/31/ Bloodsucker's Territory

1.9K 78 6
                                    

Chapter 31:
BLOODSUCKER'S TERRITORY

"What the f-," pagsinghap ko. Pati sina Eris ay hindi rin makapaniwala sa nasaksihan.

Now, I became more confused. What the hell really is happening?

Nanumbalik kami sa huwisyo nang dumating bigla si Xian.

"Guys, we should run! The Queen has ordered to kill us!" he said in a hurry. "But she did not order to kill the prince. This is all the princess's scheme!"

Tila robot naman kaming tumakbo kaagad.

"Chase them! Make sure to kill all of them!" sigaw ni Princess Kira.

Wala pa sa segundong nakarinig kami ng mga pagaspas ng pakpak sa likod namin. There are almost twenty five of them chasing us.

Tumakbo kami nang tumakbo ngunit napaisip ako dahil sa rutang tinatahak namin. "This is the way to Bloodsucker's Territory. We should stop!" sigaw ko.

"No. This is better than being killed immediately. We have no other choice!" sigaw pabalik ni Keifer.

Kaagad akong napayuko dahil nagsimula silang magpaulan ng mga fireballs.

"Spread out!" sigaw ni Eris. Unti-unti kaming lumayo sa isa't isa habang panay pa rin ang takbo. This way, mahihirapan kaming puntiryahin ng mga alagad ni Princess Kira.

"Dito!" sigaw naman ni Keifer, nakaturo sa lugar na maraming matataas na puno.

Dumiretso kami sa parting tinuro ni Keifer. Dahil sa mga puno ay nahirapan ang mga Pyro na patamaan kami. We used the trunks of the trees to block their attacks. Nahirapan din silang lumipad kaya wala silang magawa kundi bumaba sa lupa.

Nakita kong nagsummon ng bow si Eris with three arrows ready to be fired. Xian also started to transform into his Bloodsucker form. Nag-apoy na rin ang mga braso ni Kiefer.

"Listen up!" sigaw ni Eris. "On the count of three, let's take down some of them. Natalia, Oxy, mauna na kayo!"

Tumango sina Kiefer at Xian. Samantalang ako ay bumigat ang dibdib. At this time wala na naman akong magawa.

"In three, two, one! Attack!"

Xian sprinted at kaagad nawala sa paningin namin. Pumana naman ng maraming beses si Eris at nagpaulan ng apoy si Keifer.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nauna na kami ni Natalia tumakbo. Sampung segundo lang ang lumipas ay nakahabol na sa amin ang tatlo.

"That was fun!" sigaw ni Xian, may saganang dugo na tumutulo sa mahahaba niyang kuko.

"Ilan ang napatumba natin?" tanong ni Eris.

"Eight Pyros in total," sagot ni Xian.

"Sandali, they stopped firing!" sigaw ko nang mapansing hindi na nagpapaulan ng apoy ang mga humahabol sa amin.

"No, a huge fireball is coming our way. I can sense it!" sabi ni Keifer at kaagad na nagpalabas ng pakpak. "Go!" sabi niya.

Parang isang meteor na giant fireball ang babagsak sa amin. Lumipad si Keifer, binalot ang sarili ng kaniyang pakpak at sinalag ito.

Parang bula na nawala ang higanteng fireball ngunit tumilapon naman paibaba si Keifer at nalampaso ang katawan sa lupa.

"Keifer!" sigaw naming lahat nang hindi na nito nagawang bumangon.

"Oxy, pasanin mo si Keifer. Natalia, heal him while you are running. Kami na bahala ni Xian dito. We'll buy you time to escape!"

'Shit!' mura ko sa aking isip. Taga-buhat lang talaga ang silbi ko sa team na ito.

Pero 'di na ako nagreklamo. Pinasan ko si Keifer na duguan at maraming galos sa katawan. Kahit hindi ako nakikipaglaban ay binalot na rin ako ng dugo dahil sa pagdaloy ng mainit na dugo ni Keifer mula sa aking leeg at likuran.

"Mag-iingat kayo," sabi ni Natalia kina Eris at nagsimula na kaming tumakbo palayo.

Nagpalabas naman ng dilaw na liwanag si Natalia sa kaniyang mga palad at ginamot si Keifer habang tumatakbo.

Tumakbo lang kami nang tumakbo hanggang sa makarating kami sa isang batis na nagkukulay malabnaw na pula ang tubig.

Blood Stream, the final boundary of the Bloodsuckers' Territory.

Pinigilan ko si Natalia na susuong na sana upang tawirin ang batis. "Teritoryo na ng mga Bloodsucker sa kabila. Tutuloy pa rin ba tayo?"

Kita ko sa mata ni Natalia ang pag-aalangan. "Hindi ko alam, Oxy. Dito ka lang. Babalikan ko sila. Baka kailanganin nila ako."

Tumakbo si Natalia pabalik. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako kaya nagdesisyon akong ilapag muna sa lupa si Keifer at hintayin sila.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na ang tatlo na papalapit sa kinaroroonan ko. Akay-akay ni Natalia si Eris na mukhang napuruhan dahil sa dami ng lapnos niya sa balat. Ganoon din si Xian ngunit hindi kasing lala ng natamo ni Eris kaya nagagawa pa niyang maglakad.

"Go ahead, Oxy," sigaw ni Xian.

"But," pagdadalawang-isip ko.

"There's no other choice, Oxy. Sooner or later, the Pyros will catch up on us," seryosong sabi ni Xian.

Wala pang ilang segundo matapos itong banggitin ni Xian ay namataan namin ang paparating na mga Pyros. Ngayon, kasama na nila si Princess Kira.

"Kailangan na nating sumugal," tarantang si Natalia at nauna nang tumawid sa batis habang akay si Eris. Sumunod naman si Xian.

Muli kong pinasan si Keifer ngunit natuod ako, nagdalawang-isip. Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon naming pumunta sa teritoryo ng mga Bloodsuckers.

"Oxy, come on!" sigaw ni Xian.

"Bahala na!" bukambibig ko at tumawid na rin sa batis.

Nang makarating kami sa kabilang pampang ay ramdam ko ang pagtawid namin sa isang barrier. Saka naman tuluyang nakahabol sa amin ang mga Pyro.

"Don't worry. Sigurado akong hindi na sila tatawid papunta rito. We are now inside the barrier. A barrier that you can enter but cannot exit," seryosong sabi ni Xian na siyang nakakapanibago. "Let's go," sabi pa niya.

Kaagad naman kaming sumunod sa kaniya. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang matanong," If what you said about the barrier was right, ibig sabihin hindi na tayo makakalabas dito?"

"Yes and no. May cooldown time kasi ang barrier from four to five A.M. By that time, anyone can go outside. But the rest of the day, the barrier will not allow anyone except the Bloodsuckers to go outside. So lahat ng maliligaw at pumasok sa loob ng barrier ay magiging hapunan ng mga Bloodsuckers pagsapit ng gabi." Nanlamig ako dahil sa sinabing ito ni Xian. Ganon din si Natalia na tila napalunok ng laway.

Ngunit ngumiti lang ng tipid si Xian. "Don't worry. Mamayang gabi pa naman 'yon. Maliban sa'kin, takot ang mga Bloodsuckers sa sinag ng araw. They won't roam around during day time. We can find a place to hide and leave when four A.M. comes."

Nakahinga ako ng maluwag. Kahit papaano ay nagiging matino rin pala itong si Xian.

"By the way, paano mo nalaman ang lahat ng 'to?" tanong ko.

Tumingin siya sa amin nang seryoso ngunit kaagad naman itong napalitan ng ngiti. " Well, I'm a curious Bloodsucker. So I read books to learn stuff about my blood race and of course, the Bloodsuckers' Territory."












***

HIDDENTHIRTEEN's NOTE!

This is supposed to be a long chapter but I split it into two HAHAHA! You'll know the reason when you read Chapter 32 which is also ready to be posted.

So, comment anything in the comment section. You can comment a question or even emoji's. Starting now, pipili ako ng reader to whom I will dedicate the next chapters.

Good luck and happy reading!

Don't forget to cast your votes!

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon