/21/ Against Bloodsuckers

2.1K 91 5
                                    

Hi! This is hiddenthirteen, your lulubog-lilitaw author :)

I just want you to know that everytime you see "Hiddenthirteen's POV", that means the POV is in third person (Third Person's POV).

'Yon lang thank you!

***
Chapter 21:
AGAINST BLOODSUCKERS

Hiddenthirteen's POV

Mabilis pa sa segundong lumipad si Keifer at binagwis ang kaniyang pakpak sa isang bloodsucker. Hindi nito nagawang makaiwas kaya tumalisk ito at nawalan ng malay. Naging dahilan ito upang mabigyan ng daan sina Oxy at Natalia para makatakas.

"Go!" sigaw ni Keifer sa dalawa. Kaagad na hinatak ni Oxy si Natalia at sabay silang tumakbo palayo.

Susundan sana sila ng iba pang mga bloodsuckers ngunit kaagad silang hinarang ni Xian at Eris. Nasa bandang likuran naman nila lumilipad si Keifer.

"Sa tingin n'yo kaya n'yo kami?" mataas ang kumpyansang sabi ng isa sa mga bloodsuckers. Ngumiti ito nang may pangmamaliit.

"Kayo ang magiging hapunan namin sa gabing ito," banggit pa ng isa. Kasabay nito ay ang paghaba ng mga kuko nila at pagliwanang ng mapupula nilang mga mata.

"Sorry pero mamatay kayong hindi makakapaghapunan," mapang-insultong komento ni Eris.

"Ang dami pang satsat. Nagugutom na ako," reklamo ng isang bloodsucker. Mabilis itong tumakbo papalapit kay Eris ngunit kaagad siyang nahuli ni Xian sa leeg.

Xian lifted the bloodsucker into the air and he dashed into the tree. Dito niya malakas na hinampas ang bloodsucker kaya ito nawalan ng malay. "One down!' nakangising sigaw ni Xian at tumingin pa ito kay Keifer para ipakita kung gaano kalakas na hinampas niya ang bloodsucker sa puno, para bang may gustong ipahiwatig. Napailing lang si Keifer sa inakto ni Xian.

Labis na nagalit ang natitirang mga bloodsuckers dahil sa ginawa ni Xian. Sabay-sabay silang sumugod sa tatlo.

Dalawang bloodsuckers ang tumalon ng pagkataas-taas upang atakihin ang lumilipad na si Keifer. Ngunit hindi nagtangkang umiwas si Keifer. Pinaapoy niya ang kaniyang kamaong binabalutan ng kaliskis at lumipad pasugod sa dalawang bloodsuckers na aatake sa kaniya.

Sumugod rin ang iba pang mga bloodsuckers kina Xian at Eris.

Mabilis na tumakbo si Xian at sa isang segundo at nasa likod na siya ng dalawang bloodsuckers. Hinawakan niya ang likurang parte ng damit ng dalawa at malakas na hinagis. "Two for me, one for the lady," sabi ni Xian saka kumindat kay Eris. He even left a smirk before going after the two bloodsuckers he just threw.

Kagaya ng sinabi ni Xian, ang isang natitirang bloodsucker ang hinanarap ni Eris.

Kaagad na winasiwas ni Eris ang kaniyang dalawang sandata pagkarating ng bloodsucker ngunit nasangga lang ito ng bloodsucker gamit ang matutulis nitong kuko sa kaliwang kamay. Gamit ang kanang kamay nito, muli nitong kinalmot si Eris. Pinakawalan ni Eris ang pagkakahawak niya sa dalawa niyang espada at tumalon paatras para iwasan ito. Napangiti ng nakakaloko si Eris na siyang kinataka ng bloodsucker. Huli na ng mapansin niyang animo'y kumakalat ang yelo ng esapada ni Eris na nakadikit pa rin sa mga kuko niya dulot ng pagsangga niya nito kanina. Kumalat ito mula sa kaniyang mga kuko hanggang sa kaniyang kanang kamay at braso. Hanggang sa tuluyan nang nagyelo ang kaniyang leeg, ulo, at ang buo nitong katawan.

"Evil beings don't deserve to live," banggit ni Eris. She then summoned her bow. Nang kalabitin niya ang kuwerdas nito, isang naglalagablab sa apoy na palaso ang nagpakita na kaagad naman niyang pinakawalan. Tumama ito sa nagyelong bloodsucker dahilan upang ito'y mabasag.

Sa kabilang banda, nang makalapit si Xian sa isa sa tumilapon na bloodsuckers, hinawakan niya ito sa ulo at walang pasabing binali ang leeg nito.

Patagong umatake ang isa pang bloodsucker sa likod ni Xian. Napansin ito ni Eris at kaagad na nagpakawala ng pana. Ngunit bago pa ito tumama sa bloodsucker ay nahuli na ito ni Xian, kalahating metro bago pa tumama ang kuko nito sa likod niya. Got you," Xian grinned.

