CHAPTER 6:
BLOODLINESInayos ko ang pagkakaupo ko at tinuon lahat ng atensyon kay Oxy. Kailangan kong makinig nang mabuti dahil dito nakasalalay ang magiging takbo ng bagong buhay ko.
Tumikhim si Oxy bago nagsalita, "Fluids. Kung maririnig mo ang fluid, unang papasok sa isip mo ang tubig. Dahil 'yan sa tubig ang nature ng bloodline namin." Kumuha si Oxy ng baso at pitsel na may lamang tubig at pinatong sa mesang nasa harap niya. Binuhos niya ang lamang tubig ng pitsel sa baso hanggang sa mangalahati ito. "Just like the water that takes the shape of its container, a fluid also takes the shape of its beast soul and that's what makes us shapeshifters. Kung sakaling pipiliin mo man ang fluid, kumuha ka lang ng isang miniature ng beast na gusto dahil 'yan ang form ng sealed bloodline namin. Crush it in your left palm. Gets?"
Umabot ng limang segundo bago ako tumango dahil pilit kong sinaksak sa kukote ko ang sinabi ni Oxy. Fluid. Shapeshifter. Beast miniature.
"Good. Makakaupo na rin ako. Gel, ikaw naman." Pumunta si Oxy sa pwesto nila Eris. Bumulong pa siya sa akin ng, "I hope piliin mo ang maging fluid para may fluid friend na ako," bago tuluyang umupo.
"Now, it's my turn," pagsisimula ni Gel na nasa harap na pala ng pisara. "Madali lang naman intindihin ang kayang gawin naming mga fogs. We can perform air teachniques or become the air techniques itself. Halimbawa, we can create a tornado like this," sabay taas ni Gel ng kaniyang kamay at may lumabas na maliit na ipu-ipo, "or become the tornado itself." Nagulat ako nang magsitaas ang hibla ng buhok ni Gel na parang hindi naapektuhan ng gravity. Ngunit kaagad din naman itong bumalik sa dati. "But I won't do that in here, baka kung ano pa abutin ko kay Ms. Leony kapag nasira ko ang opisina niya. 'Yon lang masasabi ko, Natalia. Sana piliin mo ang maging fog. Just crush a white orb in your palm and you'll become one of us," nakangiti na panghihikayat niya saka bumalik sa upuan.
Napahawak ako sa aking pantalon nang tumayo si Eris at pumunta sa unahan. "We can make an arrow faster. We can make shields and armor sturdier. We can make swords feircer. We can do all of that by adding elemental attributes to weapons and armories. That's the power of our bloodline, Magor: the combination of a mage and a warrior. I already showed you what we can do once, and I think that's enough to explain everything," walang ka-tono-tono niyang sabi at kaagad na bumalik sa upuan. Bago tuluyang maka-upo ay nagsalita muna siya, "And if you want to be a magor, choose a dagger and crush it in your palm. Don't worry, it's not an actual dagger but a dagger made of pure energy."
"My turn!" excited na sigaw ni Xian, nagpagpag ng kamay, hinatak pababa ang laylayan ng damit at taas-pangang naglakad paharap. "Human, makinig ka. Alam ko namang hindi mo pipiliing maging bloodsucker but still, I'll give it a shot. Malay mo mahikayat ka ng kagwapuhan ko," at kinindatan na naman ako. "Bloodsucker, as its name says, really sucks. You will never live a normal life, people will always judge you like what you did when we first met, and you will never be free like the other bloodlines. It sucks right?" nahagip ng mata ko ang pag-ngisi niya ngunit saglit lang ito dahil kalauna'y ngumiti na naman siya. Sa totoo, may saltik ba ang bampirang ito?
"Ba't ko ba dina-down ang ka-uri ko? Hahaha! To make-up for it, being a bloodsucker means you will have heightened senses, faster speed, super strength and if you're lucky enough, you'll even gain a special ability. We're pretty strong, right?" Bigla siyang nawala sa kaniyang kinatatayuan. Sa aking pagkurap ay nasa harap ko na siya. "Vampire's fang. Choose it if you wanna be like me," at nawala na naman siya sa harap ko. Pinaglihi yata ang bampirang ito sa kabute, eh.
Pumasok sa isip ko bigla ang lalaking nakipatitigan sa akin kanina. Siya na ang susunod. Hindi na ako lumingon sa likod dahil alam ko namang tatayo siya at pupunta sa harap. Pero dumaan ang ilang segundo at walang naganap. Nang tignan ko siya sa kaniyang kina-uupuan, doon ko nakita kung ano ang dahilan ba't hindi pa siya nagsisimula.
Nakayuko siya sa mini-desk ng upuan, nakapatong sa mga kamay ang ulo niyang natatakpan ng hoodie ng kaniyang jacket: prenteng natutulog at wala na namang pakialam.
"Bro, ikaw na sunod," paggising ni Oxy sa lalaki. Naalimpungatan itong gumising at kinusot-kusot pa ang mga mata.
Naglakad ito paharap nang hindi tinatanggal ang hoodie sa kaniyang ulo. "Paaaaaayro," humihikab niyang panimula. Hindi ko alam pero parang nahawa ako sa kaniya at napahikab din.
Umiling siya at sinampal ang sarili. Nagbuga pa siya ng hangin bago nagsalita. "Pyros have high defense and strong offense. We can shield ourselves with our wings to defend and breath fire to attack. If a pyro is strong enough, he can even transform into a true dragon, the mightiest creature in this world. That's why our bloodline is said to be the strongest among the six bloodlines. A pyro bloodline becomes a dragon scale when sealed and like the other bloodlines, you just have to crush it in your left palm." Walang pasabi siyang bumalik sa upuan.
Naging tahimik ang paligid.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.
Limang segundo ang tumagal bago nabasag ang katahimikan nang pumasok si Ms. Leony. "Ano, tapos na ba kayo?"
Lumapit sa kaniya si Eris. "Opo, Ms., fay na lang po ang kulang."
"Sige, ako na bahala mag-explain sa kaniya tungkol sa fay. Pwede na kayong bumalik sa dorm ninyo. Basta huwag ninyong kalimutan na bukas, ala-sais ng umaga, ay dapat nandoon na kayo sa Inherition Hexagon, maliwanag?" sabi ni Ms. Leony.
"Copy that," sagot ni Xian at kaagad nawala sa paligid. Pansin ko na lang na bukas na ang pinto tanda na umalis na siya.
Tumango naman ang apat at nagpaalam kay Ms. Leony.
"Bye, Natalia! Kitakits bukas!" pahabol pa ni Oxy.
Ngayon, kaming dalawa na lang ni Ms. Leony ang nasa loob.
"So, Natalia, ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa mga fay?" aniya.
"Sa totoo lang po, wala po talaga akong balak na alamin ang mga bagay na'to. Napipilitan lang po talaga ako dahil sa sinabi ninyo sa akin kanina bago kayo umalis. Totoo po ba iyon?" pabalik kong tanong.
"Ah, tungkol doon? O'o, hija. Totoo ang sinabi kong makakabalik ka sa dati mong mundo. Pero may kondisyon. Makakabalik ka lang kapag pinili mong maging fay," sagot niya.
"Po? Pwede pakiklarado?"
Naglakad siya sa harapan. "Uhm...Ganito na lang. May alam ka ba tungkol sa mga albularyo sa mundo mo?"
"Albularyo po? Hindi po ba sila ang mga nanggagamot at naniniwala sa himala?"
"Bakit, sa tingin mo ba walang himala? Then what do you think about this world, Natalia?" Ngumiti si Ms. Leony. Ngiting nangangahulugang hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.
Napaisip ako sa huling sinabi niya, hanggang sa magkaroon ako ng konklusyon na sa tingin ko ay sagot na hinihintay niyang lumabas sa bibig ko. "Huwag mong sabihin..."
"You got it right, Natalia. Fays have the ability to heal and cure others; katulad ng mga alburayo. And this matter is not coincidental dahil ang totoo, ang mga albularyo ay mga fays na piniling mamuhay sa mundo ng mga tao."
Napanganga ako sa sinabi ni Ms. Leony. So totoo pala ang mga albularyo? As in?
At kung totoo ito, hindi na ako mahihirapan pang pumili.
Fay.
Fay ang pipiliin ko.
"Marahil iniisip mo ngayon na fay na ang pipiliin mo. Pero, Natalia, gusto kong pag-isipan mo ito ng mabuti. Ang fay ang pinakamahinang bloodline sa lahat. Fay can heal and cure others but we can't even do that to ourselves. Pag-isipan mo kung ano talaga ang gusto mo, Natalia. If you want to leave, choose fay. But if you want to stay, I ask you to choose pyro or any bloodlines except fay." Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang ulo ko. "Tandaan mo ito, Natalia. Being a human is a privilege you can only use once. You better think of it."
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...