag ang dalawang saksi mismo ang magkwento," sagot ni Albert. "Papasukin sila," utos pa nito.

Dalawang mahinang pares ng yabag ang aking narinig sa likod at batid kong papalapit sila sa akin. Hanggang sa dalawang batang bloodsuckers ang nagpakita, isang matangkad na babae at isang lalaking mas mababa kumpara sa babae. Parehas silang nakasuot ng itim na cloak. Dire-diretso silang naglakad at nilagpasan ako. Tumayo sila sa bandang harapan, sa pwestong hindi nila tinatakpan sa paningin ko ang konseho.

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon