/8/ Chosen

3.4K 115 2
                                    

CHAPTER 8:
CHOSEN

Sa limang sensasyong mayroon ako, tanging ang pakiramdam ko lang ang gumagana. May maligamgam na enerhiyang nanunuot sa balat ko, pumapasok sa katawan ko't pinupuno ito.

Nararamdaman ko ang pagbabago ng lamang loob ko, ang buong katawan ko't bawat parte nito. Para bang napapalitan ng bago, ng kakaiba, nagkakaroon ng kapangyarihan at lakas.

Nakahiga ako pero hindi ako tulog. Sadyang wala lang talaga akong makita. Purong itim. Hanggang sa unti-unting nagkakaroon ng liwanag, mula sa maliit na siwang hanggang sa naging butas na tuluyang lumaki, dahilan upang masilaw ako ng liwanag; nasanay yata sa dilim ang mata ko.

Paunti-unti, sa bawat segundong lumipas, nag-adjust ang paningin ko. Ang asul na kalangitan ang una kong nakita. Bumangon ako at nilibot ang paningin. Nasa taas ako ng hexagon stage; nakatayo sa gitna ng isang higanteng puting rosas. Gumagalaw ang bawat talulot nito, bumubuka hanggang sa tuluyang namukadkad.

Bumaba ako sa bulaklak at napagdesisyunang bumaba ng stage. Wala na ang mga hadmans na nanonood. Mag-isa na lang ako hanggang sa limang kilala ko ang kita kong papalapit sa akin.

"Natalia!" sigaw ni Oxy saka tumakbo papunta sa akin. "Congratulations! You're a fay now!" Nagpasabog siya ng confetti habang naniningkit ang mga mata sa tuwa.

"S-salamat."

"Tss. That's nothing to congratulate for," pag-irap sa'kin ni Eris.

"Ano ka ba Eris. Natalia is now a fay. Of course she needs it," pagtatanggol ni Gel. Bumaling siya sa'kin at ngumiti, "Congrats, Natalia! You're one of us now!"

"Yes, isa ka ng halimaw tulad namin," pagsingit ni Eris, tumalikod at naglakad palayo. Naiwan kaming nakatayo, napatulala sa inasta niya. Humarap siyang muli kalaunan. "Oh, ano pa tinutunganga ninyo? We came here to fetch her, not to have a chit-chat, right?"

Ngunit wala pa ring umabante ni gumalaw man lang sa aming lima. "The next second na hindi pa kayo gumalaw, tatama na sa inyo ang dagger na ito," saka palabas niya ng nag-aapoy na dagger sa kanang kamay.

"Tara na," kaagad na pag-aya ng namumutla na si Oxy at naglakad. Sumunod si Keifer na hindi ko alam kung may paki ba sa mga nangyayari at si Gel na tumakbo pa para habulin ang dalawang lalaki.

Nasa hulihan kaming naglakad ni Xian.

"Bakit mukhang takot na takot ang mga 'yon kay Eris?" tanong ko.

"Bakit ikaw, hindi ka ba takot sa kaniya?" balik niyang tanong.

Natahimik ako. Hindi lang dahil sa tanong niya kundi dahil na rin sa kung paano siya tumingin sa akin. Naniningkit ang mga mata niya. Nakangiti siya, ngiting mapang-akit. Dumagdag pa rito ang liwanag ng araw na direktang tumatama sa mukha niya.

"Silence means yes and I understand you. I mean everyone here except me fears her," sabi niya na kinagulat. Masyado akong nahatak ng kung ano mang ginagawa niya. "Who would not fear the strongest trainee here, anyway?" dagdag pa niya.

Lumunok ang ng laway. "Dahil lang sa siya ang pinakamalakas, kailangan na siyang katakutan?"

"That's how things work here. At 'yan din ang rason ba't hinikayat ka ni Ms. Leony na pumili ng malakas na bloodline. Who would have thought na fay ang pipiliin mo. Silly," umiiling ngunit nakangiti niyang sabi habang nakapasok sa magkabilang bulsa ang kaniyang mga kamay at sinisipa ang maliliit na bato na aming nadadaanan.

"May rason ako," sabi ko.

"Of course you have. And that's what I am curious about."

Pupunan ko na sana ang kuryosidad niya ngunit hindi ko tinuloy dahil naisip kong masyado itong personal upang ibahagi sa taong kakikilala ko pa lang. Kaya binaling ko na lang sa iba ang usapan. "Xian, hindi ba't sabi ninyo pyro ang pinakamalakas na bloodline? Bakit si Eris ang sinabi mong pinakamalakas dito at hindi si Keifer?"

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon