/13/ Eris Magor

2.7K 103 8
                                    

CHAPTER 13:
ERIS MAGOR

☆ ERIS ☆

"Please po. Maawa po kayo! Huwag n'yo po ako sasaktan!"

"Parang awa n'yo na! Maawa po kayo sa'kin!"

Napamulat ako ng aking mata. Kasabay nito ang pagtulo ng aking luha. Napasapo ako sa aking noo na basa ng malamig na pawis. Those nightmares were haunting me again.

Tahimik akong bumangon mula sa higaan. Lumapat ang paa ko sa malamig na semento. Kahit na medyo madilim ay pumunta ako malapit sa rehas, umupo at niyakap ang mga tuhod. Yumuko ako't sinubsob ang mukha sa aking tuhod saka pumikit.

Pumasok sa isip ko ang larawan ng aking nakaraan. Ang batang ako. Umiiyak. Sumisigaw. Nagmamakaawa.

"Please po. Maawa po kayo! Huwag n'yo po ako sasaktan!"

"Parang awa n'yo na. Maawa po kayo sa akin!"

Akala ko wala na sa mga alaala ko ang mga salitang ito, ang mga alaalang ito. Akala ko tuluyan na itong nabura. Akala ko malaya na ako sa nakaraan ko. Akala ko nakalimot na ako.

Pero bumalik ang lahat ng ito. Bumalik ito lahat nang sambitin ni Zack ang katagang maraming beses kong narinig nang kabataan ko. Ito ang mga katagang nagpapaalala sa akin sa mapait na nakaraan ko, sa nakakahiya at nakakawalang dignidad na dinanas ko.

"Huwag kang mag-alala, babayaran kita." Ito ang binulong ni Zack sa akin dahilan upang manigas ang katawan ko. Kahit na alam kong hinihipuan niya ako at alam ko kung saan-saang parte na ng katawan ko napupunta ang kamay niya ay wala akong magawa. Hindi ko magawang manlaban dahil sa nanumbalik bigla ang mga alaalang matagal ko nang kinalimutan.


"Hubad na!"

"Please po! Maawa po kayo! Huwag n'yo po akong sasaktan!"

"Parang awa n'yo na po! Maawa po kayo sa'kin!"

"Sinabing maghubad ka na!"

Ang mga katagang ito ang paulit-ulit na dumaloy sa isipan ko. Samahan pa ng libu-libong mga imahe ng panlalaswang dinanas ko. Nilamon ako ng nakaraan ko, ng kahinaan ko, ng nag-iisang bagay na kaya ako itumba nang walang kalaban-laban. Nilamon ako nito, sapat na upang mawala ako sa sarili kong katinuan.

Then there was Natalia, her worried eyes when she healed me from my past. And her assurance that she'd never tell others about my past.

That girl, nasaan na kaya siya ngayon?

"Eris, ayos ka lang?" Sinundan ko ang boses na ito. Si Oxy na nasa katapat na kulungan. Nakaupo rin malapit sa rehas. Nakikita ko na siya dahil unti-unti nang nagpapakita ang araw mula sa napakaliit na kwadradong bintana.

Kinulong kami ng mga sundalo ng Centro dahil sa pinsalang dulot ng labanan. Halos kalahati ng parke ang nasira. Nasa magkaharap na kulungan kami. Kasama ko si Gel samantalang kasama naman niya si Xian at Keifer. Tanging ang magkaharap na bakal na rehas na pinapagitnaan ng makitid na sementadong daan ang naghihiwalay sa amin.

"That's the first time for today," I said. Simula kasi ng kaganapan sa parke, bawat araw umaabot ng halos dalawampung beses niya akong tanungin kung ayos lang ba ako. And it has been three days now. Tatlong araw na rin kaming nakakulong dito. Tatlong araw niya na rin akong tinatanong niyan. Nagmukhang isa akong na-admit na pasyente at siya ang personal nurse ko.

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon