/5/ Hadesworld's Fantasy

3.9K 129 3
                                    

Chapter 5:
HADESWORLD'S FANTASY

Ilang oras na ba simula nang makapag-desisyon ako?

Isa? Dalawa?

Alam ko kaninang umaga ko pa sinabi 'yon at ala-una na ng hapon ngayon, pero bakit parang hindi yata lumipas ang oras? Bakit ang desisyon kong iyon pa rin ang tumatakbo sa isip ko hanggang ngayon?

Bago umalis si Ms. Leony kanina ay may sinabi siya sa akin na parang sirang plakang pa-ulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.

"You chose the right choice, Natalia, dahil kapag naging hadman ka maaaring makabalik ka sa dati mong mundo. Dahil una sa lahat, ito ang susi upang makadaan ka sa barrier ng lagusan."

Ito lang ang tanging pinanghahawakan ko: ang pangakong ito ni Ms. Leony na makakauwi ako sa mga kapatid ko.

"Huy, Natalia. Nakikinig ka pa ba?" tanong na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Nasa isang maliit na classroom ako ngayon na sakop pa rin ng opisina ni Ms. Leony. Nakaupo ako mag-isa, nakaharap sa pisara kung saan nakatayo ang limang hadmans na sina Eris, Oxy, and bloodsucker na si Xian, ang duguang lalaki na ginamot ni Ms. Leony nang una akong mapunta sa Hadesworld, at isang babaeng hindi ko kilala na sa tingin ko ay mas matanda lang sa akin ng ilang taon. Sila ang limang trainees na pinili ni Ms. Leony na turuan ako ng mga bagay na kailangan kong malaman at maintindihan tungkol sa Hadesworld. Dahil daw magiging isa na akong hadman, kailangan ko raw matutunan ang mga ito upang mabilis akong maka-adjust sa takbo ng mundo. At para na rin daw mapaghandaan ko nang maayos ang isasagawa sa'king Bloodline Inherition.

Blanko akong napatingin isa-isa sa kanila. Nang mapunta ang tingin ko kay Eris ay binigyan niya ako ng matalim na tingin. "So you're not listening, huh?" Bakas sa boses niya ang pagka-inis. Nagsalpukan ang dalawa niyang kilay. "So, anong gusto mo, uulit na naman kami sa simula?"

"Ano ba, Eris? Baka masyadong mabilis sa kaniya ang mga pangyayari kaya nahihirapan pa siyang umintindi," sabi ng babae na kabilang sa kanila. "Don't worry Natalia. Pwede mong sabihin sa amin kung saang part ang hindi mo naiintindihan, okay?"

"Okay lang po, Ms..." Natigilan ako dahil hindi ko nga pala siya kilala. Hindi kasi sila nagpakilala kanina bago magsimulang magturo sa hindi ko malamang dahilan.

Binigyan niya lang ako ng maamong ngiti at nagsabi, "I'm Angela Fog, Gel for short."

Tumango naman ako at sinuklian siya ng ngiti.

Pansin ko ang pagkuha ni Oxy ng kaniyang salamin at sinuot ito. "Kayong apat..." pagturo niya sa kasamahan niya. "...maupo na muna kayo. Ako na bahala mag-explain sa kaniya tungkol sa Bloodline Inherition at mamaya, pagkatapos, saka tayo isa-isang mag-eexplain tungkol sa mga advantages ng anim na bloodlines, okay?"

"Yes! Less work. Thanks, bud," reaksiyon ni Xian at binigyan ng tapik sa balikat si Oxy. Nang makita niya ako ay bigla niya na lang ako kinindatan saka tinungo ang upuan sa likuran ko.

Sumunod naman ang tatlo. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-irap ni Eris sa akin. Nang mapunta kay Gel ang paningin ko ay binigyan niya ako ng 'huwag-mo-siyang-pansinin' na tingin.

Napunta ang tingin ko sa lalaking nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang grey na jacket, blanko ang ekspresyon at tila walang pakialam sa mundo. Kanina ko pa siya napapansin at hindi ko man lang siya narinig na umimik.

Siguro ay naramdaman niyang tinititigan ko siya kaya sinulyapan niya ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng kakaibang sensasyon. Ang seryosong tingin na 'yon ay halos ikatunaw ng buo kong pagkatao, parang nahirapan akong huminga na hindi ko alam.

"Keifer, umupo ka na nga. Hindi maka-focus si Natalia sa'yo, eh," sigaw ni Oxy sa lalaki dahilan upang tuluyan niya akong lagpasan. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil do'n.

