Chapter 15:
GOODBYE OR BADBYESa isang iglap ay napalibutan na kami ng mga gwardya.
"Where do you think are you going?" sabay-sabay kaming napatingin sa taas ng hagdan. Naroon ang reyna, nakatayo habang pinaiikot ang pulang wine sa hawak niyang wine glass. "Get them!"
The guards started to move forward to capture us but suddenly, three bottles were thrown on the floor. Nabaling ang atensiyon naming lahat sa tatlong bote na hindi namin alam kung saan nagmula. May lumabas na berdeng usok mula rito na kaagad na kumalat sa buong kastilyo.
"Wear the mask!" Eris shouted.
Right! The mask! Ms. Leony gave each of us a mask before coming. They were for this purpose!
Isa-isang nagsitumbahan ang mga gwardyang nakalanghap ng usok. Wala akong makita dahil sa kapal ng usok pero ginamit namin ang pagkakataong ito upang hanapin ang daan palabas. "Dito!" sabi ko nang makapa ko ang pinto. Kaagad ko itong binuksan at nang makalabas kaming lima ay muli kong sinara.
Tinanggal ni Xian ang kaniyang mask at natatawang nagsalita, "That was exciting!" Napailing na lang kami ni Eris habang tinatanggal din ang amin.
Nilibot ko ang aking paningin at walang ni isang gwardya akong nakita. Tanging si Oxy lang narito, nakatayo sa hindi kalayuan at tila gulat nang makita kami.
"We need to hurry," sabi ko.
Nagsitakbuhan kami palayo ng kastilyo. Nang nakasalubong namin si Oxy ay kaagad siyang hinawakan ni Eris sa palapulsuhan at sinama sa pagtakbo. Narating namin train station at bumili ng ticket papuntang camp. We were going to use the camp's portal to send Natalia back to where she came from.
The train came. Sumakay kami at tinungo ang kwartong may apat na higaan, dalawang double deck sa magkabilang gilid. Pinahiga namin sa ibabang parte si Natalia bago kami nagsihiga sa natitira pang bakante. Nakaramdam kasi kaming tatlo nila Xian at Eris ng pagkahilo kaya minabuti na lang din namin magpahinga. Maybe this was because of that green smoke. Sino kaya ang may gawa no'n?
Si Oxy ang magiging look-out namin kaya umalis siya ng kwarto at nagbantay sa labas. I stared at the ceiling for a second until my consciousness was completely eaten by darkness.
***
"What belongs to me is mine!" sabay pilas ng reyna sa pakpak ni Mama.
"Mama!" sigaw ko nang marinig siyang sumigaw. Namilipit siya sa sahig, duguan.
Nabaling sa akin ang atensyon ng reyna. Lumapit siya nang nakangisi at hinawakan ang aking kwelyo saka binuhat. Binitbit niya ko hanggang sa dulo ng bangin at pinanlakihan ng mata. "You shouldn't have been born, you bastard. You must die!"
Binitiwan niya ako at tumalikod. I was falling in slow motion. Nahagip pa ng mata ko ang pagbangon at pagtakbo ni Mama upang saklolohin ako ngunit huli na. Nahulog ako pababa ng bangin. Tumalon si Mama at hinablot ako saka niyakap. She transformed into a black dragon and she covered me with the only wing she had left. I felt safe in her dragon arms. I felt safe that I wished it wouldn't last but...
"I love you," sabi ni Mama bago ko naramdaman ang aming pagbagsak.
Napamulat ako ng mata. Isang malabong mukha ng babae ang una kong nakita. "Mama?" sambit ko at kaagad ko siyang niyakap. "Ma, you're here," bulong ko at pinahid ang mga luhang nabuo sa mata ko.
"Uhm, Keifer... si Natalia 'to."
Kaagad akong kumalas at nakaupong umatras sa kama hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. "So-sorry," nakayuko kong sabi habang pasimpleng pinupunasan ang aking luha.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...