/20/ Boy's Quarrel

2.1K 89 5
                                    

Chapter 20:
BOY'S QUARREL

Tunog ng mga insekto ang pumupuno sa aking pandinig. Habang ang mataas na nakatirik na buwan naman nasa aking paningin.

Higit kalahating oras na nang matapos kaming maghapunan. Sapat na ang inihaw na karne ng nilalang na hindi ko alam kung ano upang mapunan ang kaninang kumakalam kong sikmura. Hindi ko na inalam kung anong ito. Basta ang importante ay nabusog ako.

Oras na para matulog. Si Eris ang nagpresenta na magbabantay sa amin sa gabing ito. Sinubukan pang magpaka-gentleman ni Keifer at Xian. Nagpresenta silang sila na ang magbabantay pero tinarayan lang ang mga ito ni Eris sabay sabing, "You think I can't guard you just because I'm a woman?"

Kaya 'yon, ako lang mag-isa ang matutulog sa tent na dapat sana ay dalawa kami ni Eris. Ang tatlong lalaki naman ay sa iisang tent lang din.

Pumasok na ako sa loob at humilata, ang pinakakomportableng posisyon ng paghiga na alam ko. Hindi ako dinadalaw ng antok kaya sinubukan kong magbilang pababa.

One hundred. Ninety-nine, Ninety-eight. Ninety-seven...

Thirty-three...thirty-two...

Twenty-one...twenty....

Eleven. Ten. Nine. Eight. Seven...

Akmang magsasara na ang talukap ng aking mata nang makarinig ako ng dalawang lalaking nagsisigawan sa labas.

Muling nagising ang aking diwa.

Kaagad akong bumangon at lumabas. Nadatnan kong nagsisigawan at nagduduruan sina Keifer at Xian sa labas ng tent nila. Si Oxy naman ay todo awat sa dalawa.

"What the hell is happening here?" sigaw ni Eris na mukhang kararating lang din. Nakalugay pa ang kaniyang itim at tuwid na tuwid na buhok na unang beses ko pa lamang nasaksihan.

Pati si Oxy ay nagulat sa ayos ni Eris dahilan upang mabitawan niya ang pag-aawat sa dalawa.

Nagulat ako nang humulma na ang mga itim na ugat sa magkabilang braso ni Xian samantalang nagkaroon naman ng mga kaliskis ng dragon sa kanang braso ni Keifer. Halatang parehas silang gusto ng magsakitan.

Ngunit bago pa sila magsalpukan, mas ikinagulat ko ang sumunod na nangyari. May tumamang nagyeyelong palaso parehas sa kanang binti ng dalawang binata. Kaagad silang na natumba at napadaing.

"Kung mag-aaway kayo, h'wag sa harap ng tent. Sisirain n'yo pa, eh dalawang tent lang meron tayo. For pete's sake, get a brain both of you!"" panenermon ni Eris habang hawak ang kaniyang pana. "Go heal them," sabi niya pagkalingon sa akin.

Parang robot naman akong kaagad na sumunod. Una akong lumapit kay Keifer dahil siya ang mas malapit sa akin. Naglabas ako ng healing light at tinapat ito sa nagyeyelo niyang binti na tinatakpan ng kaniyang pantalon.

Tila nakakapanibago at hindi pa rin ako makapaniwalang nagagawa ko ang bagay na ito, ang magpagaling. Parang kinukwestiyon ko pa rin ang aking sarili kung totoo ba talaga ito. Ngunit kaagad itong sinasagot ng reyalidad na nararamdaman ko ang malamig na sensayon na dumadaloy sa aking dugo, ang aking fay bloodline.

Nang maalis ko na ang yelo sa binti ni Keifer ay sinunod ko naman si Xian. "Tss. Siya pa talaga inuna," parang bata niyang sabi paglapit na paglapit ko. Hindi ako umimik at sinimulan ko na lang siyang gamutin. Mabilis ko itong nagamot na para bang hindi ako baguhan sa bagay na ito. "Sa susunod, ako naman unahin mo," nakaismid niya pang sabi.

"I am warning you, Xian. Natalia won't become your prey. Pero sige, payag ako na ikaw sa susunod ang unahin ni Natalia. Kapag may ginawa kang kabulastugan tulad nito, ikaw ang una kong ipapapatay kay Natalia," sabi ni Eris. "Bakit ba kasi kayo nag-aaway na parang mga bata?"

"Ask him," tanging sambit ni Keifer.

"No, you ask him!" sabi ni Xian nang may diin habang tinuturo pa si Keifer.

Pansin ko ang pagkuyom ni Keifer sabay tayo. "Ako? Sige. You know what, Xian, kung wala kang maiaambag sa misyong ito, manahimik ka na lang. Your petty jokes aren't helping! You're just getting into our nerves!"

"I was just trying to light up the mood, psycho! Sorry if I am not a pessimist like you. Ikaw ang dapat manahimik. Your negative thinking will bring this mission down. Ano ulit? Sinabi mong this mission is a suicide dahil lang hindi natin nakita sa unang araw ng ating misyon ang lintek na prinsipeng 'yon!" pabalik na sigaw ni Xian.

"Bakit? Hindi ba totoo? Is this misyon not a suicide? We were given two weeks, fucking two weeks, to find the prince. Napakalaki ng Hadesworld Xian para magawa natin 'yon. Isn't that a suicide?"

"French na fries!" nanggagalaiting pagpipigil na mura ni Xian sabay hilamos sa mukha. "Unang araw pa lang 'to ng misyon Keifer pero kung umasta ka, parang katapusan na ng lahat."

"I was just stating the fact!" sabat pa ni Keifer.

"Enough!" sigaw ni Eris. "So ang nangyari, nagbitaw ng pessimistic claim si Keifer tapos nagbiro si Xian tungkol dito kaya kayo nag-aaway ngayon. Both of you are wrong and that ends here. Now I want you apologize to each other."

"No way!/That's nonsense!" sabay na reaksiyon nilang dalawa.

"Ah, ayaw n'yo? Sige madali lang din naman ako kausap," sabi ni Eris at inangat ang kaniyang pana na may nakasukbit na dalawang nagyeyelo at umuusok na palaso.

Ngunit 'di siya pinansin ni Keifer na kaagad na tumalikod. Samantalang nag-middle-finger naman si Xian sa nakatalikod na si Keifer.

"Guys...I think that's enough. There's a bigger problem we got here," sabi ni Oxy kaya napunta sa kaniya ang aming atensiyon. Hindi pala sa kaniya kundi sa kung saan siya nakatingin. Mayroong mga mapupulang pares ng mata ang nakatago sa dilim.

"Bloodsuckers!" sambit ni Eris. Ibinuka niya ang kaniyang braso na para bang handa siyang protektahan kami. Unti-unti siyang umaatras kaya napapaatras din kami. Hanggang sa tumama ang likod ko sa dalawang matigas na braso nina Kiefer at Xian. Umaatras din pala kasi sila papalapit sa amin.

Nagpakita na mula sa dilim ang mga bloodsuckers na nagmamay-ari ng nagliliwanag na pulang pares na mga mata.

"We're surrounded," kalmadong bulong ni Keifer, sapat upang marinig naming lima.

"There are seven of them. Us, three, can handle them right?" tila 'di siguradong tanong ni Eris.

Sandali three? Hindi ba't lima kami rito?

"I can sense them. They're not that strong anyway. Tatlo sa'kin. Tig-dadalawa kayo," nakangiti sabay kindat na sabi ni Xian. "This is going to be fun," dagdag pa niya na tila 'di makapaghintay na makipaglaban.

"Tsss," reaksiyon ni Keifer.

Napailing lang din si Eris.

"Natalia, you can fly, right? Take Oxy with you," pagkuha ni Keifer sa atensiyon ko.

Fly? As in lipad?

"It's only been days since she became a fay. Hindi pa niya kayang gawin 'yon," sagot ni Eris sa tanong na dapat para sa akin.

Pansin ko ang panandaliang pagpikit, pagkagat ng labi, at pag-iling ni Keifer. "Oxy, you know what to do. Pagbilang ko ng tatlo, tumakbo kayo ni Natalia. I'll make way so you can escape. Isa..."

Marahang lumalapit sa amin ang mga bloodsuckers. Makikita sa mga mata ang labis na pagkatakam nila sa amin. Ngunit napapansin ko rin na nagpipigil silang sunggaban kami. Habang marahan silang lumalapit ay tila ba sinusuri nila kami, ang kakayahan naming makipaglaban.

"Dalawa..."

Pansin ko ang paglabas ng makakapal na itim ba kaliskis sa kanang braso ni Keifer. Humulma na rin ang itim na mga ugat sa likod ng kamay ni Xian. Nagpalabas naman ng dalawang manipis na espada si Eris. Naging dahilan ito upang maalerto ang mga bloodsuckers.

"Sa kanila ninyong dalawa ibuntong lahat ng galit n'yo sa isa't isa," nakangising sabi pa ni Eris kila Xian at Keifer bago ko narinig ang hudyat ng huli.

"Tatlo!"

Kasabay ng sigaw na ito ay ang biglang pagbukas ng mga pakpak ni Keifer; ang biglang paghaba ng mga kuko ni Xian, at ang biglang pagyelo ng mga espada ni Eris.


HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon