Gab's POV
"Oh my God!!! Anong ginagawa ninyong dalawa sa CR?!!" hiyaw ni Ara na sinabayan pa ng pagtakip ng mata. Si Zayn naman na kanina ay naestatwa rin ay nakabawi na at ngayon nga ay dinaluhan na kami para tumulong.
"Let me help you." ani pa nito. Si Yozac ay hinawakan na muli ang swero at hinayaan na si Zayn na mag-untangle ng buhok ko.
"There." mga ilang segundo ay sabi nito. Sa wakas ay nakawala na rin ang buhok ko sa lintik na butones ni Yozac.
"Salamat Zayn." sabi ko naman habang hinahaplos ang nasaktan kong anit. Pasimpleng hinatak ko rin pataas ang pants ko para di nila mapansin na medyo litaw pa ang panty ko. Dinaluhan na rin ako ni Zayn at inalalayan akong makatayo.
"Ang swero mo Gaby, we need to call the nurse para ma-check 'yan." sabi ni Yozac kasunod ay pumagitna na sa amin ni Zayn, inalalayan niya akong makalabas.
"Ako na ang tatawag ng nurse." presinta ni Ara at nagtungo sa intercom. "Anong ida-dial ko?"
"Just press one." si Yozac ang sumagot.
"Okay." yun na nga ang ginawa ni Ara.
"What happen to you two? Ang aga naman ninyong naglaro." nangingiting biro ni Zayn.
Agad akong napayuko para itago ang mukha kong namumula na ata sa hiya.
"Nagpasama lang si Gaby sa CR dahil walang maghahawak ng dextrose nya. And then that accident happen."
"I see. Mabuti't di ka nasaktan, Gaby." Napatingin sa swero kong may dugo na. "Hindi nga ba?"
Tiningnan ko rin ang kamay ko. "Wala 'to."
"Kamusta Ara? Anong sabi ng nurse?"
"Papunta na raw siya rito Yozac." sabay naupo sa couch, umupo na rin si Zayn sa tabi nito.
"Bakit pala nandito ka Zayn? Akala ko ba grounded ka?" si Yozac.
"Kinidnap ako ni Ara."
Tumawa naman si Ara. "Eh, mukha ka kasing kawawa,eh.Pero worth it naman di ba? Kasi nakita mo na si Yozac. Mababawasan na ang pagka-miss mo sa kanya."
"Ako nga ba?" sagot ni Yozac. His face is on serious mode. Ang daling nagswitch ng mood nito.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Ara. Si Zayn naman ay nakangiti lang na pinagmamasdan si Yozac.
"Sino pa ba? You two like husband and wife. Di nga kayo mapaghiwalay." si Ara na lang ang sumagot.
"Right. Better half ko 'yan si Yozac. Kung babae lang ako, hinarot ko na 'yan."
"Hindi kita papatusin, g*go!"
Tumawa si Zayn. "Kung ayaw mo sa'akin edi huwag! Sa iba ko na lang ibabaling ang pagmamahal ko."
Halos sabay sabay kaming napahagikgik.
Ang baduy ni Zayn!
"I don't mind, basta ba ...dun sa taong hindi pa pagmamay-ari ng iba. " seryoso pa ring sagot ni Yozac.
"Hindi ako sultero, Yozac ." he chuckled then cross his arms. "Like never!!! Wala 'yan sa vocabulary ko."
"I know. Kaya nga may tiwala ako sa'yo."
"I agree." ani ko. "Tsaka sa gwapong 'yan ni Zayn, imposibleng walang mai-inlove sa kanya."
"Naks! Ang sarap naman sa tenga 'nun Gaby. Parang na-inspire tuloy ako na i-pursue ang love life ko."
"Bakit? May nagugustuhan ka ng babae?" amuse na tanong ko.
"Oo, meron!" Si Ara. "Tapos may pa-secret secret pa syang nalalaman! Akala mo naman celebrity." dugtong pa ni Ara na sinabayan pa ng paghampas kay Zayn.
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Teen Fiction"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...