Prologue

1.2K 29 4
                                    

I am Gabriellie Alcantara, my friends call me Gabrielle. I am the queen of high school. Maganda, sopistikada, fashionista at talaga namang mala-reyna ang dating kung kaya't lahat ng kalalakihan sa buong campus ay nagkakagusto sa akin.

Isa na doon ang boring, nerdy at super loser na si Yozac Del Queja. Nagtapat siya ng damdamin sa akin at dahil sa trippings ng barkada ay sinagot ko siya. Pinaniwala ko siya na mahal ko rin siya at seryoso ako sa kanya to the point na ipinakilala ko pa siya sa parents ko para mas mapaniwala siya sa palabas ko. 

But then, after six months, I finally ended the show and told him that it was all an act at pinagtitripan lang namin siya ng mga barkada ko. Yozac was devasted and hurt as he leave the school and transfer to another with a broken heart. 

3 years had pass. 

I, because of the bullying incident na kinasangkutan ko in my last year of Junior high ay napilitan akong baguhin ang aking sarili. Ang mala-reyna at pa-girly kong ayos ay itinapon ko na at pinalitan iyon ng boyish na anyo. I cut my hair short at nagsuot rin ng maluluwag na T-shirt at shorts. When I enter Senior high school sa bago kong paaralan ay nagpakilala ako sa mga schoolmates ko bilang Gab. Not Gabriellie. Not Gabrielle.

But then, sadyang mapaglaro ang tadhana dahil pilit na pinagkukrus talaga ang landas namin ni Yozac.

"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago."

"Ha? Sino?"

"Yozac Del Queja."

"Ano?! "

The nerdy, loser Yozac Del Queja that I used to know is a bad boy? Paanong nangyari iyon?

"That Yozac, he is my ex-boyfriend. " wala sa sariling nasabi ko.

Noon nga ay pumasok na ng classroom ang lalaking pinag-uusapan namin at talaga namang napanganga ako ng makita ko siya.

T*ng*na.   This is Yozac?

The guy in front of me is devilishly handsome with a sex-appeal that can make any girls heart race like crazy!  Goodness!  This guy is so cool! Ibang-iba siya sa Yozac na pinaiyak ko at sinaktan ko noon.

"Yozac, this is our new girl, Gabriellie Alcantara. She came from your old school, totoo ba na ex ka niya?"

Huminto sa harap ko si Yozac at tinapunan ako ng matalim na tingin. "No. Hindi ko siya kilala." sabay nilampasan ako.

Napanganga ako.

Ano raw?

Kasunod ay narinig ko ang tawanan ng buong klase.

Sa inis ko at pagkapikon ay wala sa sariling nilingon ko siya at nanggigigil na ibinato ko sa kanya ang pencil case na nadampot ko sa ibabaw ng mesa.

Nasapul siya sa kanyang ulo.

"Antipatiko!" sigaw ko.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin hawak-hawak ang nasaktang ulo.  "Did you just throw that thing on me?!"  galit na galit niyang turan.

Tila naman natauhan ako ng makita ko kung gaano nagulat at namilog ang mata ng mga kaklase namin.

Naitikom ko ang aking bibig at bumalik sa pagkakaupo sa silya na tila walang nangyari.

"Hey! Kinakausap pa kita! Don't you dare turn your back on me!" narinig ko ang mabilis na yabag niya bago ko naramdaman ang marahas na paghablot niya sa kuwelyo ng suot kong damit.

Oh no!

Sa takot ko at katarantahan ay hinarap ko siya't itinulak ng ubod lakas! Pero dahil hawak niya ang kwelyo ko ay nahatak niya ako at sabay kaming bumagsak sa sahig.

Napasinghap ang mga kaklase namin.

"Oh my God." rinig kong bulalas ng isa kong kaklase.

At bago pa ko makapagreact ay natagpuan ko na ang labi kong nakalapat na sa leeg ni Yozac.

What the...

Itinulak niya ako.  "Manyak."

At ayon, sa unang araw ko sa bago kong school ay gusto ko na lamang lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan.

Vampire Kiss with my EX for a reunion.

What a life!

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon