/36/ Xilus

2K 87 10
                                    

Chapter 36:
XILUS

"Bring her to the Sacrificial Hall."

Kaagad na may dalawang Bloodsuckers na pumasok sa kulungan at inilabas ako.

Hinawakan ni Xian ang isa pang babae sa palapulsuhan at may kalakasang bumulong, "May usapan tayo, Kianne."

Napatawa lang si Kianne. "Relax. Hindi mamatay ang kaibigan mo, Xian. Marunong kami tumupad sa usapan."

"Anong usapan ang pinagsasabi ng babaeng ito? Ha, Xian?" tanong ko habang nagpupumiglas. Nabitawan ako ng dalawang bloodsuckers kaya kaagad akong lumapit kay Xian. Sapilitan ko siyang hinarap sa akin at hinawakan sa kwelyo. "Kaya mo ba nagawa sa amin 'to dahil gusto mo pagalingin ang tatay mo? Kahit na alam mong manganganib ang mundong ito? Ikaw pa ba ang Xian na kilala ko?"

"Tss," tipid na sagot ni Xian. "Sige na. Dalhin n'yo na siya sa Sacrificial Hall." Saka niya ako tinalikuran at naglakad palayo.

Ibang-iba siya sa Xian na kilala ko: ang Xian na palabiro at laging tumatawa.

Muli akong hinawakan ng dalawang bloodsuckers ngunit pinabitawan rin ako ni Jane. Tiningnan niya ako mata sa mata. "Sumunod ka sa'min."

Napakahinhin ng boses niya pero nanlamig pa rin ang mga palad ko. Kung nakakatakot si Kianne, mas nakakatakot ang isang ito.

"Huwag mo naman siyang takutin, Jane," natatawang sabi ni Kianne.

"We can't kill her, but we should at least scare her, right?" sagot nito at umalis na rin.

Sumunod din sa kaniya si Kianne at sumunod na rin ako sa kanila. Samantala, nasa likod ko naman ang dalawang Bloodsuckers.

Wala talagang sinag ng araw na nakalulusot sa kung nasaan man kami ngayon. Sa tingin ko ay nasa ilalim kami ng lupa dahil ni isang bintana ay wala akong nakita. Maging ang mga dingding ay kaparehas ng dingding ng kweba. Para bang ang lugar na ito ay isang minahan.

Tatlong liko ang aming ginawa hanggang sa nagbago ang sahig na amin tinatapakan. Mula lupa ay naging semento na ito. Makailang hakbang pa ay naging marmol na ang sahig at sementado na ang dingding. Huminto kami sa harap ng isang napakalaking itim na pinto.

Sigurado akong kung sino man ang nasa likod ay isang napakamaimpluwensyang Bloodsucker. Saka ko naalala ang pag-uusap nina Xian at Kianne kanina.

"Are you sure Natalia can cure my father?" tanong ni Xian.

"She can. Her blood can. And once your father, the strongest Hadman alive gets cured, we will rule Hadesworld again. We will have the world again, Xian."

Hindi kaya narito ang tatay ni Xian?

Unang lumapit sa pinto si Jane at binuksan ito gamit ang hawak niyang susi. Ipinasok niya ito sa butas at pinihit. Nagkaroon ng tunog ng mga makinerya. Umangat ang malaking pinto hanggang sa nagkaroon ng lagusan. Ngayon ay nakikita ko na kung ano ang nasa loob nito. Isang magarbong hall, maaliwalas at higit na maliwanag kumpara sa mga dinaanan namin kanina. Mula sa pintuan ay may red carpet hanggang sa pinakadulo ng hall kung saan may isang mataas na sementadong mesa at may nakahigang katawan. Pinapagitnaan ito ng mga nakatayong Bloodsuckers na pare-parehas kulay dugo ang cloak.

Pumasok kami, dumaan sa red carpet. May mga nakatayong naka-itim na bloodsuckers sa magkabilang pagitan. Yumuyuko sila sa tuwing nadadaanan sila ni Xian.

Nalagpasan na namin ang mga naka-itim na cloak. Sumunod sa kanila ay ang mga naka-kulay dugong cloak. Hindi sila yumuko nang dumaan sa kanila si Xian. Nagkaroon lamang ng bulungan sa paligid nang malagpasan namin sila.

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon