Chapter 4:
FINAL DECISION"So tama ako. Ikaw ang kagabi ko pa hinahanap. Ikaw ang kagabi ko pa naamoy. Ikaw ang may dalang gummy bears. Meron ka pa ba? Can you give me some?" sunod-sunod niyang sabi habang papalapit nang papalapit ang mukha sa akin.
Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng lakas ng loob para itulak siya. Ngunit imbes na siya ang mapalayo ay ako ang napaatras. Ang mas malala ay napatid ako ng sarili kong mga paa.
Nanlaki ang mga mata ko at pigil-hiningang hinintay ang pagbagsak ng likod ko sa lupa. Parang bumagal and oras. Kitang-kita ko kung paano lumayo sa aking paningin ang pigura ng bloodsucker dahil unti-unti akong natutumba.
Biglang nawala sa aking paningin ang bloodsucker at sa hindi malamang dahilan ay naramdaman ko na lang na may matigas na bagay na nasandalan ang likod ko. May humawak din sa magkabila kong siko.
Hindi ako natumba. Hindi rin ako nakaramdam ng sakit. Narinig ko na lang na may bumulong sa likod ko, "Clumsy."
Sinalo niya ako? Sinalo ako ng bloodsucker na kinatatakutan ko?
Akmang haharapin ko na siya ngunit huminto ako nang marinig ko siyang sabihin na, "Huwag ka nang lumingon. Matatakot ka lang ulit."
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa nang sabihin niya iyon. Sinabi niya ito sa paraang parang sanay na siya na takot ang nagiging unang impresyon sa kaniya.
"I know you're afraid and I hate that. But don't worry, madali lang naman ako suyuin." Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa balakang ko at may dinukot sa bulsa ko. "I'll just take this," bulong niya direkta sa tenga ko bago biglang nawala.
Hinanap ko siya sa paligid ngunit wala na siya. Kinapkap ko ang bulsa ko at wala na rin ang supot ng gummy bears na palaging nasa bulsa ko.
Nakahinga ako nang maluwag. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Pinikit ko ang aking mata at bumuntong hininga.
Ngunit kaagad akong napamulat nang marinig ko siyang magsalita. "You can go now, human. I am a greedy bloodsucker. Kapag hindi ako nabusog ng gummy worms na 'to...baka ikaw ang sunod na kainin ko."
Napantig ang tenga ko. Napalunok ako ng laway na parang nagkaroon ng tinik muli sa lalamunan ko.
Kakainin niya ako? Papatayin niya ako?
"Ano pang tinatayo mo diyan? Gusto mo talagang kainin kita?" Pinilit kong sundan ng tingin ang boses sa kabila ng kalabog ng dibdib ko. Nakita ko siya, prenteng naka-upo sa malaking sanga, ngumunguya, at sa akin ang tingin.
Nang magtama ang mga mata namin, umangat ang kaniyang labi at naningkit ang kanang mata: ngiting dahilan upang magsitulo ang malamig na butil ng pawis sa aking noo.
"Run, human...if you still want your life."
Walang pagdadalawang-isip akong kumaripas ng takbo. Ni ang lumingon sa magkabilang gilid ay hindi ko ginawa. Nakapokus lang ang diwa ko sa pagtakbo upang makalayo't makatakas sa bloodsucker na 'yon.
Takbo, Natalia! Takbo!
Mabuti na lang at natatandaan ko ang dinaanan kanina kaya mabilis kong narating ang harap ng Magor Building. Nanlambot ang mga tuhod ko. Napayuko ako't napahawak sa mga tuhod, kinakapos ng hininga. Kinapa ko ang dibdib ko at ramdam ko kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso ko.
Bahagya akong sumilip sa likod. Laking tuwa ko dahil walang nakasunod.
Nakaligtas ako.
Ligtas na ako!
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...