Chapter 24:
EXKON"Hindi ka pa rin ba makapag-move on sa nangyari kanina?" pangungulit ni Xian kay Eris.
"Huwag mo 'kong kausapin, Xian. Baka matusta lang kita," banta ni Eris.
Napatawa lang is Xian at nagtapon ng stick sa bonfire.
Gabi na at napagpasyahan na rin naming magpahinga matapos ng buong araw na paghahanap. Katulad kahapon ay hindi pa rin namin nahahanap si Prince Kaleb. Wala rin kami nakitang clue o senyales kung nasaan ba talaga siya.
"Sa tingin n'yo, mahahanap kaya natin si Kuya bago pa ang deadline na binigay ng reyna?" tanong ni Keifer.
Nagkatitigan kaming lahat dahil sa seryosong tanong na iyon.
"Sa tingin ko hindi. Ano, gusto n'yo ba tumakas na lang tayo? Hayaan na natin ang prinsipeng 'yon. Tutal siya naman may kasalanan ba't siya nawala," nakataas kilay at nakangiting sagot ni Xian.
Binato siya ni Eris ng stick na kaagad niya namang nasalo. "At saang lugar ka naman pupunta na sigurado kang 'di ka mahahanap ng reyna?"
"Lugar na 'di ako mahahanap ng reyna? Edi sa pugad ng mga bloodsuckers," sagot ni Xian.
"Good for you kasi bloodsucker ka. Eh pa'no naman kami?"
"I'll turn you into one. Gusto n'yo ba ba?"
Muli siyang binato ni Eris ng stick.
"I'd rather die than finding myself drinking other's blood," sabi ni Keifer.
"Ang arte naman neto. FYI, you can live as a bloodsucker even without drinking blood. Tingan n'yo ako. Hindi umiinom ng dugo pero malakas, makisig, at gwapo pa rin. Perks of being a bloodsucker. Ano ayaw n'yo talaga?"
"Alam mo Xian, itulog mo na lang 'yan," sabi ko.
"Woah!" reaksiyon niya sabay takip ng bibig. "Nagsalita ka, Natalia. Anong meron?"
"Sira."
"Sus, huwag ako, Natalia. Alam kong na-star-struck ka sa ginawa kong pagsagip sa'yo kanina kaya ganito ngayon."
"FYI, si Keifer nagligtas sa'kin kanina," sabi ko na kinasimangot niya.
"Yan! Buti nga! Ang taas kasi ng tingin sa sarili," sarkastikong komento ni Eris.
"Siyempre. Perpekto yata akong tao," sagot ni Xian sabay kindat.
"Perpekto mo mukha mo," sagot ni Eris.
"Ang bitter mo naman. Di ka lang piniling sagipin kanina, eh," sagot rin ni Xian.
Tiningnan ni Eris si Xian nang masama at tumayo.
Napataas ng kamay si Xian na para bang gusto niyang sumuko. "Ito naman. Pikon masyado." Saka siya bumaling sa tahimik na umiinom ng tubig na si Oxy. "Ikaw kasi Oxy. Bakit 'di mo man lang sinagip ang crush mo?"
Napa-ubo si Oxy ng wala sa oras. Tumakbo naman si Xian papunta kay Oxy at hinagod ang likod nito. "Was that supposed to be a secret?" pa-inosenting tanong pa niya.
"F*ck off, dude," tanging sambit ni Oxy at pinanliitan din si Xian ng mata.
"Sorry, bro. Di na mauulit," sabi ni Xian saka bumaling sa'kin. "Natalia. Pa-erase na lang ng memory ni Eris para 'di niya na ulit alam na crush siya ni Oxy."
Pansin ko ang pamumula ni Oxy na siyang kinatawa ni Keifer. Pangi-ngiti rin si Xian habang pabalik sa upuan niya at binigyan ng okay sign at kindat si Keifer na ginawa rin naman ng isa pabalik.
Pansin ko rin ang mga tingin ni Eris kay Xian na parang anumang oras ay handa niya na itong kalbuhin. Kaya minabuti ko ng ilihis ang usapan. "Pero seryoso, sa tingin n'yo mahahanap kaya natin si Prince Kaleb?"
"Malabo," kaagad na sagot ni Oxy na siyang nag-iba sa mood naming lahat. "Masyadong malaki ang Hadesworld para mahanap si Prince Kaleb sa loob ng dalawang linggo."
"Same thoughts," sabi ni Keifer. Tumango naman si Eris.
Sang-ayon din naman ako. Kahit 'di ganoon kalawak ang alam ko sa Hadesworld, alam kong halos imposible ngang mahanap namin ang nawawalang prinsipe.
Lahat kami ay napatingin kay Xian nang tumayo siya bigla. "Ayan na naman tayo sa pagiging negative n'yo eh. Well, agree rin ako naman ako sa inyo. Malabo ngang mahanap natin ang lintek na prinsipeng 'yon. Pero hindi ibig-sabihin n'on ay 'di na tayo maghahanap. It's still worth a try."
"Cringe," sambit ni Eris.
"Tumaas balahibo ko sa'yo, bro," sabi ni Keifer.
"Kaya ayaw kong magseryoso, eh," sabay iling ni Xian. "Pero kidding aside, if we're on the date na imposible talagang mahanap natin siya, willing ba kayo takasan ang reyna?"
"If that's the last resort, I'll go," seryosong sabi ni Eris.
"I've been wanting to escape from the queen's eye's. Count me in," sabi ni Keifer.
"I'll take that in mind," sabi naman ni Oxy at saka sila pare-parehas na tumingin sa'kin, hinihintay ang magiging sagot.
"May iba pa ba akong choice?" sabi ko naman.
"Okaaaay!" pag-cheer ni Xian na sobrang natuwa. "Since mukhang magsasama-sama tayo sa mahabang panahon, what if we make a group? A squad of our own? Who's up for that?" Halata sa mukha niya ang excitement at siya mismo ang naunang nagtaas.
Nagsitinginan kami sa isa't isa. Nauna na ako nagtaas ng kamay. Sumunod naman si Oxy at si Keifer. Hanggang si Eris na lang ang natira.
"Well. That's not a bad idea," sabi niya saka nagtaas din ng kamay.
"Didn't you say you don't want to be included in a team with weak members?" tanong ni Oxy.
O'o nga. Naalala kong sinabi ni Eris 'yan bago pa kami umalis ng camp.
"No offense pero ikaw lang naman at si Natalia ang mahina sa grupong ito," sabi ni Eris sa hindi mapangmaliit na tono. Saglit niyang tiningnan si Oxy na bagsak ang mga balikat. "And for that I am thinking of training you two until you become strong enough to defend yourself. How's that?"
Lumiwanag ang ekspresyon ni Oxy. Kahit ako ay natuwa rin sa suhestiyon niya.
"Eh 'di ba may mission pa tayo? Paano mo kami ma-te-train?" tanong ko.
"Every night before we sleep, for an hour; starting tonight."
"Agad-agad?" bulalas ko.
"You have a lot more to learn. Especially you," sabay turo niya kay Oxy.
"Should we start now?" tanong ni Oxy.
"Later. We still have something to discuss."
"Ano naman 'yon?" tanong ko.
"About our team. What will be our team name and stuff..."
"Bakit, may naisip ka na ba?" tanong ni Xian.
Ngumiti lang si Eris at tumingin sa amin. "Ex-con."
"Ex-con?" sabay-sabay naming tanong.
"Not that 'ex-con' but E-X-K-O-N, Exkon. We will call ourselves, Exkon."
***
Hiddenthirteen's Note!Sana nagustuhan ninyo ang pangalan ng team nilaaa!!!!
If napansin ninyo na medyo iniklian ko ang content ng bawat chapters, that's because someone advised me to amke the chapters shorter....
I am now using that advice but should I? or should I make every chapter long just like before?
Don't forget to comment below!!!
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...