Gab's POV
Katatapos lang ng klase at magkasamang lumabas kami ni Ara ng campus. Hindi namin kasama si Venus dahil nagpaalam siya na magpapaiwan sa classroom dahil may kakausapin pa raw siya. Pagdating sa gate ay nakaabang na agad sa amin ang itim na Pajero na maghahatid sa amin sa bahay ng mga Del Queja.
May kalayuan ang exclusive subdivision ng kinaroroonan ng Del Queja Mansion sa El Saavedra kaya marahil ay nag-i-stay si Yozac sa dorm. Pagpasok sa malaking gate ay halos sabay na napatanaw kami ni Ara sa labas. Paghinto ng sasakyan ay pinagbuksan kami ng driver ng pinto at bumaba na kami.
May nakaabang na nakaunipormeng maid sa malaking entrance ng bahay. Sinalubong niya kami ng may ngiti sa labi.
"Magandang hapon!!" bati niya.
Ngumiti kami ni Ara.
"Magandang hapon rin po."
"Naku! Kagandang lahi naman ng mga batang 'to! Halika't pasok na kayo, nag-aantay na sina seniorito sa loob."
"Salamat po."
At sumunod na nga kami sa kanya. Sa itaas kami nagtungo at iginaya niya kami papunta sa study room. Pagbukas ng pinto ay nakita ko na nga na naroon na sina Yozac at Zayn. Kumaway agad sa amin si Zayn samantalang si Yozac ay pinukulan lang kami ng tingin.
Tss...
Ang malditong 'to! Ni hindi man lang kami winelcome sa bahay nila! Parang masama pa ata ang loob na nandito kami! Wala man lang kangiti-ngiti sa labi!
"Seniorito narito na ho sila." ani ng maid.
"Sige po ate Maya, salamat po." sagot naman ni Yozac.
"Walang anuman, seniorito." ganti niya kapagkuwan ay lumingon sa amin. "Sige, mauna na ako ah. Kung may kailangan kayo ay i-beep niyo lang ako sa intercom. Naroon lang ako sa quarters namin."
"Sige po. Salamat po Ate Maya." sagot ko naman.
Iyon lang at lumabas na ang kasambahay.
Agad naman na lumapit kami sa table na kinaroroonan nila Yozac at naupo sa silya roon."Nag-start na ba kayo?" tanong ni Ara habang inilalabas ang mga gamit niya sa bag.
"Oo, nagtutor sa akin si Yozac habang hinihintay namin kayo."
"Pasensya ka na Zayn, medyo na-late kami. Katatapos lang kasi ng special class namin kay Sir Aldi, nag-over time kasi kaya nahuli kami. " paliwanag ko sa kanya.
"Okay lang. Hindi naman kami na-bore ni Yozac, di ba, Pare?"
"Humingi ka ng dispensa kay Zayn samantalang sa'akin, hindi?" he smirk. "How rude of you."
"Oo nga naman...." mahinang usal ni Ara.
Nag-ngiting aso ako. "Sorry, Yozac. Hindi na ho mauulit."
"Good. Then let's start the review para maaga tayong matapos."
Nun nga ay naupo na kami ni Ara.
Lumipas ang isang oras na nakatuon lamang kaming lahat sa pagre-review. Kanya-kanya kaming aral sa mga subjects na kung saan kami mahina. Mga ilang beses rin na nagtatanong sina Zayn at Ara kay Yozac. At mahinahon naman na tinuturuan nito ang dalawa. Samantalang ako kay nakikinig lamang sa kanila.
Sa aspetong ito ay halos walang pinagbago si Yozac. Mahusay pa rin siya sa pag-aaral hanggang ngayon. Di kataka-taka na kahit pala-absent siya ay matataas pa rin ang mga assessments niya.
He is almost perfect.
Kung hindi ko lamang nalaman na marami na siyang dinalang babae sa hotel ay baka maging perfect na siya sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Novela Juvenil"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...