Aist! Focus, Natalia!

Binaling ko na lang ang atensiyon ko kay Oxy na nakatingin pa rin sa akin nang nakaka-asar na kalauna'y naging medyo seryoso. Tumikhim pa siya bago nagsalita. "Okay, let's start again. Ang pagkakaiba ng hadmans at humans ay ang kanilang life composition. Humans only have a  body and a soul but hadmans have a body, a soul and a bloodline. Yes, ang pagkakaroon ng bloodline ang pagkakaiba namin sa'yo, Natalia. Bloodline is actually an energy from Hadesworld's nature that fuses with our blood. This energy fills our body thus enabling us to do things which humans can't.  At dahil parte ang bloodline ng buhay namin, may pagkakataong naiiba ang life cycle namin sa inyo. Like, for example..." pinutol niya ang pagsasalita at naglagay ng parang malapad na cartolina sa pisara. May naka-drawing dito na isang maliit na bilog, isang bulaklak, isang mas malaking bulaklak at isang sanggol. "...when a fay is born, a light will come-out of the mother's mouth after a month of being pregnant. Hahanap ito ng bulaklak na hindi pa namumukadkad at dito ito papasok. The flower slowly becomes gigantic everytime it absorbs light from the sun for eight months. At kapag nagbukas ang talulot ng bulaklak na ito, lalabas na ang sanggol na fay."

Pilit kong inintindi ang mga sinabi ni Oxy. Ang hirap i-absorb. Ang hirap paniwalaan. Kung hindi lang talaga ako nasa ibang mundo, maiisip ko na puro kabaliwan ang mga ito. Kaso ako ang nasa mundong ito, eh. Kung hindi ako maniniwala, ako ang magiging baliw at hindi sila. At isa pa, marami na akong nasaksihan na kakaiba at hindi kapani-paniwala, so ano pa ang rason upang hindi ako tuluyang maniwala.

Heto na. Handa na ako. Handa akong matuto. Handa na akong alamin kung ano ang mundong napuntahan ko.

Ang mahirap lang, hindi ko yata kakayanin ang lahat ng malalaman ko ngayon sa dami ng impormasyong gusto nilang ipasok sa ulo ko. Sumasakit na nga ang ulo ko ngayong iisang bloodline pa lang ang pinapaliwanag, paano pa kaya kapag anim?

"I know it's hard to believe for someone like you, Natalia, but here in our world, strange things are actually normal." Lumapit siya sa akin at umupo sa armrest ng upuan ko. "Now, let's get to the main point. The reason why I am telling you this is for you to  know about what will happen during your Bloodline Inherition. May idea ka ba?"

Sa totoo lang wala.

"Siyempre wala. I'm just trying to make you feel at ease. Parang nate-tense ka kasi, eh," nakangiting sabi ni Oxy bago bumalik sa tapat ng blackboard. "Sige ito na lang. Alam mo naman siguro ang rule of nature, hindi ba? Everything will turn to where it came from. A soul will return to heaven. A body will turn into ash. But here's the question, saan sa tingin mo pupunta ang bloodline naming mga hadmans?"

Napatingin ako sa kisame. O'o nga ano? Saan kaya pupunta ang bloodline ng hadmans kapag namatay sila?

"Bloodlines of deceased hadmans either disperse to return back to nature or it can be sealed. Bloodlines that return back to nature are those bloodlines that had been trained and used throughout a lifetime. Meanwhile, bloodlines that can be sealed are those bloodlines that has never been trained nor used. To be more exact, ito ang bloodlines ng mga hadmans na namatay bago pa sila isilang...."

Hindi ko alam pero napahikab ako wala sa oras. Nang ibalik ko ang tingin kay Oxy ay naka-pout na ang labi nito. "Mukhang nabo-bored ka na 'ata, eh," sabi niya habang tinatanggal ang kaniyang salamin. "Sige paiikliin ko na lang. Kailangan mong kumuha ng sealed bloodline na hahalo sa dugong nanalaytay sa'yo ngayon. At dahil pipili ka sa anim na bloodline, importanteng malaman mo ang lahat ng tungkol sa mga ito bago pumili. Kaya nandito kaming anim, ay lima lang pala kasi umalis si Ms. Leony," napakamot sa likod ng ulo si Oxy, "kaya nandito kaming lima upang ituro sa'yo ang tungkol sa mga bloodlines. Let's start with fluids na ako mismo ang magdi-discuss."

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon