Chapter 46:
THE VICTORS AND THE FALLENERIS
"NATALIA!/ ATE!" halos sabay-sabay naming sigaw lahat.
Nakita kasi namin ang buwis-buhay niyang pakikipagsakan kay Xilus. Alam kong inutusan niya si Keifer na ilayo kami pero nang magkamalay kami sa hindi namin alam na dahilan, kaagad kaming bumalik. Parang hindi ako sinaksak ni Xilus dahil wala akong maramdaman na sakit o kirot man lang. Parang sobrang lakas na Fay ang gumamot sa amin dahil kaagad din kaming nagkamalay.
Huli na nang makalapit kami kay Natalia. Bumagsak siya sa lupa, puno ng dugong ngayo'y saganang dumadaloy sa kaniyang tagiliran.
"She can't heal herself! She's losing too much blood!" sigaw ni Oxy.
Kaagad namang hinubad ni Xian ang kaniyang damit at pinantapal ito sa tagiliran ni Natalia. Nasa gilid lang ang walang buhay na katawan ni Xilus ngunit hindi namin ito pinansin. Naka'y Natalia lahat ng aming atensiyon dahil nawalan na rin siya ng malay. Palalim na palalim na rin ang kaniyang paghinga.
"Anong gagawin natin? Malayo pa tayo sa kapitolyo! Hindi rin natin sigurado kung may buhay pang Fay doon, o si Ms. Leony," pagkatranta ko.
"Ate!" pag-iyak ni Olive. Nang hawakan niya ang kamay nito ay biglang bumuklad ang palad ni Natalia. Pagbuka ng kaniyang mga daliri ay lumabas ang isang puting rosas na ngayon lang namin napansin.
"White rose?" bukambibig ni Niko.
Nagulat na lang kami nang bigla itong kunin ni Keifer at sinaksak sa palad niya. Kita namin ang pagkapal ng ugat niya sa kaniyang palapulsuhan na umabot sa kaniyang leeg hanggang sentido.
"Aaaaaah!" Nagsimulang magsisisigaw si Keifer. Napahiga siya sa lupa at namilipit habang ang puting rosas ay unti-unting nagiging pula.
Sa kabila ng malakas at nakakatakot na sigaw ni Keifer ay naririnig din namin ang mga sigaw na nanggagaling sa palasyo. Sa bawat sigaw na iyon ay sigurado akong parami nang parami ang namamatay. Dahil ito lahat kay Xilus! Naikuyom ko ang aking kamay nang mapatingin sa walang buhay niyang katawan. Parang ang sarap niya buhayin at patayin ulit.
Muling bumalik ang aking tingin kay Keifer nang huminto ito sa kasisigaw. Tuluyan nang naging kulay pula ang mga talulot ng rosas na unti-unti namang nagiging pulang usok. Para bang pinalid ito ng hangin at pumunta kay Natalia. Pumasok ito sa katawan niya at tila nagkakaroon siya ng buhay mula sa maputla niyang kalagayan kanina. Ilang minuto pa ay nagsimulang maghilom ang kaniyang mga sugat.
"How is she?" mahinang tanong ni Keifer na nakahiga pa rin sa lupa.
"She's getting better," sabi ni Oxy. "We're all safe now."
"We're not. The situation in the capital is still the same. If we stop here, baka mahabol nila tayo," sabi ni Niko.
"We will not go any farther. Now that my father is dead, their confidence to win the war will be greatly affected," Xian commented.
"Then what do you want us to do? Fight the remaining Bloodsuckers?" I asked.
"No. Fighting is unnecessary when their leader is dead. We just have to..."
"Show them his head!" dugtong ni Oxy. Kinuha niya ang kaniyang dagger at tumungo sa bangkay ni Xilus. He was about to behead him but he stopped midway. Tumingin siya kay Xian na parang humihingi ng permiso. Xilus is still Xian's father anyway.
"Let me do it," Xian responded. Saka niya kinuha ang dagger kay Oxy at tinanggal ang ulo ng sarili niyang ama. "You were never my father anyway," he said then he turned away like he did nothing. "Let's go!"
"Wait! May naisip ako,bulalas ni Oxy dahilan para mapatingin kami sa kaniya.
"What if gamitin natin ito para makalaya sa parusa ng madla? If we become heroes of this land, let's ask for our freedom as our prize. And we can reclaim Keifer's position as a prince, too. But to do that, he has to be the one who should raise Xilus head."Lahat kami ay napatingin sa walang malay na si Keifer. He's still unconscious at mukhang matagal pa bago siya magkamalay ulit.
"How will he do that?" tanong ni Niko.
"I have a way," Xian answered. Binigay niya sa akin ang ulo ni Xilus bago siya pumikit. "This is the first time I will show others my special ability." Sa isang kumpas niya ng kaniyang kamay, isang anyo ng tao ang nabuo, nilalang na kamukhang-kamukha ni Keifer maging pananamit nito.
Napangaga ako. Kanina ko pa gusto itanong paanong nabuhay ang mokong na ito. Now I know. His special ability answered my question. What his father killed was not him but his clone. It really is good to always hide an ace card.
"It takes time and energy to create a perfect clone. So, expect this clone to only look like Keifer, and nothing more," sabi niya.
Muli kaming nakarinig ng malakas na sigaw mula sa kapitolyo kaya napagdesisyunan na naming Bumalik.
Oxy transformed into his Winged White Lion form at sumakay kami sa kaniya. Isinakay na rin namin sina Natalia at Keifer na parehas walang malay.
Inilipad kami ni Oxy pabalik sa kapitolyong labis ang natamong pinsala. Mula sa ere ay kitang-kita ang maraming bangkay na nagkalat. Sira-sira at nasusunog ang mga bahay at gusali. Sa kabila nito, marami pa rin ang naglalaban, nagpapatayan, ubusan ng lahi at mukhang wala silang balak tumigil.
"Every second may cost a life. Kailangan na natin silang pigilan," sabi ko. I pat Oxy's body na kasalikuyan naming sinasakyan. "Oxy, let's go to the stage! Let out a roar as loud as you can! You have to get everyone's attention, okay?"
Tumingin naman ako kay Xian. "Xian, control Keifer's clone. Make him stand. Make sure everyone will see him raise Xilus' head!"
Tumango naman si Xian.
Lumipad si Oxy at nag-landing sa ngayo'y sira nang stage. Pagkalapag namin ay kaagad na may mga Bloodsucker's na sumugod. Pero bago pa sila tuluyang makalapit sa amin ay nagpakawala ng napakalakas na alulong si Oxy. Napahinto ang papasalakay na mga Blooduckers at napatakip ng tenga. Maging ako ay napatakip din ng tenga sa sobrang lakas ng alulong na pinakawalan niya.
Nang huminto si Oxy ay bahagya siyang yumuko. Saka tumayo ang clone ni Keifer at itinaas ang ulo ni Xilus upang ipakita sa lahat.
Natulala ang dalawang bloodsucker na papasugod sa amin. They both stared at the head of their leader.
Oxy let out a loud growl once again producing a cold breeze from his mouth. It travellled all the way from him to those who are fighting. Dito namin nakuha ang atensyon ng lahat. Napatigil sila at napatingin sa amin.
Sa momentong ito itinaas ng clone no Keifer ang ulo ni Xilus saka sumigaw si Xian. "MY FATHER, YOUR LEADER, IS DEAD! As his successor, I command you to stop and go back to our territory!"
Upon seeing the head of their dead leader, they were left without a choice but to follow Xian's command. Nagsitakbuhan sila pabalik and given their speed, it took only a moment for all the Bloodsuckers to disappear. All that was left were the remains of the fallen, victims of this war.
Sa bilis ng pangyayari ay naiwang tahimik ang paligid. Mukhang hirap iproseso ng mga natitirang kawal na nanalo kami sa digmaan.
Muling nagpakawala ng malakas na alulong si Oxy at tagumpay nitong mapukaw ang tila nabatong mga kawal. Hindi nagtagal ay may narinig kaming sumigaw sa galak. At sunod-sunod na ito. The remaining defenders of the capitol rejoiced for winning the battle even if the capitol suffered great casualties. They cheered amidst the death of their queen and all of her biological children.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...