Chapter 19:
FINDING KALEB: DAY ONEUmalis na ang lahat. Anim na lang kaming naiwan sa loob ng military tent: sina Keifer, Xian, Eris, Oxy, Ms. Leony at ako. Inoobserbahan ko lang sila. Nakatulala si Ms. Leony. Si Keifer at Eris, mukhang malalim ang iniisip. Nasa sulok si Oxy, namumutla. Si Xian naman kanina pa pabalik-balik ng lakad, mukhang malalim din ang iniisip.
"Let's do this guys!" pagpapalakas loob ni Xian ngunit nanatili pa ring tahimik ang paligid. "Ano ba guys, huwag n'yo masyadong isipin 'yan. Hindi n'yo kailangan magpaka-stress lalo," dagdag niyang sabi.
"Pwede ba manahimik ka muna Xian. Paanong hindi namin iisipin 'to? Buhay natin nakasalalay dito. We need a plan for Pete's sake!" sermon ni Eris.
"I know. I know. Kailangan natin ng plano, pero hindi sa paraang ganito. Hindi ba pare?" sabi niya sabay akbay kay Oxy na namumutla pa rin.
Bahagyang nagulat si Oxy at napasabi na lang na,. "Ah. Eh. Paano kung hindi natin mahanap si Prince Kaleb?"
"Tsk. Tsk. Tsk." Umiling lang si Xian at tumayo. "All these times 'yan ang iniisip mo? Kaya pala magkasundo kayo ni Keifer, eh."
Napatayo si Keifer at kuyom ang kamaong lumapit kay Xian. "Can't you take this seriously?"
Ngunit hinawakan lang ni Xian si Keifer sa balikat. "Alam mo pare, hindi sa..."
"Attention! All searching teams, please hurry and come outside. Search and rescue operation will begin shortly," pagputol kay Xian ng anunsyo sa labas.
Napatingin kaming lahat kay Ms. Leony. "Sige na. Mag-iingat kayong lahat," nakapikit, tumatango, at mahinahon niyang sabi niyang sabi.
Kaagad kaming lumabas. Tinungo namin ang tumpok ng mga hadmans na nakapalibot kay Princess Kira.
"Makinig kayong lahat! Higit limang daan tayong narito at lahat tayo ay iisa lang ang dahilan ba't naparito. Kailangan nating hanapin ang nawawalang prinsipe, ang susunod na uupo sa kataas-taasang trono ng Hadesworld. Higit limang daan tayo kaya inaasahan kong mahahanap natin siya sa loob ng dalawang linggo o mas maaga. Sa inyo nakasalalay ang hinaharap ng Hadesworld. Inaasahan ko ang inyong partisipasyon. Ngayon, gusto kong bumuo kayo ng grupo at galugarin ang lahat ng lugar na may ilog sa tabi ng bundok. Ang sinumang unang makahahanap sa kapatid ko ay makasisigurong mabibigyan ng posisyon sa Centro," anunsyo ni Princess Kira. Tatalikod na sana siya ngunit muli siyang humarap; may nakaligtaan 'ata. "Bago ko makalimutan. Simula ngayon huwag niyo na akong tawaging princess. From now on, I will be your mission commander. Now, go! Join a group and find my brother ASAP."
Kaagad na nagsi-kilos ang lahat at bumuo ng kaniya-kaniyang grupo. May isang taong biglang lumapit sa amin: si Gel na bahagyang nakayuko. Nagsitinginan kaming lima tila sinusuri ang reaksyon ng bawat isa.
Magsasalita sana si Gel nang biglang tumalikod si Eris. "We don't accept traitors," pagpaparinig niya.
"Sorry," tanging banggit ni Gel. Batid ko sa boses niya ang lungkot kaya nalungkot din ako.
Tumingin sa akin si Eris at nagbuntong-hininga. "You don't have to feel sorry fo her, Natalia. It was her who betrayed us. Let her feel the guilt and learn her lesson," sabi niya.
"Pero..."
"Let's just focus on our mission, Natalia," sabi ni Keifer.
Tumango na lang ako habang nakatingin sa papalayong si Gel na bagsak pa rin ang balikat. Siguro kailangan ko muna unahin ang misyon. Saka na lang ako makikipag-ayos kay Gel kapag ayos na ang lahat sa side ko.
"Mukhang wala ng sasali sa grupo natin," sabi ni Keifer. Halos lahat kasi ay nakabuo na ng grupo at may hawak na silang kaniya-kaniyang mapa at drawing ng lawa ayon sa vision ko.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...