Sa pagkakataong ito, saktong bumaon ang pana sa likod ng bloodsucker dahilan upang ito ay magliyab. Bumitaw naman kaagad si Xian sa pagkakahawak sa bloodsucker dahil nakaramdam siya ng pagkapaso.

"Ah!" daing ni Xian. "Why do that? I already got him!" Pinaningkitan niya si Eris na parang batang sinusumpong.

"Boom!" tunog ng pagsabog dahilan upang mapalingon si upang sabay na mapatingin si Xian at Eris sa pinanggalingan nito.

Ang isa sa dalawang bloodsuckers na kalaban ni Keifer ay nakahandusay na sa lupa habang sunog-sunog ang damit at wala ng malay. Ngunit hindi ito ang lumikha ng pagsabog. Ang dahilan nito ay ang isa pang bloodsucker na malapit nang mabaon sa lupa habang hawak ito sa leeg ni Keifer na lumilipad pa rin kalahating metro mula sa lupa. Mahihinuhang ibinagsak ito ni Keifer mula sa ere patungo sa lupa nang hawak ito sa leeg.

"Cool!" tila amaze-na-amaze na banggit ni Xian na may kasama pang palakpak. "But is that how he's going to kill me kung natuloy man sakali ang laban namin kanina? Not cool!" sabay bawi niya sa kaniyang palakpak at nagkibit-balikat.

Tuluyan nang lumapag si lupa si Keifer. Kasabay ng unti-unting pagkawala ng kaniyang pakpak ay ang marahas na pagpagpag niya sa maalikabok niyang damit.

Akala ng tatlo ay tapos na ang laban. Ngunit hindi nila napansin ang pagbangon ng pinakaunang bloodsucker na nawalan ng malay. He unsheathed a knife full of poison and he turned invisible. He then sprinted into where Keifer is.

Habang tumatakbo ang invisible na bloodsucker ay napansin ni Xian ang paggalaw ng mga dahoon sa lupa. Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto ni Xian kung ano ito, at kung bakit nangyayari ito. Kaya kaagad siyang sumigaw, "Keifer, ilag!"

Ngunit wala ng oras.

Xian dashed to Keifer as fast as he could. Bago pa maiproseso ni Keifer ang isinigaw ni Xian ay nagpakita sa harap niya ang bloodsucker na may hawak na punyal. Tatamaan na sana siya ng punyal nang biglang hinarang ni Xian ang kaniyang sarili. "Ah!" daing nito nang bumaon sa likurang bahagi ng kanang balikat ni Xian ang punyal na may lason.

Natulala si Keifer samantalang napasigaw naman si Eris, "Xian!"

Kaagad na hinigit ni Eris ang kaniyang pana at nagpakawala ng nagyeyelong palaso. Tumama ito sa bloodsucker na kaagad na naging yelo.

Pinilit na inabot ang nakabaong punyal. Biglaan niya itong hinigit dahilan para siya ay mapapikit at mapakagat-labi. "Aw! That fuckin' hurts!" pagrereklamo niya nang tuluyang matanggal ito.

'Di makapagsalita si Keifer. Hindi niya alam kung anong tamang salita ang dapat sabihin. "Are...you...?"

Ngumit umiling lang si Xian nang nakangiti. Lumapit siya sa bandang kanan ni Keifer at bumulong, "I just saved your ass, dragonboy!" with a smiling hiss at the end saka tinapik ang kanang balikat ni Keifer gamit ang kanan niyang kamay.

Ngunit biglang nanlambot ang mga tuhod ni Xian kaya siya kamuntikang matumba. Mabuti na lang at kaagad siyang nasalo ni Keifer at ni Eris na kakalapit lang.

"What's wrong with my beautiful legs?" tila lasing na sabi ni Xian. "Why can't I feel them?" dagdag pa niya na para siyang lantang gulay na hindi mai-angat ang kaniyang ulo at hindi rin makatayo kung hindi sa tulong nila Keifer at Eris. Hanggang sa tuluyang nang mawalan ng malay si Xian.

"Let me carry him," pagboluntaryo ni Keifer. Tumango naman si Eris at tumulong na ipasan sa likod ni Keifer si Xian.

"Are you good?" tanong pa na Eris, sinisiguradong hindi nahihirapan si Keifer.

"Better than fine," sagot ni Keifer. "Just get our bags. Let's find the two now."

"Where are we going to find them?" muling tanong ni Eris.

"Walk towards them while waiting for Oxy's sign. It'll tell us where they are."

Kahit na hindi alam ni Eris ang sign na tinutukoy ni Keifer ay tumango na lang siya. Ngunit isang tanong ang bigla na lang pumasok sa isip niya at 'di niya ito napinggilang itanong.

"Do you think they're okay?"

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon