CHAPTER 11

317 15 4
                                    

3 years ago..

Gab's POV

Kasalukuyang nasa rooftop kaming magbabarkada at nagpa-practice ng badminton.  Wala kaming classes ngayong araw dahil first day ng Intramurals namin at halos lahat kami ay may sasalihang sports.

Ako at si Mia ang maglalaro sa badminton girls double.

"Mia, habulin mo ang shuttle! Huwag mong basta basta hahayaang bumagsak lang sa ground! Bilisan mo ang kilos mo! " sigaw ng inis ng si Marvin habang tinitingnan ng masama si Mia.

"E, sa ang hirap ngang habulin! Anong magagawa ko?! " asar na pinulot ng huli ang shuttle.

"Kung ganyan ang magiging galawan mo sa laban, sinasabi ko sa'yo matatalo lang kayo!"

Agree ako roon. Kami pa naman ang napiling representative ng buong Grade 7.

"Dapat talaga kami na lang ni Zia ang nagteam up e."  asar rin na banat ko.

"Ayaw nga ni Zia na magpapawis di ba? Kung ayaw niyo sa akin edi huwag! Magba-back out na lang ako." sabay padabog na binitawan ang rocket na hawak.

Nababanas na binato ko sa kanya ang rocket na hawak ko pero hindi ko naman siya pinatamaan.  "Pulutin mo 'yan kung ayaw mong samain ka sa kin. "

Natigilan siya kasunod tumingin ng masama sa akin.  "Ayoko na! "

"Isa! "

"O, tama na! Nag-aaway na kayo, para 'yan lang." Si Geon. Kusa niyang pinulot ang mga rocket sa ground.  "Mabuti pa, magsnack na muna tayo. Gutom lang yan e."

"Mabuti pa nga. Para naman bumilis bilis ang galaw ni Mia.  "  sagot ni Marvin.

"Sige! Palaging ako! Palaging ako."

"Talaga namang ikaw! Kahit kailan, loser ka talaga! "  sabi ko pa bago nagtungo sa pwesto ng barkada.

Hindi na nagsalita si Mia at napilitan na lang na sumunod sa amin kahit halatang naiinis pa siya.

"What's with the mood? " tanong ni Zia sa amin.

"Asar kami ano pa ba? Nagtanong ka pa."  mataray kong sagot.

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon