Chapter 29:
THE MISSING PRINCEOXY
Hatinggabi na nang marating namin ang Ice Cave. Kahit nasa paanan pa lamang kami ay napayakap na kaagad ako sa aking sarili dahil sa lamig na nagmumula sa loob ng kuweba. Saglit akong tumalikod sa bunganga ng kuweba at huminga sa tapat ng aking palad.
Hindi ko maiwasang matakot sa nakikita ng aking mata. Napakadilim ng paligid. Kahit na maliwanag ang sinag ng buwan ay hinaharangan ito ng matatayog at malalagong mga puno. Tanging ang apoy lang sa esapadang hawak ngayon ni Eris at ang apoy na nasa palad ni Keifer ang nagsisilbi naming liwanag.
"Oxy, tara na," sabi ni Eris kaya muli akong humarap sa bunganga ng kuweba. Makipot ito. Mas matangkad lang sa akin ang taas nito at nasa isang dipa lang ang lapad.
Nagsimula kaming maglakad paloob. Habang patagal nang patagal ay lalo pang lumalamig ang paligid. Mukhang ako lang ata ang nilalamig sa aming apat dahil wala man lang silang reaksiyon samantalang nanginginig na ako sa lamig. Baka dahil ako ang pinakamahina sa aming apat kaya gano'n.
"Natalia, ito ba ang nakita mo sa vision mo?" tanong ni Keifer.
Huminto naman si Natalia at nilibot ang tingin sa paligid. Napahinto rin kami habang hinihintay ang sagot niya.
"O'o ito 'yon. Itong ito ang lugar na nasa vision," sagot ni Natalia.
"Good. That means nasa tamang lugar tayo," komento ni Eris. Ngunit saglit siyang napatingin sa'kin at kumunot ang noo. "Oxy, ayos ka lang?"
Dahil sa sobrang panginginig ay nahirapan akong magsalita. Ibubuka ko sana ang aking bibig nang pati ito ay nagsimulang manginig. Tanging ang pagtatama ng itaas at ibaba kong ngipin ang pumuno sa aking pandinig.
"Nanginginig ka!" bulalas niya at lumapit sa'kin. She unsummoned her blazing sword at dinampi niya ang dalawa niyang palad sa aking leeg. Nagulat ako kaya napaatras ako nang kaunti. Ngunit muli siyang lumapit sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang idinampi niya ang kaniyang magkabilang palad sa magkabila kong pisngi.
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Nawala na rin ito sa tamang ritmo. Para bang naging abnormal ang tibok nito na hindi ko maintindihan.
Pansin ko ang paglaki ng mga mata niya na parang hindi rin siya makapaniwala sa nagawa niya.
"Sorry," sabi niya. "I...I...I thought you need it," pag-uutal niya.
"It felt good actually," diretso kong sabi nang hindi ko namamalayan. Totoo naman na the warmth of her palm made me feel comfortable.
"What if you continue doing that, Eris? It will get colder as we go deeper. I'm afraid Oxy may not be able to handle it," Keifer suggested. Di nakatakas sa paningin ko ang pagkindat niya sa'kin.
What is this man thinking?
"Sure. I'll just channel the heat of my weapon's fire attribute to his body," sabi ni Eris. Saka niya ni-offer ang kanang palad niya sa'kin.
"Let's keep going," sabi ni Keifer at tumingin sa'kin. Mapang-asar siyang ngumiti at saglit na tinaas ang kaniyang kilay bago muling naglakad. Sumunod naman si Natalia.
Tiningnan ko muna ang palad ni Eris bago ito hinawakan. Warm feeling travelled from my hands that is holding Eris' hand through out my body. Dahil dito ay hindi ko na nararamdaman ang lamig ng paligid.
I've read this technique in a book. Just like how a Magor channels elemental attribute to their weapons, they can also channel it to hadmans by touching them. That is what Eris is doing now. She is channeling the heat from fire attribute to my body by holing my hand.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...