/27/ Finding Kaleb, Day Six

2K 84 0
                                    

Chapter 27:
FINDING KALEB, DAY 6

Tatlong gabi na ang nakalipas mula nang malaman ni Oxy ang tungkol sa bloodline ko. Ngunit sa tatlong araw na lumipas ay hindi ko ito nagawang masabi sa iba. Hindi ako makahanap ng magandang tiyempo na sabihin ito sa kanila. Medyo naging busy kasi kami sa paghahanap lalo pa at papalapit na ang palugit na binigay sa amin ng reyna.

Pero ngayon ay napagdesisyunan ko na na sabihin sa kanila. Sisiguraduhin ko na hindi matatapos ang araw na ito nang hindi ko sa kanila masasabi na kakaiba ang bloodline ko.

Habang naglalakad kaming lahat kung saan nasa bandang pagitan ako nina Xian at Eris na nangunguna at kay Oxy at Keifer na nasa hulihan, bigla na lang tumabi sa akin si Oxy.

"So, have you decided to tell them today?" tanong niya.

Tango lang ang sinagot ko sa kaniya.

"Why just a nod?" usisa niya.

"Kinakabahan kasi ako. Baka..."

"Nag-ooverthink ka na naman," sabi niya.

Simula nang gabing nag-usap kami, bumalik na ang dating pakikitungo sa akin ni Oxy.

"Pahinga muna tayo," request ni Oxy saka pumunta at umupo sa nakausling ugat ng puno na malapit sa kaniya.

Tiningnan siya nang masama ni Eris. "We don't have time to waste, Oxy!"

"Please, kahit fifteen minutes lang," pagmamakaawa ni Oxy. Katulad ko ay pawisan din siya. Halos lahat naman yata kami. Kaninang tanghali pa kasi ang huli naming pahinga. Ngayon ay mag-aalas-tres na ng hapon kaya halos tatlong oras na rin kami naghahanap.

Siguro ito na ang pagkakataon para sabihin ko sa kanila.

Binagsak ko sa damuhan ang dala kong bag at lumupaypay. "Sige na, Eris. Pagod na rin kasi ako," pagsisinungaling ko. Pero sa totoo, gagamitin ko ang oras na ito para sabihin sa kanila ang gusto kong sabihin.



"Fine. Fifteen minutes. Nothing more. Kailangan natin magmadali," pagpayag ni Eris.

"Yes!" sabay na bulyaw ni Oxy at Xian na kaagad ding lumupaypay sa damuhan.

Nang prenteng nakaupo na ang lahat ay saka ako tumayo. "Sa totoo lang, may gusto talaga ako sabihin sa inyo," panimula ko.

Napalingon sa'kin si Keifer. Parehas namang tumaas ang dalawang kilay nina Eris at Xian.



Pumikit ako at huminga ng malalim. "Ako talaga ang dahilan ba't nawawala si Prince Kaleb."

Sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid hanggang sa magsalita si Keifer. "No. It wasn't because of you..." ngunit pinutol ko ang dapat na sasabihin niya.


"Hindi gano'n, Keifer. Ako talaga ang dahilan ng pagkahimatay niya kaya siya nakuha ng mga bloodsuckers."


"You knocked him out?" tila natutuwa pang tanong ni Xian.

Awkward akong napatango.


"Woah," bulalas ni Xian. "Good job, Natalia!"

Kaagad siyang hinampas ni Keifer ng kamay sa balikat.


"Ow. I guess you love your bro. My bad," mapang-asar na si Xian.


"Love, my ass," komento ni Keifer.

"Manahimik nga kayo," pagsuway ni Eris. "Eh, pa'no mo naman nagawa 'yon?"


Kaya kinwento ko sa kanila lahat. Mula noong dinagit ako ni Prince Kaleb hanggang sa nagkaroon ako ng mala-dragon na kaliskis. Wala akong tinago ni katiting na impormasyon sa ginawa kong pagkukuwento.


HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon