/16/ Speak or Die

2.5K 119 31
                                    

Chapter 16:
SPEAK OR DIE

NATALIA

May nagsisulputang mga hadmans mula sa parte ng gubat na hindi naabot ng liwanag ng portal. Hinuli nila sila Eris na hindi na nanlaban. Sapilitan silang pinaluhod at tinali ang kamay sa likuran.

Tiningnan ako mata sa mata ng reyna. Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman niya dahil blanko ang ekspresyong pinapakita ng kaniyang mukha. Ngunit ang kaniyang mata ang nagpakita ng kaniyang intesyon; gusto niya akong patayin. Dahil sa pagkalunod ko sa kaniyang mapagbantang mga tingin, huli na nang namalayan kong lumalapit na pala siya sa akin.

Kaagad akong umatras. Pinilit ko kahit na nanginginig ang aking mga kamay at tuhod masiguro ko lang ang distansya mula sa reyna. Sa bawat hakbang ko paatras ay siyang paglapit ko sa portal. Nararamdaman ko na ang enerhiyang nilalabas ng portal. Kaunti na lang. Dalawa. Hindi, tatlong hakbang ay makakauwi na ako. Makakaalis na ako sa mundong ito.

Isa.

Dalawa.

Tat-

"Stop or I'll kill one of them," biglang sambit ng reyna na kinahinto ko. Binigyan niya ako ng ngiting nagdala ng lamig sa buong sistema ko. "Iiwan mo bang nasa kamay ng kamatayan ang mga kaibigan mo?" dagdag pa niya

Napalunok ako ng laway saka tiningnan ang sitwasyon nila Eris. Anong gagawin ko?

"Natalia, huwag mo siyang pakinggan! Umalis ka na!" sigaw ni Xian at muling nagpumiglas ngunit sa halip na makawala ay sumubsob siya sa lupa dahil sa pagsipa ng isang malaking lalaki sa likod niya. Dinaganan siya nito sa likod gamit ang tuhod.

"Don't mind what she said, Natalia! Walang siyang magagawa sa amin. Pumasok ka na sa portal!" sigaw ni Kiefer.

"Talaga ba?" sabi ng reyna. Pinuntahan niyo si Keifer, sinakal at inakat sa ere. "Eh, anong tawag mo dito?" Muli siyang lumingon sa akin habang sakal si Keifer at nagsalita, "What are you going to do now, lady? Their lives are on your hands. You have five seconds to decide. Isa..."

Five seconds? Limang segundo?

"Dalawa!"

Kumabog nang malakas ang dibdib ko.

"Tatlo!"

Anong gagawin ko?

"Apat!"

Tila bumagal ang takbo ng oras nang tumingin ako sa apat, sa mga taong nagligtas sa akin. Si Oxy na naluluha na sa takot. Si Xian na nakadapa sa lupa. Si Keifer na hawak ng reyna sa leeg. At si Eris an nakaluhod, tuwid ang katawan, hindi pinapakita ng takot kahit na hakata ito sa kaniyang mga mata. Nakatingin silang lahat sa akin at iisa lang ang pinapahiwatig ng mga tinging iyon: na okay lang na hayaan ko sila sa ganitong sitwasyon; na huwag ko na silang isipin at umalis na sa mundong ito.

"Lima!" rinig kong sigaw ng reyna. Hinigpitan niya ang pagsakal kay Keifer hanggang sa may dumaloy ang na dugo sa leeg nito.

"Sasama na'ko! Sasama na'ko sa inyo!" kaagad kong sigaw at lumayo sa portal.

"Great choice, lady," komento ng reyna at binitawan si Keifer na kaagad nawalan ng malay. Lalapitan ko sana siya ngunit may dalawang lalaki ang kaagad na lumapit sa akin at hinawakan ako nang mahigpit.

"Bitawan n'yo ako. Hayaan n'yo akong gamutin siya," pagpupumiglas ko ngunit mas hinigpitan lang nila ang paghawak sa akin. "Please!" sinubukan kong magmakaawa.

Ngunit umiling lang ang reyna. "Let him be. Let him suffer from his stupid actions of going against me," sabi nito at nagsimulang maglakad paalis.

Napaluha ako nang muling tingnan ang estado ni Keifer, ang estado nilang lahat. Nangyari sa kanila ito nang dahil sa akin. Ako ang may kasalanan.

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon