/43/ Full Dragon

1.9K 68 6
                                    

Chapter 43:
FULL DRAGON

KEIFER

Bago pa namin simulan ang labanan ay nagdesisyon kaming lumayo rin sa laban ng iba pa naming kasama. We are fighting three super strong people and together, they are stronger. A way to defeat them is to separate them, fight them individually and outnumbering each of them.

We flew away at ginamit namin si Natalia para sundan kami ni Xilus. Siya lang naman kasi ang pakay ni Xilus. All of us are nothing in his eyes even his own son, Xian.

"Dito na," sabi ni Xian at tumigil na kami sa paglayo. Hindi na namin makita sina Eris, Oxy, Olive at Niko. Kinakabahan man ako para sa kanila pero mas kinakabahan ako dahil isang pambihirang nilalang ang makakalaban namin. And speaks of the devil, ilang sandali lang nang magpakita siya.

"Akala ko ba hindi kayo tatakas," sabi nito.

"Do we look like we are escaping?" pabalang kong sagot.

"Ikaw," pagturo niya sa akin. "Ikaw ang una kong ibabaon sa lupa." Pagkasabi niya nito ay hindi ko namalayang nasa harap ko na siya, nakahanda ang kanyang mga kuko para gutay-gutayin ang mukha ko. Mabuti na lamang at tinulak ako ni Xian kaya dalawa kaming nagpagulong-gulong sa gilid. Kaagad naman naming nabawi ang aming balanse at tumayo.

"Thank-" Magpapasalamat sana ako ngunit hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nawala na siya sa tabi ko. Sa isang iglap ay nasa harap na siya ni Xilus at sinuntok niya ito. Hindi pa tumatama ang kaniyang kamao sa mukha ni Xilus ay nauna nang tumama ang kamao ni Xilus sa kaniyang sikmura.

Sh*t. That was very fast.

Tumilapon si Xian at tumama sa isang puno. Lumipad naman si Natalia palapit sa kaniya at kaagad siyang ginamot. Nang makita kong susugurin ni Xilus si Natalia ay mabilis kong nilabas ang aking pakpak, bumuo ng bolang apoy sa aking mga palad at tinapon sa madadaanan ni Xilus. Mukhang naalerto nito si Natalia kaya lumipad siya nang mas mataas matapos niyang gamutin si Xian.

Tumango si Xian at mukhang alam ko ang kaniyang binabalak, lalo pa nang tumakbo siya sa kabilang panig. Ngayon ay pinapagitnaan na namin si Xilus. Gusto niya yatang sabay kaming umatake.

"Now!" sigaw niya.

Hindi ko alam kung nagteleport si Xian o dahil sa sobrang bilis lang talaga niya kaya napunta kaagad siya malapit kay Xilus. Kaya pinagaspas ko rin ang aking pakpak nang isang beses at nagpatangay sa pwersa nito. I set my first ablaze at inihanda ito upang ipansuntok kay Xilus.

But I was surprised by what Xilus did. Sa isang pagkurap ko ay nawala na siya sa kaniyang kinatatayuan at nasa tabi ko na siya. Hinawakan niya ang aking pakpak, iniharap ako sa papasugod na si Xian at sinipa ako papunta sa kaniya. Tumama ang atake ni Xian sa akin at tumama rin ang katawan ko sa katawan niya. Dahil sa lakas ng pagkakasipa sa akin ni Xilus ay natangay ko pagtilapon maging si Xian.

"Xian! Keifer!" sigaw ni Natalia.

Nataranta ako nang makitang sa amin susugod si Xilus. Ngunit bago pa siya makalapit sa amin, may tumamang mga patusok na yelo sa kaniyang katawan. Sunod-sunod na umulan ng patusok na yelo kaya napaatras si Xilus. Mula ang mga ito kay Natalia na kakaiba na ang hitsura. Ang pakpak niya ay kalahating pakpak ng Fay at dragon. One of her arms is covered in ice, while the other one is tainted by black veins.

Lumipad siya papalapit sa amin habang patuloy na nagpapaulan ng yelo kay Xilus. Nagkagutay-gutay ang pantaas na parte ng suot na pulang robe ni Xilus ngunit wala siyang natamo ni isang sugat. Nang makita ko ang kaniyang dibdib at tiyan kung saan tumama ang mga yelong pinakawalan ni Natalia ay dito ko nalaman ang dahilan bakit hindi man lang siya natusok o nagtamo ng pinsala. His upper body is covered with scales, scales that are very similar to our dragon scales which are impenetrable.

Ngumisi si Xilus. "Sa inyong tatlo, ikaw lang ang nakapagpatama ng atake sa akin."

"Bakit? Natakot ka ba?" matapang na sagot ni Natalia. Ngunit habang nagsasalita siya ay nasa likuran niya ang kaniyang kamay, naglalabas ng healing lights papunta sa amin.

"I will never be afraid of anyone," sabi niya at sumugod. Pumagaspas din ang pakpak ni Natalia at lumipad siya upang salubungin si Xilus.

"Natalia, huwa-" pagpigil ko na naudlot dahil napaubo ako dala ng nalanghap kong alikabok mula sa hanging gawa ng paglipad ni Natalia.

Xilus is very fast. He is even faster than what I thought. Hindi malabong mabilis niyang matalo si Natalia lalo na't hindi pa nito gamay gamitin ang kapangyarihan ng hybrid bloodline niya.

Mabilis lang na nawala ang mga injuries ko kaya kaagad akong tumayo. Nakita ko kung paano nakikipagpalitan ng atake si Natalia. Nagpakawala siya ng matutulis na yelo na sinalag naman ni Xilus gamit ang kaniyang makaliskis na mga braso. Habang nakatakip ang kamay ni Xilus sa kaniyang mukha ay mabilis na sumugod si Natalia at nagpakawala ng suntok gamit ang tila bloodsucker niyang braso. Malamang hindi ito napansin ni Xilus dahil tuloy-tuloy na nagpakawala si Natalia ng mga yelo habang papalapit siya upang suntukin ito. Kaya tumama ang suntok ni Natalia sa sikmura na Xilus dahilan upang mapaatras siya ng ilang hakbang.

Tama nga ang sinabi nila. Once someone faces death, he will suddenly become a fighter. That's what happening to Natalia right now, she is acting through her adrenaline. Or maybe, she has gain many fighting insights from the many battle we have experienced. And now, she is applying it. Distract and attack. Her ice is not really an attack but a distraction to launch her punch.

Eris was right. Natalia is gifted not only for mastering her Fay bloodline really fast but also for learning how to use her hybrid bloodline in fights. She was right that Natalia has a great aptitude.

Mahinang tumawa si Xilus. "You've hurt me twice. Maybe I should not underestimate you." Pagkasabi niya nito ay sumigaw siya, sigaw na parang may gusto siyang ilabas sa katawan niya. Nanlaki ang mata ko nang tubuan siya ng sungay at pakpak ng dragon.

Lumipad siya papunta kay Natalia. Si Natalia naman ay lumipad pataas sa kalangitan. Hinabol siya ni Xilus kaya nilabas ko rin ang aking pakpak at hinabol silang dalawa. Lumagpas na kami sa mga ulap dahil sa layo na ng aming nilipad.

Nagsimulang batuhin ni Xilus si Natalia ng mga bolang apoy. Todo iwas naman si Natalia at may pagkakataong bumabato rin siya ng mga matutulis na yelo na hindi lang si Xilus ang umiwas kundi maging ako.

Naalerto ako nang lumiit ang pagitan ni Natalia at Xilus. Mas naalerto pa ako nang mawala si Xilus at naging isang higanteng ipu-ipo. Ngayon ko lang naalala ang kapangyarihan ni Xilus. He can absorb his victim's powers. Sa tagal niyang nabuhay sa mundong ito, hindi imposibleng may kapangyarihan na siya ng iba't ibang bloodline, and one of them is the Fog's ability to become the air itself.

Unti-unti akong nahihigop ni Xilus ngunit dahil medyo malayo pa ako sa kanila ay hindi ako natangay. Si Natalia na sobrang lapit ay tuluyang nahigop ng ipu-ipo. Nagpaikot-ikot siya kahit na nakikita kong nilalabanan niya ang pwersa ng ipu-ipo.

"Natalia!" sigaw ko nang mawala na ang pakpak niya.

The tornado suddenly stopped. Tumalsik naman ang katawan ni Natalia pababa sa lupa.

Xilus flew downwards to catch Natalia who seems to be unconscious. Kaya lumipad na rin ako para kunin si Natalia bago pa siya bumagsak sa lupa. Nakipag-unahan ako kay Xilus ngunit hindi ko maikakailang mas mabilis ang paglipad niya.

Sh*t! Kapag maunahan niya ako na makuha si Natalia, she will be in danger. At ito na rin ang magiging katapusan ng lahat. I have to do something!

Lalo ko pang binilisan ang paglipad at gano'n din si Xilus. I gritted my teeth. Nanggigigil kong pinagaspas ang aking pakpak para lalo pa akong bumilis. Hanggang sa may naramdaman akong tila may sumabog sa loob ng aking katawan, a sudden surge of power.

I felt my flesh and bones changing. My wings, body and limbs are becoming bigger. Napilitan din ang balat ko ng mga itim at pulang kaliskis And this is when I realized, my body is transforming into a full dragon.

HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon