Chapter 1:
HADESWORLD AND BLOODLINES"Ate Natalia, gising na. May pasok pa kami ni Ate Olive."
Napamulat ako ng aking mata at bumangon nang hindi umaalis sa kama. "Pressy? Olive?" kaagad na sambit ko. Hinanap ko sila sa paligid ngunit isang hindi pamilyar na lugar lang ang aking nakita.
Nasa loob ako ng isang silid na ang kisame, dingding at sahig ay pawang gawa sa kahoy. May dalawang pinto akong nakita. Ang isang pinto na nasa harapan ko ay may nakalagay na "Office" at ang nasa kalayuan ko sa may bandang gilid ay may "Exit".
Kinapkap ko ang kamang kinahihigaan ko ngunit hindi ito matigas tulad ng nakasanayan kong higaan.
Sinuri ko pa ang paligid nang biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari. Mula sa paghihimbis ko ng isda hanggang sa pagtalon ni Olive sa tulay at ang pagtangka kong sagipin siya. Tila may kung anong kumurot sa puso ko. Hindi ko man lang siya nailigtas.
Pero buhay pa naman ang kapatid ko hindi ba? Baka nahanap siya ng mga rescuer. Napaluha ako at binulong ang pangalan niya, "Olive".
Sinabunutan ko ang aking sarili dahil hindi ko alam kung alin ang aking iisipin. 'Palpak ka kasi Natalia! Hindi mo man lang siya nagawang mailigtas!"
"Hey, hey, hey, is there something wrong? Masakit ba ulo mo?" Awtomatikong sinundan ng mata ko ang pinagmulan ng boses. Isang babae na sa tingin ko ay nasa-mid forties ang nasa tapat ng pintong may "Office" na nakasulat. Nakasuot siya ng itim na pencil skirt, light yellow long sleeved polo at rounded na salamin. Nakapusod paitaas ang kulay abuhing buhok nito.
"Nasaan po ako?" kaagad kong tanong sa babae.
"Hadesworld," tanging sambit niya habang papalapit sa'kin.
"P--po? Hadesworld po?" pagkaklaro ko sa sinabi niya. Bago lang kasi ito sa pandinig ko. Halos nalibot ko na ang buong Manila sa dahil sa mga raket ko pero wala pa akong narinig na lugar na Hadesworld.
"Yes, you're in Hadesworld right now?" pagkumpirma niya at dinampi ang kaniyang palad sa noo ko.
"Ah," pagtango ko kahit na medyo naguguluhan. "Eh alam po ba ninyo kung saang parte ito ng Manila?"
Bahagyang lumayo siya sa akin at binigyan ako ng nakakaawang tingin. "Hija, isang tanong lang; wala ka bang maalala?"
"M-meron naman po. May naalala naman po ako. Kailangan ko lang po kasi malaman kung nasaan ako para alam ko kung paano ako makababalik sa mga kapatid ko. Kailangan po kasi nila ako sa mga oras na ito," tapat kong sagot sa kaniya.
Naghintay ako ng sagot niya sa dati kong tanong pero hindi nagbago ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Okay lang naman po kung hindi ninyo sasabihin sa'kin. Ako na lang po maghahanap ng daan pauwi. Salamat po sa pagpapatuloy sa'kin dito." Binaba ko ang mga paa ko sa kama at diretsong naglakad papunta sa pintong may nakalagay na "Exit".
"Sandali..." rinig kong pagtawag niya ngunit hindi ako huminto. Kailangan ako ng mga kapatid ko at wala dapat akong inaaksayang oras.
Hahawakan ko pa lang sana ang doorknob nang biglang magbukas ang pinto. Kusang umatras ang katawan ko upang hindi matamaan nito.
"Ms. Leona!" isang lalaking nakasuot ng salamin ang pumasok. Akay niya sa kaniyang kanang balikat ang isa pang lalaking duguan at maraming lapnos ang balat. Halos hindi ko na makita ang mukha nito dahil sa puno ito ng dugong dumadaloy mula sa kaniyang noo.
Kusang gumalaw ang katawan ko at sinukbit ko sa aking balikat ang kanang braso ng lalaki. Tinulungan kong dalhin siya sa kamang hinigaan ko kanina. "Tumawag na tayo ng doktor! Ako na ang lalapat sa kaniya ng first aid," sigaw ko ngunit walang kumilos. "Ano ba, hindi n'yo ba nakikita ang kalagayan niya?"
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...