/EPILOGUE/

3.6K 87 16
                                    

NATALIA

2 Months Later

"Ate Natalia, gising na! Dali! May surprise kami sa'yo!"

Nabulabog ang mahimbing kong pagtulog sa sigaw ni Olive.

"Gusto ko pa matulog," naaalimpungatan kong tugon.

"Really? You're going to just sleep on your special day?" sabi ni Eris. Ngayon ko lang namalayan na nandito rin pala siya.

"Special day? Bakit? Ano ba meron ngayon?" Sinubukan kong alalahain kung ano ang meron ngayon pero wala akong maalala."May mission bang binigay sa'tin si Ms. Leony?"

"Naalog ba talaga ni Xilus 'yang utak mo at nakalimutan mong birthday mo ngayon, Ate?"

Huh? Birthday ko ngayon? Kaagad akong bumangon at pumunta sa kalendaryo. Napangiti na lang ako. Birthday ko nga ngayon! Bagama't iba ang kalendaryo ng Hadesworld sa mundo ng mga tao ay birthday ko talaga ngayon kung ikukumpara ang dalawa.

"Happy birthday, Ate! /Happy birthday, Natalia!" sabay na bati ni Olive at Eris.

"Magbihis ka na. May surprise kami sa'yo. Dali!" Nae-excite na sabi ni Olive.

"Surprise?"

"O'o, kaya bilisan mo na!"

Dahil sa sigaw na ito ay napabihis ako kaagad. Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng naganap na laban. Marami ang nasawi at nasira. Ngayon ay nasa rehabilitasyon ang lahat. Ngunit may isang bagay kaming napala: laya na kami sa paratang na hinatol sa amin ng madla. Ngayon ay nakabalik na kami sa Camp at nag-aaral ulit.

Pagkatapos ko magbihis ay piniringan ako ni Olive. "Para mas exciting."

Naglakad kami palabas. Para hindi ako magkanda patid-patid ay pinagana ko ang Bloodsucker Bloodline ko para tumalas ang aking senses. Gamay ko na kasi pano gamitin ang kakaiba kong bloodline. 

Wala pa rin akong makita dahil sobrang kapal ng itim na telang pinantapal sa aking mata. Ngunit, naririnig ko lahat ng bulong-bulongan sa nadaraanan namin. Lahat ng ito ay tungkol sa amin: kay Olive na naging pangalawang Bloodsucker trainee ng Camp; si Eris na lalo pang sumikat; at ako na hindi na sikretong may  hybrid bloodline. Simula nang kumalat ang balita tungkol sa bloodilne ko, lagi na akong usap-usapan. Para akong naging artista sa mundong ito. Hindi ko alam kung mabuti ba ito dahil hindi ako sanay. Mas sanay ako sa buhay na tanging mga mahal ko lang sa buhay ang tanging nakakakilala at nakakapansin sa'kin.

Ilang minuto ang lumipas ay huminto na kami. Maraming mga tao ang narito base sa aking naririnig na mga bulungan. Ilang segundo pa ay nakarinig ako ng malakas na pagaspas ng pakpak.

"The King is here."

"Grabe ang gwapo niya talaga."

"Swerte ng mapapangasawa niya."

"Let's all bow to the King," sigaw ng isa sa mga taong nandito.

Magba-bow na sana ako ngunit may pumigil sa akin. "Magba-bow ka talaga sa'kin?" rinig kong sabi ni Keifer.

O'o, si Keifer. Siya ang bagong hari ng Hadesworld. Namatay kasi ang reyna at mga anak nito sa laban at si Keifer na lang ang natitirang Pure-Blooded Pyro. Sa kabila ng pagiging anak ng hari ay naipasa niya rin ang requirement na makapagtransform sa isang dragon kaya siya ang kinoronahan bilang bagong hari.

"Mukhang good mood ka ngayon, ah," puna ko dahil nararamdaman kong good mood nga siya.

"Siyempre, makakapuntos na naman ako sa'yo ngayon, eh," sagot niya. "I prepared this surprise for you," bulong pa niya.

"Tama 'yang kakalandi. Act like a king, will you?" rinig kong sabi ni Xian. Hindi ko akalaing nandito rin siya dahil maging siya ay hari na rin ng mga Bloodsuckers.

"Wow ha, coming from you! Eh, mas ikaw itong isip-bata, eh. Ewan ko nga pa'no ka naging hari ng Bloodusckers. Tell me, pa'no mo sila napapasunod?" pagsingit ni Eris.

"I'll cut their throats if they did not follow my Master," rinig kong sabi ni Olive.

"Olive," pagsita ko.

"Sorry, Ate. Good girl na'ko ngayon hehe!"

"Good girl? Eh balita ko may binugbog ka na namang mga bullies nung nakaraan," sumbong ng ngayo'y isa ng Crowned Prince ng mga Fluid na si Oxy.

"Ekis tayo sa bullies, boy. Mabait ako sa mabait pero never sa bullies," sagot ni Olive.

"I'm raising you well," proud na sabi ni Xian sabay pat sa ulo ni Olive.

"Shhh, I think it's starting," sabi ni Kiefer. Kaya napatahimik naman ang lahat.

"Should we remove the blindfold now?" bulong na tanong ni Olive.

"'Wag muna. Let's wait until..." utos ni Xian. "Oh, there she is! Now!"

Pagtanggal ng piring sa aking mga mata ay nakasisilaw na liwanag ang bumungad sa'kin. Ngunit habang papawala ang liwanag ay pigura ng babae aking napansin. Lumakas ang tibok ng puso ko. Nagsimulang mamasa ang mata ko.

"Ate," sabi ng pigura ng babae.

Siya nga. Boses nga niya. "Presy! Bunso!" Napatakbo ako at sinalubong si Presy ng yakap.

"Ate. Nandito ka nga, Ate. Kayo ni Ate Olive, buhay nga kayo," sabi niya at humagulgol.

Maging ako ay napaluha. "Na-miss kita, Presy." At mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya.

"Na-miss din kita, Ate. Sobra. Na-miss ko kayo," sabi niya nang yumakap na rin si Olive.

"Happy birthday, Natalia," pagbati ni Oxy, Xian, Eris, at Keifer na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa'min.

Kumalas kami sa pagkakayakap at humarap kami sa kanila.

"Did you like our surprise?" tanong ni Kiefer.

Ngumiti ako dinambahan sila ng yakap. Sinigurado kong lahat silang apat ay maaabot ng yakap ko at sinabing, "Sobra. Thank you!"

Nanumbalik sa isip ko ang mga pinagdaanan ko dito sa Hadesworld. Mula pagdating ko hanggang sa naging kaibigan ko sina Eris, Oxy, Xian at Keifer. Lalo na ang mga peligrong nalagpasan namin.

Nakakatuwang isipin na mula sa pagiging grupo ng mga outsiders ay tinitingala na kami ngayon. Sino ba naman ang ilang beses nang muntik mamatay sa loob ng maikling panahon? Dumaan kami sa butas ng karayom bago namin marating ang kung sino at ano kami ngayon.

Kala ko katapusan na ng buhay ko nang mapadpad ako rito. Hindi ko akalaing dito sa mundong ito ko mararamdamang masarap pala mabuhay. Masarap mabuhay lalo na at alam mong may karamay ka at may kakampi ka sa bawat labang iyong kahaharapin. Mayroon akong Eris, Oxy, Xian, Keifer, Ms. Leony, Olive at Presy.

Isa na lamang ang ihinihiling ko: ito ang kaligtasan at kaligayahan nila.

Matagal akong nagdasal. Ilang beses din akong humiling. Akala ko nga hindi ako naririnig dahil puro paghihirap ang naranasan ko. Pero heto ako ngayon. Biniyayaan ng bagong buhay. Siguro hinahanapan lang Niya lang ako ng tamang lugar, tamang oras at tamang mga tao.

Ako si Natalia, ang kauna-unahang hybrid ng Hadesworld, at ito ang aking kwento.

Hanggang sa muli!

🤍 THE END 🤍
-------------

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon