Chapter 10:
NATALIA FAYHawak-hawak ko na ang birth certificate ko: isang dilaw na short bondpaper kung saan nakasulat ang detalye ng pagkatao ko.
Natalia Fay. Ito ang nakasulat sa pangalan ko. Hindi na Alester ang apelyido ko kundi Fay dahil sa paraan ng pagpapangalan sa mundong ito.
May nabasa pa akong "Born Again" sa birth certificate ko. Babalik sana ako para sabihing Catholic ako kaso naalala ko na nasa ibang mundo pala ako. Baka ang muling pagkasilang ko ang tinutukoy nito at hindi ang relihiyon ko.
Mabilis lang ang proseso ng pagpagawa ko ng birth certificate. Tinanong lang kung ano ang pangalan ko, edad at bloodline at naghintay lang ako ng dalawampu't limang minuto para makumpleto ang mga papeles. Sa tingin ko nga alam nila na isa akong tao na sumailalim sa bloodline inherition dahil hindi sila nagtanong pa ng ibang bagay. Ang nagpatagal lang sa akin ay ang napakahabang pila na halos isa't kalahating oras ang hinintay ko. Ala una ako pumasok ng at mag-aalas tres na ng hapon nang matapos.
Pagkalabas ko ng agency ay mukha ni Eris ang una kong nakita, nakaupo sa gilid ng napakalawak na hagdan. Wala ang tatlo dahil sila ang nagdeliver ng mga bag namin sa destinasyon nito.
"Bilisan mo! Kailangan nating magmadali papunta ng park. Baka kanina pa sila naghihintay do'n," naiinip niyang sabi.
Tumakbo ako pababa ng hagdan papunta sa kaniya. Naalala ko kasi na sa park nga pala kami magkikita-kita sa saktong alas tres bago pumunta ng train station. "Sorry natagalan ako," panghingi ko ng pasensiya.
"Tss. I know what you did in there and that did not make you cool," sabi niya at inirapan ako sabay talikod saka naglakad. Sa totoo lang kasi kaya ako natagalan dahil sa tuwing mayroong magulang akong nakita at karga nila ang bagong silang nilang hadman, pinapaubaya ko kaagad ang pwesto ko dahilan upang mapunta ako sa hulihan ng pila. Kaya ayon, sobrang natagalan ako sa loob.
Sumunod ako sa likod ni Eris dahil siya ang nakakaalam ng daan papunta sa park. Dumating kami sa park at dumiretso sa rebulto ng isang babae: ang eksaktong lokasyon kung saan kami magkikita-kita. "Bakit wala pa sila rito?" kagaad na tanong ni Eris na napasapo pa sa noo nang nakapikit, halatang naiinis.
Nilibot ko ang paningin upang hagilapin sila sa paligid ngunit wala. Tanging ang kakaunting bilang ng puno lang at mga grupo ng mga hadmans na nakaupo sa luntiang lote lang ang aking nakita.
"Baka may dinaanan pa," sabi ko at binalik ang tingin kay Eris. Akala ko ay mapapawi kahit papaano ang inis sa mukha ni Eris pero mukhang dumagdag pa sa inis niya ang sinabi ko.
"Maiiwan tayo ng tren nito, eh! Shit!" reklamo niya. Dahil sa ayaw kong makita na nag-aapoy sa inis si Eris, tinuon ko na lang ang atensiyon sa paghahanap sa mga kasamahan namin sa paligid. Naglakad pa ako ng ilang metro palayo kay Eris para mas lumawak ang paghahanap ko.
Pansin ko ang pagdaan ng grupo ng mga kalalakihan. Huminto ang grupo ngunit may isang lalaking tuloy-tuloy ang lakad papalapit kay Eris. "Hey miss! Want me to cool you off?" sabi nito sabay akbay kay Eris. Sa suot nitong itim na bilog na hikaw sa kanang tenga, alam ko na kaagad kung ano ang pakay niya sa babae.
Nagtiim-bagang si Eris at umirap. Siniko niya sa sikmura ang lalaki at hinawakan ang kamay na nakaakbay sa kaniya. Umikot siya't pinihit ang kamay nito dahilan upang mapahiyaw ang lalaki. Patulak niyang binitawan ang kamay nito kaya ito napaluhod.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...