/45/ Thorns of the White Rose

2K 64 0
                                    

Chapter 45:
THORNS OF THE WHITE ROSE

***

WARNING!!!

THIS CHAPTER CONTAINS BRUTAL SCENES THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG OR SENSITIVE READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK!

***

Matapos saksakin si Eris ay tila basura siyang ihinagis ni Xilus.

Lumipad ako para saluhin siya pero huli na. Bumagsak sa lupa ang kaniyang katawan. Narinig ko pa ang pagdaing niya kaya nagpatuloy ako na puntahan siya. Ngunit may humatak sa akin at kinulong ako sa kaniyang braso.

"Pakawalan mo 'ko!" sigaw ko kay Xilus habang nagpupumiglas.

"Pakawalan mo siya!" rinig kong sigaw ni Eris na nakuha pang bumangon. "Aaaaah!" sigaw niya nang kaniyang bunutin ang espada mula sa kaniyang katawan.

Kitang-kita ko kung pa'no sumirit ang kaniyang dugo. Maging bibig niya ay naging daluyan din ng dugo. Muli siyang naglabas ng espada at paika-ikang pumunta sa amin. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang tuluyan siyang matumba.

"Eris!" sigaw ko at napaiyak na.

"Pa'no ba 'yan ikaw na lang ang natira," bulong ni Xilus sa tenga ko. "Ibig sabihin ba nito makakapaghapunan na ako nang matiwasay?"

Inangat ko ang aking kamay at nagpakawala ng maraming healing lights papunta kay Eris. Hindi ko pa natatamaan si Eris ay tinabig ni Xilus ang isa kong kamay at inikot kami. Hindi ko na makita si Eris dahil parehas na kaming nakatalikod sa kaniya. Wala na akong kakayahang magamot siya.

"Hayop ka, Xilus!" sigaw ko at pinipilit na humarap kay Eris kahit alam kong imposibleng makawala pa ako sa mga bisig niya. Kailangan ko kasing mapagaling si Eris. Hanggat may buhay pa siyang natitira ay makakaya ko siyang gamutin. Kaso unti-unti nang nauubos ang oras. Ilang saglit lang ay malalagutan na ng hininga si Eris.

Sinubukan kong paganahin ang hybrid bloodline ko pero hindi ito rumeresponde. Para itong pundidong ilaw na hindi umiilaw kahit na i-on ko ang switch.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Wala na akong ibang magawa kundi magmakaawa. "Please, hayaan mo akong gamutin sila. Wala na akong pakialam kahit anong gawin mo sa'kin."

"Hindi ba mas maganda kapag hinayaan mo silang mamatay? Para magkita-kita kayo sa langit mamaya?"

"Kung gusto mo akong patayin, ako lang! Huwag mong idamay ang mga kaibigan ko!" sigaw ko.

"Baka nakalimutan mo. I will rule this world no matter what. And to do that, I must kill all the possible rebel first. And that starts with you..." Inamoy-amoy niya ang aking leeg bago niya sinabi karugtong, "...and your friends."

Naramdaman ko na lang na may tumusok sa leeg ko, ang pamilyar na pakiramdam ng pagbaon ng mga pangil sa aking balat.

Ito ba ang dahilan bakit noong una ay pinipilit ako nila Ms. Leony at Eris na kumuha ng kahit anong bloodline maliban sa Fay? Ngayon nakikita ko na. Dahil wala nga talaga akong laban kay Xilus. Ngayong hindi gumagana ang hybrid kong bloodline ay parang wala akong kwenta. Nanood lang ako kanina sa laban habang ang mga kaibigan ko ay binubugbog, pinapatay ng halimaw na ito. At ngayon ay wala na akong ibang magawa kundi maghintay ng sarili kong kamatayan.

Katumbas ng bawat pagsipsip ni Xilus ng aking dugo ay pagbawas ng natitira kong buhay. Unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin. Maging pandinig ko ay nawawala na rin. Wala na rin akong maramdamang sakit, na parang naging manhid na ang aking katawan. Ganito ba ang pakiramdam bago pumanaw?

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon