3 years ago..
Gab's POV
"Here's your order ma'am. Thank you for coming. " saad ng service crew at iniabot sa akin ang ube frappe na order ko. Binayaran ni Yozac ang inumin pagkatapos ay lumabas na kami.
Sa daan ay napansin kong tanggal ang sintas ng sapatos ko. Huminto ako sa paglalakad dahilan para mapalingon siya sa akin. Nang makita niya na akmang dudukwang ako pababa ay mabilis na lumuhod siya sa harap ko at sinintas ang sapatos ko.
"Ako na."
I smiled. "Thank you." saad ko.
Tiningala niya ako sabay ngumiti. "Trabaho 'to ng isang maalagang boyfriend kaya huwag kang magdadalawang isip na humingi ng tulong."
"Oo na. Mababaon na ako ng utang sa'yo. Ilang buwan ka ng walang sweldo."
Five months na kaming nagde-date at ikalawang buwan na sa seryosong pakikitungo ko sa kanya. Kahit na against ang mga kaibigan ko sa relasyon namin ay wala na silang nagawa. Binalaan ko rin sila na huwag babanggitin kay Yozac ang tungkol sa trippings namin dahil ang sabi ko'y ako mismo ang magpapaalam sa kanya at humahanap pa ako ng tamang tiyempo para sabihin iyon.
Tumayo na siya. "Kiss lang okay na."
Naningkit ang mata ko. "Abuso."
Tumawa siya. "Joke lang. " he held my hand. "Halika na."
At dumiretso na kami ng lakad.
Sa school ay nagpaalam si Yozac na a-attend ng SSG meeting. Treasurer kasi ito ng student body council at hindi maaari na wala ito sa mga meetings.
Naiwan ako sa room namin na naghihintay sa pagdating ng subject teacher. Nakita kong pumasok na rin ng room sila Zia at ang grupo. Lumapit sila sa akin.
"Karaoke tayo mamaya. " aya ni Krystal.
"Sorry, hindi ako pwede. May lakad kami ni Yozac."
Nagbuga ng hangin si Zia. "Yozac! Yozac! Yozac! Puro ka na lang Yozac! " umupo siya sa ibabaw ng desk ko. "Nakalimutan mo na ata kami Gabrielle. Kaibigan mo pa ba kami?"
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Novela Juvenil"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...