/34/ Secrets Unfold

2K 85 27
                                    

Chapter 34:
SECRETS UNFOLD


NATALIA

Akay-akay ko si Oxy pabalik sa kung saan nakahiga si Keifer na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Nang marating namin ito ay kaagad ako naglabas ng healing light upang pagalingin si Oxy.

"Can't you make it faster? Gusto kong tulungan si Eris," umiindang si Oxy. Nakakuyom ang kamao niya habang pinapanood ang nakikipaglabang si Eris.

"Subukan ko," sabi ko at mas pinaigting ang nilalabas kong healing light. Pero ang weird. Parang may naiba sa pakiramdam ko. Mas lalong lumakas ang preskong pakiramdam na naramdaman ko kanina nang misteryosong sinipsip ng balat ko ang dugo ni Oxy.

"Ah!" rinig naming daing ni Xian.

Hindi ko namalayang tumilapon ito nang napakalayo at tumama ang likod sa pader ng bangin na nasa aming likuran. "Xian!"

Napatingin ako kaagad sa oso. Tumayo ito sa dalawang paa at nang binagsak ang dalawa pa niyang paa ay nagpakawala ng nakakapanindig balahibong ungol. Nang Matapos itong umungol at sumugod ito papunta sa amin.

"Bilisan mo, Natalia! Heal me faster!" sigaw ni Oxy.

Lalo ko pang pinalakas ang healing light ko ngunit hindi pa rin ito sapat. Masyadong nang malapit sa amin ang Oso.

"Shit!" bulalas ni Oxy saka tumayo kahit hindi ko pa siya tapos gamutin. Tumayo siya sa harap ko na tila handa siyang saluhin ang atake ng Oso. Kinuyom niya ang kaniyang mga kamao at naririnig ko siyang bumubulong. "Transform. Transform. Transform."

Ngunit hindi pa rin nagbabago ang kaniyang anyo. Baka hindi pa niya kontrolado talaga ang Fluid ability niya.

Kapag hindi makapagtransform si Oxy ay tiyak na kamatayan ang aabutin niya. Hindi kakayaning saluhin ng katawan niya ang momentum at pwersa ng Oso. Kapag nangyari ito ay ako naman ang masusunod. Mamatay din ako. Mamatay akong hindi ko nakikita ang mga kapatid ko. At hindi ako papayag na mangyari ito.

Kailangan kong mabuhay!

Kinuyom ko ang aking mga kamao saka tumayo. Lumalakas nang lumalakas ang pagtibok ng aking puso. Kasabay nito ang pagbalot ng kakaiba ngunit pamilyar na sensasyon sa buo kong katawan. Nararamdaman kong may kung anong napakalakas na kapangyarihang dumadaloy sa mga ugat ko.

Nang ilang pulgada na lang bago makalapit ang Oso ay gumalaw ng kusa ang aking mga binti. Mabilis pa sa kisap-mata akong nakapunta sa harap ni Oxy.

Tinaas ng Oso ang kaniyang kanang braso at hinampas ako. Ngunit kakaunit na lang, bago pa nito magutay-gutay ang katawan ko ay mabilis na gumalaw ang aking kaliwang kamay at sinalag ang atake, tulad ng kung paano salagin ni Darna ang mga bala. Hindi ako tumilapon man lang na siyang ikinagulat ko. Ang mga hibla ng buhok ko at laylayan ng aking damit ang nagpakita ng reaksiyon sa malakas na atakeng iyon.

Ngayon ko lang napansin na ang kamay kong pinansalag sa atake ng oso ay nabalot na ng itim na kaliskis ng dragon. Ngunit hindi ko na ito pinag-aksayahan ng panahon.

Dahil tila hindi pa lubos makapaniwala ang oso na nagawa kong salagin ang atake niya, ginamit ko ang pagkakataong ito para magpakawala ng atake. Hinawakan ko ang kamay nito gamit ang aking kanan, inikot pakaliwa ang aking katawan, at buong lakas na siniko ang ulo ng Oso gamit ang kaliwa kong kamay na balot ng kaliskis.

Hindi ko akalaing napakalakas ng pagkakasiko ko dahil napaatras ng maraming beses ang Oso at tila nahihilo ito. Biglang bumukadkad ang aking magkaibang pakpak at inilipad ako papalapit dito. Habang nasa himpapawid ay kusang tumaas ang aking kanang kamay na unti-unting nababalot ng yelo. At nang makalapit ako sa halimaw ay sinuntok ko nang buong lakas ang ulo nito, sapat na upang mapatumba ko ito.

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon