Chapter 25:
ROYAL BLOOD?ERIS
"Exkon? Hindi ba tayo magmumukhang mga ex-convict niyan?" reaksyon ni Keifer.
"Eh ano ba tayo? Sa'n ba tayo galing bago tayo mapunta rito?" pabalik kong tanong.
"Sa kul--Oo nga no," enlightened na sabi ni Xian.
"We were prisoners and that was the beginning of our journey as a group. It sounds awful but it's actually meaningful," sabi ni Oxy.
"Bilib na talaga 'ko sa'yo, Eris," sabi ni Natalia na kinatuwa ko. Ngingiti na sana ako nang ngumiti ang mokong na si Xian.
"Ikaw Eris, ha. Matagal mo na iniisip 'to, 'no? Kunwari ka pa na ayaw mo kami maging kagrupo, eh."
"Hindi, ah! Ngayon ko lang naisip 'yan! Saka ayaw ko talaga kayo maging kagrupo."
"Talaga ba?" mapang-asar na tanong ni Keifer. "Hindi kasi halata, eh," sarkastiko pa niyang dagdag.
"Ewan ko sa inyo!" sabi ko sabay tayo. "Tara na, Natalia. Magtraining na tayo."
Tumalikod ako ngunit muli akong lumingon sa kanila dahil nakalimutan kong ite-training ko rin pala si Oxy. "And you, too," turo ko sa kaniya.
Kaagad naman silang tumayo at sumunod sa akin. Ramdam ko ang paglapit ni Natalia sa likod ko.
"Bakit ka nag-walk-out, Eris? Totoo ba na matagal mo na naisip ang group name natin?" tanong niya at tumabi pa sa akin.
Huminto ako at tiningnan siya. "Alam mo, mas gusto kita nang tahimik ka pa. Pansin kong nahahawa ka na mga mokong 'yon."
"Pero totoo nga ba?" pangungit niya.
"Tss." Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang open space na parte ng gubat. Gabi na pero sapat ang liwanag ng buwan upang maliwanagan ang buong gubat.
Naisip ko kaagad ang training na ipagawa ko kay Oxy. I summoned two double bladed daggers at inabot ko ito sa kaniya.
Ngunit tiningnan niya lang ito ay binigyan ako ng anong-gagawin-ko-rito na tingin.
"Go to Xian and spar with him. Since mas malaki ang posibilidad na makakalaban tayo ng bloodsucker, mas mabuti na memoryado mo kung paano sila kumilos sa laban. And also, Xian are very good at using blades. Ask him to give you some tips."
Pansin ko ang pag-crunch ng ilong ni Oxy at parang nadismaya sa sinabi ko.
Akala niya siguro ako mismo ang makikipag-sparring sa kaniya.
"Sige na! Pumunta ka na kay Xian," sabi ko.
Nakababa naman ang balikat niyang tumalikod at umalis.
Saka ako napatingin kay Natalia.
Ano kaya ang ituturo ko sa kaniya?
Dalawang bagay kang naman kasi ang kailangan matutunan ng isang fay. Una, ay manggamot at pangalawa ay lumipad.
Dahil alam naman na ni Natalia parehas gawin 'yon... ah alam ko na.
"Natalia, alam mo naman na walang kakayang umatake at dumipensa ang isang fay. Ang tanging magagawa ninyo ay tumakas. And that's why you have wings. So for tonight, you're going to train your flying ability."
"Kailangan ko ba talagang malaman 'to? Babalik din naman kasi ako sa mundo ko pagkatapos ng lahat na ito," sabi niya na para bang nagpabago sa mood ko.
BINABASA MO ANG
HADESWORLD: The Bloodline Of Natalia (Completed)
Fantasy"Everyone's blood is the same for being red, but not for the power it holds." *** Natalia is a human. Due to an incident, she was sent to Hadesworld where unextraordinary people exist. They have the bloodline of dragons, vampires, elemental spirits...