/18/ Spared With A Threat

2.3K 102 1
                                    

Chapter 18:
SPARED WITH A THREAT

NATALIA

Isang araw ang lumipas. Lagpas dalawampu't apat na oras na ngunit naaalala pa rin ng balat ko ang sakit na dulot ng bawat paghampas ng latigo.

Matapos kong sabihin ang aking kondisyon na lima kaming hahanap kay Prince Kaleb ay hindi ko narinig ang naging tugon ng reyna. Basta na lang ako nawalan ng malay. Pero base sa katotohanang buhay pa rin ako ngayon, alam kong naniwala ang reyna sa sinabi kong buhay pa ang anak niya at may posibilidad na pumapayag siya sa kondisyon ko.

Nandito kami ngayon sa lugar kung saan kami bumagsak ni Prince Kaleb. Kasama ko sina Keifer, Xian, Eris at Oxy. Ngunit hindi lang kami ang naririto ngayon. Maraming mga trainees at kawal ang pakalat-kalat sa paningin ko. Lahat kaming narito ay iisa ang tunguhin: ang mahanap ang nawawalang prinsipe.

Ilang minuto lang ay nagbigay ng daan ang kaninang pakalat-kalat na hadmans at nagsiyuko. Nandito na ang reyna kasama ng iba pang mga nasa posisyon; isa na rito si Ms. Leony, ang headmistress ng camp namin. Yumuko rin kami upang magbigay galang.

"Get inside the tent. We need to discuss the deal," rinig kong boses ng reyna. Pagtingala ko ay nasa tapat na pala namin siya. Pumasok siya sa parang isang military tent pati mga kasamahan niya.

Napunta sa'min lahat ng atensyon ng mga hadmans na narito. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga tingin nila. Kaya napagdesisyonan na lang naming pumasok alinsunod sa utos ng reyna.

Nakaupo ang reyna at kaniyang mga kasamahan sa tapat ng isang parihabang mesa. Kami na kakapasok lang ay nanatiling nakatayo.

"Sila ba ang dahilan ng pagkawala ng kapatid ko?" tanong ng isang babae na nasa gilid ng reyna. Kinilatis niya kami ng tingin isa-isa. Hanggang sa huminto ang pagkilatis niya sa akin. "You must be Natalia?"

Napalunok ang ng laway sabay ng pagtango. Kung nakakatakot ang awra ng reyna, mas nakakatakot ang awrang pinapakita niya.

"So where is he? My mom told me you knew where he is. Is that true?"

Muli akong tumango. "Sa isip ko lang nakita ang lokasyon niya kaya hindi ko alam ang eksaktong kinaroonan niya," sagot ko.

"Dahil lang do'n? How are you going to explain that? Paano ka nakasisigurado na kuya ko nga ang nakita mo?" sunod-sunod niyang tanong.

Natahimik ako. Hindi ko rin kasi alam. Bakit nga ba nagpakita sa isip ko si Prince Kaleb? Paano ko nagawa iyon? Kaya ko lang naman nasabi na alam ko kung nasaan siya dahil nang oras na nakita ko siya, naramdaman ko na para bang konektado kaming dalawa at alam ko kung nasaan siya. Alam kong merong eksplanasyon sa likod nito. Maaaring hindi ko alam pero sa tingin ko ay alam ng reyna, dahil kung hindi, bakit niya ako pinakawalan? Bakit hindi niya ako pinatay.

"Ba't 'di mo magawang sumagot?" pasigaw niyang tanong dahilan upang bahagya akong mapayuko.

"Sorry Princess Kira but Natalia still doesn't know much things about being a Fay. But I assure you that there's a high possibility that what Natalia saw was really Prince Kaleb," sagot ni Ms. Leony.

"How can you say so?" tanong ni Princess Kira.

"A Fay can always connect with her patient and I think Natalia is connected to Prince Kaleb by some sort," magalang na sagot ni Ms. Leony.

"Is that true Fino?" tanong ni reyna sa isa niyang kasamahan na nakasuot ng pangakaraniwang kasuotan ng mga Fay.

"It's true, My Queen. But that will only happen if a Fay used her powers to her patient," sagot ni Fino saka bumaling sa'kin. "Did you use your powers to Prince Kaleb? Because the connection will only happen if the power of your bloodline is inside him."

Wala akong maalala na ginamot ko siya. Ang naalala ko lang sinaksak ko siya ng puting rosas. Pasimple kong hinanap ang presensya ng kambal na batang babaeng lie detector. Nang masigurado kong wala sila ay hindi na ako nagdalawang-isip na magsinungaling. "Ginamot ko siya nang bumagsak kami. Kaso hindi ko siya tuluyang napagaling dahil nawalan ako ng malay."

"Gaano mo katagal siyang ginamot?" tanong muli ni Fino.

"Hindi ko matandaan dahil nahihilo rin ako nang mga panahong iyon," muling pagsisinungaling ko. Tumingin ako sa reyna at sa prinsesa. Mabuti na lang at mukhang nakumbinsi sila ng pagsisinungaling ko.

"That's not good. Hindi natin malalaman kung hanggang kailan uubra ang connection ninyo," umiiling na komento ni Fino.

Biglang tumayo si Princess Kira. "So that means it all depends on you," pagturo niya sa akin. "What did you see then? Where was he?"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa paraan kung paano niya ako tignan. Tinatagan ko na lang ang aking loob bago nagsalita. "Base sa nakita ko, nakatitig siya sa tubig ng lawa. Napapalibutan ito ng puno at sa 'di kalayuan ay may bundok."

Binagsak ng prinsesa ang kaniyang kamay sa mesa. "That's it?"

"That's to be expected, Princess Kira. A Fay can only see seconds of what her patient sees," depensa ni Ms. Leony. "But Natalia, did you have visions of the prince lately?

Umiling lang ako.

"Yesterday...," banggit ng reyna dahilan upang mapalingon ako sa kaniya, "...you said he's not in good condition. What do you mean by that?"

Naalala ko ang hindi magandang kalagayan ni Prince Kaleb. "May mga galos siya sa iba't ibang bahagi ng katawan at nangingitim ang kaniyang labi."

"Bloodsucker's poison!" bulalas ni Oxy na nasa likod ko. "Sorry," kaagad niyang paumanhin.

"You aren't inventing this, are you?" nakataas kilay na tanong ng reyna.

"Totoo ang sinasabi ko. Nangingitim ang mga labi niya nang huli ko siyang makita," tugon ko.

"Then that means his disappearance is because of bloodsuckers," sabi ni Princess Kira.

Isang teyorya ang pumasok sa isip ko. Maaaring isang bloodsucker ang kumuha kay Prince Kaleb at pinagtangkaang inumin ang kaniyang dugo ngunit nagawa itong matakasan ng prinsipe.

"Mas importanteng mahanap natin si Prince Kaleb sa lalong madaling panahon. Mayroon na lang tayong higit dalawang linggo bago kumalat ang lason sa buong katawan niya," babala ni Fino.

Tumayo ang reyna. "Galugarin ninyo ang buong Hadesworld. Hanapin ninyo ang prinsipe! Hanapin ninyo ang anak ko!" utos niya.

Akmang tatalikod na kami nang bigla niyang tawagin ang aming atensyon. "At kayo! Siguraduhin ninyong mahahanap ninyo ang anak ko sa loob ng dalawang linggo. Kung hindi, buhay ninyong lima ang kapalit nito."

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon