/9/ White Rose

3.7K 125 7
                                    

Chapter 9:
WHITE ROSE

Karga ko ang malaking bag sa likod laman ng mga bagay na kailangan naming i-deliver sa Centro. Hindi ko alam kung ano ang mga bagay na nasa loob. Basta ang alam ko ay may kabigatan ito. Katulad ko, may bag din na nakasukbit sa likod nina Eris, Xian, Oxy at Gel. Wala si Keifer dahil nauna na siya sa pupuntahan namin.

Lalabas kami ngayon ng Zelta Camp, ang tawag sa training camp kung nasaan ako napadpad na pinamumunuan ni Ms. Leony. Sa anim na training camp na narito sa Hadesworld, and Zelta camp ang huli sa listahan dahil raw sa ito ang pinakamalayong camp mula sa Centro at kakaunting estudyante lang nagte-training dito. Sa mundong ito, ang lakas at kapangyarihan ang itinuturing na yaman ng mga tao kaya naman marami ang gustong magpalakas sa bawat kampo para makakuha ng magandang trabaho sa Centro.

Libre ang mag-ensayo sa mga training camps. Sa lima pang ibang kampo, kinakailangang magpakitang gilas ng mga aplikante at ipakita ang kanilang lakas at talento sa paggamit ng kapangyarihan ng kanilang bloodline upang makapasok at maging opisyal na trainee nito. Samantalang, ang birth certificate na magpapatunay na rehistradong mamamayan ako ng Hadesworld ang tanging requirement na kailangan kong ipasa sa Zelta Camp upang tanggapin nila ako bilang trainee. Kaya ako pupunta ng Centro upang magpagawa ng birth certificate at i-deliver na rin ang mga bag na dala namin.

Hindi talaga ako makapaniwala na isa na akong fay; na isang buwan akong nanatili sa loob ng isang bulaklak at kakasilang ko lang kahapon.

Nadatnan namin sa gate ang isang grupo ng matitikas na kalalakihan. Mukhang sila ang bantay ng gate.

"Huminto ka muna," sabi ni Gel na parang nagbabanta.

"Bakit?" tanong ko matapos huminto.

"Shhh. Stay quiet," tanging sagot niya.

Nanahimik naman ako. Pinukol ko ang paningin sa nangyayari sa paligid. Nasa likuran kami ni Xian at Oxy na huminto rin. Naunang naglakad si Eris habang may dinudukot sa bulsa. Umabante ang lalaking may kaputian at brown na buhok; mukhang siya ang leader ng grupo. Sumunod ang lima pang lalaki sa likod niya. Hindi ko alam pero bigla na lang ako nakaramdam ng takot at kaba lalo na nang ngumisi ang leader nila. "See who's here! The strongest trainee and Zelta Camp's pride, Eris Magor! But look who she's with; the dumbest fay, a traitor's daughter, an outcast, and a fetus. Oh, and where is that blacksheep?" dagdag pa niya, hindi tinatatago ang tono ng pangungutya.

Hinarap sila ni Eris na parang wala lang sa kaniya ang nakakatakot nilang awra. "You mean Keifer? He went before us. May inasikaso kasi. Now pwede mo na ba kami padaanin, Jeffrey?" sabi ni Eris at pinakita ang medalyon, isang gate pass.

"O'o naman, Eris," nakangising sagot ni Jeffrey. "Guys, padaanin n'yo sila," pagbibigay permiso niya sa mga kagrupo.

Umabante si Eris. Sumunod naman kami sa likod niya. Kakalabas pa lang namin ng gate nang magsalita muli si Jeffrey. "What a bunch of losers." Huminto si Eris at pansin ko ang pagkuyom ng kaniyang kanang kamao. Narinig kong bumuga siya ng hangin bago nagsimulang maglakad ulit. Halatang nagtitimpi ang babae.

Lumingon ako sa likod upang tingnan ang gate na marahang nagsasara. Ngunit bago pa ito tuluyang magsara, nahagip ng paningin ko ang nakangising ekspresiyon ng mga kalalakihan. Nanlamig ako bigla dahil sa mga ngising iyon.

Tinapik ko si Gel sa braso. "Nakita mo 'yon?" tanong ko.

Tumango siya. "Nakakatakot, right?"

Tumango rin ako. "Sino ba sila? Bakit gano'n na lang sila makatingin sa'tin?" Hindi ko maiwasang tanong.

"They're a force not to be reckoned with," sagot ni Gel.

Lumapit sa'min si Oxy at Xian dahilan upang magkakasabay na kaming apat. "FYI, ang grupong iyon ay ang Dragonskull. If Eris is the strongest trainee, they are the strongest squad. And yeah, Jeffrey is their leader," sabi ni Oxy.

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon