/30/ Mission Done?

2K 81 9
                                    

Chapter 30:
MISSION DONE?

Tumakbo naman kami ni Eris na pasan-pasan ang dalawa.

Ilang minuto lang nang makapasok kaming muli sa kuweba. Katulad kanina ay nadatnan naming muli ang babaeng tumulong kay Prince Kaleb. Sinenyasan ako ni Eris na manahimik kaya hindi ako gumawa ng kahit na anong tunog. Knowing that she is a bloodsucker, her senses must be at its peak lalo na at gabi ngayon.

We observed her. Para bang may hinahanap siya sa loob kaya kaagad kong naalala ang sketch ni Natalia. We remained silent ngunit biglang nagising at nagsalita si Natalia. "Nasa'n tayo?"

"Shh!" senyas ko kay Natalia.

Ngunit naalarma na nito ang babae lalo pa nang makita kami. Fear is all on her face. Nang tuluyan kaming pumasok ay dinistansya niya ang kaniyang sarili. At nang makaalis kami sa daanan palabas ay kaagad namang siyang tumakbo palabas.

"What's with her?" tanong ni Eris.

"Maybe it's because she's a bloodsucker and she thought we would harm her?" sagot ko. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa sketch. Her actions proved that she was the one who made it and it has some sort of importance.

Muli na namang naantala ang pag-iisip ko nang biglang yumanig ang paligid. Kasunod nito ay ang pagpakita ni Keifer na pagod na pagod at namumutla.

"I did not know that beast has companions. They were on a planned and organized hunt. Muntik pa'ko naging hapunan ng mga 'yon," hinihingal niyang sabi sabay naglupasay sa sahig.

Muli na naman kaming nakaramdam ng pagyanig.

"Anong nangyayari?" tanong ni Natalia at nagpalapag na.

"Huge beasts hunting us," sagot ni Keifer.

I could tell that those beast followed Keifer and as I predicted, hindi sila makapasok sa kweba dahil sa size nila.

"It seems hindi na tayo makakalabas sa kuwebang ito. Our only hope is for those beast to leave or the back up will come and rescue us," sabi ko.

"That's why we're staying here until the back ups come," sabi ni Eris at nilapag si Natalia sa sahig.

Gano'n din ang ginawa ko kay Prince Kaleb saka napayakap sa sarili dahil sa lamig.

Biglang nagsalita si Eris. "Can't you do some dragon tricks, Keifer? I heard dragonfire is special coz it stays alive for a long time."

"Ah, right. Oxy can't stand the coldness here," sabi naman ni Kiefer nang may halong panunukso. Pabalik-balik pa ang tingin niya sa aming dalawa ni Eris.

Bibigyan ko sana siya ng middle finger kaso sa sobrang laming ay hindi ko magalaw mga kamay ko.

Nigkaroon ng mga kaliskis sa kamay ni Keifer. Napadaing siya nang kumuha siya ng isa. Saka niya pinaliyab ang kaniyang kamay at tinapat sa apoy ang kaliskis. Bigla itong lumiyab nang napakalakas na halos lumiwanag ang buong paligid. Ngunit unti-unti namang lumiit ang apoy nito hanggang sa kasinlaki na lang ito ng bola.

Nilapag niya ito sa sahig malapit sa'kin.

"Are you okay now, bro?" tanong niya.

"Better, thanks!" sabi ko. Miraculously, I do not feel cold anymore. What a relief.

I suddenly feel sleepy dahil na rin siguro sa pagod katatakbo kanina at sa sarap sa pakiramdam ng init na dala ng dragonfire. Alam kong madaling araw na but still, it's not too late for a good night sleep. Lalo pa at hindi naman namin malalaman kung umaga na dahil nasa loob kami ng kweba.

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon