Chapter 44:
ALL AGAINST THE DEVILNATALIA
Hindi ako nawalan ng malay ngunit nahihilo ako. Nahihilo ako sa puntong parang mawawalan na rin ako ng malay. Alam kong papabagsak ako ngayon sa lupa pero hindi ko kayang ilabas ang mga pakpak ko. Hindi ko alam kung bakit. Marahil dahil sa hindi maayos ang aking pakiramdam kaya hindi ko magamit ang kapangyarihan ng aking bloodline. Kaya wala akong inaasahan kundi ang may magsalba sa'kin sa nalalapit kong kamatayan.
Kuha ng paningin ko ang pag-unahan nina Xilus at Keifer na makuha ako. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagliwanag ng katawan ni Keifer sa pula at orange na kulay. Nagbago ang kaniyang anyo at siya ay naging isang malaking dragon. Itim ang katawan niya at nang ibuklad niya ang kanyang pakpak ay kulay pulang malapit sa itim ito.
Sapat na ang isang pagaspas ng kaniyang pakpak upang maunahan niya si Xilus. Kinuha niya ako gamit ang isa sa apat niyang kamay, dinikit ako sa kaniyang dibdib at tumiklop ang kaniyang pakpak upang protektahan ako nang kami ay bumagsak. Wala akong makita kundi kadiliman ngunit naramdaman kong bumagsak ang katawan ni Keifer sa lupa. Ramdam ko rin ang paggulong-gulong niya ng ilang beses hanggang sa tuluyan itong huminto.
Pagbuklad muli ng kaniyag pakpak ay maingat niya akong binitawan mula sa pagkakakumkom sa kaniyang kamay. Nahihilo akong naglakad palayo sa kaniya. Nang may sapat na kaming agwat ay tumayo na siya at pinagpag ang sarili.
Yumuko siya sa akin at ang una kong napansin ay ang kaniyang mga mata na tila may mga sumasayaw na apoy sa loob. Nakakatakot at nakakapanindig balahibo ang mga ito ngunit sa parehong pagkakataon ay nakaramdam din ako na ligtas ako. Na hindi ako papabayaan ng dragon na ito, ni Keifer.
Naalerto siya nang biglang may bumagsak sa lupa. Si Xilus ito na naging sobrang seryoso ng mukha.
Tumalikod sa akin si Keifer at hinarap si Xilus. Umungol ito nang napakalakas na dumagundong sa paligid. Pagkatapos nito ay bumuga siya ng apoy kay Xilus.
Pinansangga ni Xilus ang kaniyang pakpak at kalaunay tinanggal niya rin ito, hinayaang ang sariling tamaan ng naglalagablab at rumaragasang apoy. Nagpatuloy lang sa pagbuga si Keifer at mas tumindi pa ang apoy na nilalabas ng kaniyang bibig na halos buong katawan ni Xilus ang tinatamaan. Hindi ko na makita kung ano ang nangyayari sa kalaban dahil tila nilamon na ito ng apoy ni Keifer.
Tumigil si Keifer sa pagbuga at dito namin nakita ang nangyari kay Xilus. Imbes na nasusunog na katawan niya ang aming makita ay tila isang demonyo ang bumungad sa aming mata.
Siya si Xilus? Kaagad kong tanong sa aking isip dahil mas nakakatakot pa sa demonyo ang nasa harap namin ngayon. Isang nilalang na nakatayo sa dalawang paa at balot ang buong katawan ng itim na mga kaliskis. Napakalaki ng kaniyang dibdib, mga braso at binti. May sungay ito na tulad ng sa kalabaw. May pakpak siya na tulad ng sa dragon. Ang mas nagpatayo sa aking balahibo ay ang unti-unting paglaki niya hangang sa halos dalawang beses siyang mas malaki sa normal na tao. Para siyang pinaghalong demonyo, minotaur at dragon sa aking paningin.
"Keifer!" sigaw ko nang tumakbo ito papalapit sa kaniya. Tumayo naman si Keifer gamit ang dalawa niyang paa at nang bumagsak ang dalawa niya pang paa ay bumuga siya ng apoy. Tila ba bumwelo siya dahil pansin kong mas malaki at matindi ang apoy na binuga niya.
Lumipad si Xilus upang iwasan ito ngunit hindi siya tinantanan ni Keifer. Saan man siya pumunta ay nakasunod ang rumaragasang apoy na binubuga ni Keifer.
Napapansin kong tila umaangat ang mga paa ni Kiefer na tila gusto niyang sundan si Xilus. Ngunit parang pinipigilan niya ang kaniyang sarili upang hindi ako maiwan mag-isa. Mabuti na lang at unti-unti nang nawawala ang aking pagkahilo at nararamdaman ko na ang kapangyarihan ng Fay Bloodline ko.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...