/35/ Xian's Secret

2K 91 13
                                    

Chapter 35:
XIAN'S SECRET

"Bro, what the hell is this?" tanong ni Oxy kay Xian.

Ngunit hindi niya nilingon si Oxy. Hindi niya kami nilingon. Nanatili siyang nakatalikod.

"Traydor ka, Xian?" tiim-bagang na si Keifer.

Pansin ko ang pagkuyom ni Xian. "You don't have a place to go anyway. It's better this way," sabi niya at naglakad palayo hanggang sa natabunan na siya ng mga pigura ng bloodsucker.

Dito nagsimulang magsilapitan sa amin ang mga bloodsuckers.

"Anong gagawin natin?" Binalot ako ng kaba. Lumakas ang tibok ng puso ko. Naramdaman kong nag-activate nang kusa ang hybrid kong bloodline.

"One suspicious move, and you'll all die," pagbabanta ng babae, saka nagpalabas ng nakakatakot na aura.

Hinawakan ni Eris ang kamay ko. "Wala na tayong magagawa. We are greatly outnumbered. Kahit lumipad pa tayo, 'di pa rin tayo makakatakas sa kanila." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay nang dumako ang tingin niya sa direksyon na pinaglahuan ni Xian. "Bwiset na Xian! He sold us. Tinraydor niya tayo!" May kalakasan niyang sabi na tila may pinapatamaan.

Hindi pa rin tumitigil sa pag-activate ang bloodline ko. Nagsimulang magyelo at magkaroon ng mga kaliskis ang magkabila kong kamay.

"I said no suspiscious move! Or we're going to..."

Nguni pinutol ito ng isang boses na matagal-tagal ko na ring hindi naririnig. "Huwag na kayo magtangkang manlaban, Ate."

Nagulantang ako. Kaagad kong nilibot ang aking paningin mahanap lang kung saan nagmula ang boses na iyon. Saktong pagtutok ng mata ko sa kumpol ng mga bloodsuckers, dito ko siya namukhaan.

"Olive?" pagtawag ko sa pangalan niya.

Tiningnan niya ako nang may pag-aalala. Nakikitaan ko siya ng kagustuhang lapitan ako ngunit tila may pumipigil sa kaniya.

"Ako nga, Ate. Sumama na lang kayo sa amin para walang masaktan."

***

Dinala nila kami sa kuta ng mga Bloodsuckers. Kinulong nila kami sa iisang kulungan.

Madilim. Tanging ang liwanag lang ng apoy ang nagsisilbing ilaw namin. Mabuti na lamang at nakapg-adjust na ang paningin ko.

Tulala silang lahat. Suot nila ang mukhang dismayado sa mga pangyayari. Kahit na ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari.

Ang pagtraydor ni Xian; ang pagkikita namin ni Olive, at ngayon ay nasa kuta na kami ng mga Bloodsuckers.

"Hindi ko na alam kung saan na tayo patutungo," bukambibig ko nang hindi namamalayan.

"Parehas tayo," sabi ni Oxy. "Hindi ko talaga inaakala na traydor pala ang gagong 'yon!" Sabay hampas ng kamao sa pader.

"Lesson learned: Do not trust a Bloodsucker," nakakuyom na diin na Eris.

"I don't think Xian betrayed us," sabi ni Keifer. "Maybe he did it because we all have nowhere to go in the first place. At least dito, ligtas tayo sa mga alagad ng reyna."

Tumayo si Natalia. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Keifer? Tama ka na ligtas tayo dito mula sa reyna. But, we are in the Blooduckers' nest for pete's sake! Anytime, pwede tayong gawing hapunan nang mga 'yan! At least sa labas, we have bigger chance of surviving. Pero dito, ni katiting na pag-asa na mabuhay ay wala akong makita! Baka bukas isa na sa atin ang mamatay." Muli siyang napalupaypay at napatakip ng mata. "Sorry. I failed you as a leader."

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon