Chapter 22:
DEATH OR FIGHT?Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming tumatakbo ni Oxy. Palingon-lingon kami sa paligid habang tumatakbo upang masigurong walang nakasunod sa amin.
"No one's following us. I think we can stop running now," suhestiyon ni Oxy sabay hinto sa pagtakbo.
Huminto rin ako. Parehas kaming dalawa na kaagad na napatukod ng kamay sa tuhod, naghahabol ng hininga upang mapunan ng hangin ang aming baga.
"Wala ba talagang nakasunod sa atin," muling paninigurado ko.
Saglit siyang tumingin sa likod saka umiling nang makumpirmang walang nakasunod. "Keifer won't allow that," sabi pa niya.
Muli akong tumingin sa pinanggalingan namin. Ayos lang kaya sila? Matatalo kaya nilang tatlo ang pitong bloodsuckers na iyon?
"Don't worry. They can defeat them now that we're both not with them. They'll be more focused to fighting now that they don't have anyone to protect while taking down those bloodsuckers," sambit ni Oxy na tila ba nabasa niya ang nasa isip ko.
Pero tama ang sinabi niya. Kapag hindi kami lumayo, baka maging dahilan pa kami para matalo sila sa laban. Baka imbes na lumaban ay ang protektahan kaming dalawa ni Oxy ang maging unang priority nila.
"Eh, paano na nila tayo mahahanap?" tanong ko.
"Don't worry. My bestfriend and I got our ways," sagot niya at nilabas ang kwintas na nakatago sa kaniyang damit. Parang may kung anong pinindot siya rito. "Every time I and Keifer part ways whenever there's a fight, where he has to fight while I have to run, this necklace would help him find me later on. May compass si Keifer na magtuturo kung nasaan ang kwintas kaya siguradong mahahanap niya tayo kaagad."
Nakaramdam ng pagod ang aking mga binti kaya sumandal ako sa pagitan ng dalawang naglalakihang ugat ng puno. Ganundin ang ginawa ni Oxy sa katapat na puno.
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang bahagyang kadiliman dulot ng gabi, mga tunong ng kulisap, at amoy ng malamig na simoy ng hangin ang pumuno sa aking mga sensasyon.
Hanggang sa naalala ko ang sinabi kanina ni Keifer, "Natalia, you can fly, right? take Oxy with you." Klarado pa sa isip ko ang mukha ni Keifer na puno ng pag-aalala.
Dahil dito ay napatanong ako kay Oxy, "Magkaibigan talaga kayo ni Keifer, no?"
"We've been friends since the day he lost his mom."
"Ah, kaya pala kapakanan mo talaga ang inisip niya kanina," sabi ko pa.
Bahagya siyang napangiti. "There's actually another reason why Keifer acted like that."
Ngunit isang katanungan pa ang sumagi sa aking isip.
"Ask me what you want to ask," sabi niya habang nakatingin sa mukha ko.
"Hindi ka naman mind reader eh, no?" pabiro kong sabi.
"Nah, I'm just good at reading other's expression. Now tell me what do you want to ask."
"Bakit hindi tayo tumulong na lumaban sa kanila?" tanong ko.
"Obviously, hindi ka pa handa samantalang ako..." Saglit siyang napahinto. Tumagal ito ng halos ilang segundo bago niya itinuloy, "I can't transform yet. And that means I'm useless when it comes it to fighting."
"Huh?" utal ko. "Paanong hindi ka makapag-transform? Hindi ba't Fluid ka?"
Napabuntong hininga naman siya. "Sa totoo lang, naiinis na ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi hindi ko pa kayang mag-transform? I am still a fuckin' fetus - a fluid who can't transform. I am now 21 years old yet I still don't know what kind of beast I am! Sa tuwing may laban, wala akong ibang magawa kundi tumakbo at tumakas. Pakiramdam ko tuloy kanina pabigat ako sa grupo. I'm fuckin' useless!"
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...