/11/ Fight With Dragons

2.7K 126 40
                                    

Chapter 11:

FIGHT WITH DRAGONS

Patuloy na dumadaloy ang mga imahe. Mabilis. Walang tigil. Nakakalula. Napakagulo ng mga ito na kahit ako'y nagsisimulang sumakit ang ulo. Naramdaman ko na para bang may kakayahan akong tigilan kung ano man ang nangyayari kay Eris. Napakalakas ng pakiramdam na ito, na para bang sigurado akong kaya kong gawing maayos ang lahat.  Ngunit hindi ko alam kung paano ito gagawin kaya hinayaan kong magpalamon sa kung ano man ang kumukontrol sa akin. Naaninag kong lumakas ang liwanag na nilalabas ng mga palad ko. Nagsimulang kumalma ang mga imaheng nakikita ko hanggang sa tuluyan na itong huminto.

Pagmulat ko ng mata unti-unti ng humihinahon si Eris. Nagkaroon ng mga luha sa kaniyang mga mata, tahimik na dumaloy sa kaniyang pisngi. Yumuko siya nang magtama ang paningin namin na parang nahihiya, na parang alam niya kung ano ang nakita ko. "It's okay,"  bulong ko sa kaniya. "Hindi ko ipagsasabi, promise," saka ko siya nginitian.

"Salamat," ganti niya at napakagat labi. Ito ang unang beses na narinig ko ang mahinahon niyang boses.

Pinahid niya ang kaniyang luha saka tumayo. Nanlaki rin ang mata ko nang makitang nakahiga na si Gel sa semento, tamo ang mga paso at lapnos. "Gel!" sigaw ko saka tumakbo papunta sa kaniya.

Habang tumatakbo ay nakikita kong malaya nang nakakalipad ang mga pyro at  lahat sila ay nakatingin kay Xian. Isa-isa silang nagbato ng bolang apoy ngunit nahirapan silang matamaan ang bampira dahil sa bilis nito. Nakarinig ako ng sunod-sunod na tunog ng mga palaso. Nakita ko na lang na may umuusok na palaso ang bumaon sa mga pyro. Bumagsak ang mga ito sa lupa at pansin ko ang unti-unting pagyelo ng kanilang katawan, mula sa palasong nakabaon at kumakalat sa buo nilang katawan.

Saka ako nakarating kay Gel na hubo't hubad na nakahiga't walang malay. Gumalaw muli ang aking mga kamay at tumapat sa katawan ni Gel. Nagliwanag ito katulad kanina. Unti-unting naghilom ang kaniyang mga lapnos hanggang sa mawala ito na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon pero nagpapasalamat ako at napagaling ko si Gel.

Nagulantang ako nang biglang yumanig. Lalo pa akong nagulat nang makita ang isang napakalaking kayumangging dragon. Nakatayo ito gamit ang apat na paa at tila pinagmamayabang nito ang napakalapad niyang pakpak. "Sino ang may gawa nito? Kayo ba?" tila kulog at kidlat na sabi nito. "Kayo ba?" pag-uulit nito habang nakatingin kay Eris at Xian. Naningkit ang mata nito nang makita ang panang hawak ni Eris. Pinanghampas nito kaniyang buntot. Nakatakbo si Xian ngunit hindi nakailag si Eris. Nakagawa si Eris ng isang malaking panangga ngunit tumilapon pa rin siya nang napakalayo.

"Eris!" rinig kong sigaw ni Oxy saka tumakbo kung saan napadpad si Eris.

Si Xian naman ay todo takbo upang hindi matamaan ng buntot nito. Nagsimula itong magbuga ng apoy kaya lalo bang binilisan ni Xian ang pagtakbo. Halos malaking parte na ng parke ang nasunog. Mabuti na lang at kami-kami na lang mismo ang naririto. Malamang kanina pa nagsitakbuhan ang mga hadman na namamasyal kanina. Hindi ko ito napansin dahil kay Eris lang nakatuon ang atensiyon ko. Pumadyak ang dragon na lumikha ng pagyaning kaya na-out-balance si Xian. Saka siya pinatamaan ng higanteng buntot nito. Tumilapon si Xian at walang malay na bumagsak. Tumingin sa akin ang dragon. Tanging kaming dalawa na lang ang nananatiling nakatayo. Tumakbo ako papunta kay Xian upang gamutin sana siya nang sa kalagitnaan ay bumuga ito ng apoy papunta sa akin. Na-estatwa ako at pinangharang ang mga kamay sa mukha. Kitang-kita ng mga mata ko ang naglalagablab na apoy na paparating upang abuhin ako. Ilang metro na lang ang layo nito nang may yumakap sa akin sa likod. Nakita kong may humarang na bagay sa harap ko: pakpak ng isang dragon. Dito tumama ang apoy na umaabot sa akin ang init. Naririnig ko pa tunong ng paglagablab nito. Nawala ang pakpak na nakaharang sa harap ko at kumalas ang taong nakayakap sa likod ko. Umabante siya sa harap ko. Dito ko nakita si Keifer. Walang damit na nagtatakip sa matipuno at mabato niyang katawan. Nakasabit ang nakatiklop na mala-dragon at itim na itim niyang pakpak sa kaniyang likod. Seryosong siyang nakatingin sa higanteng dragon.

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon