Gab's POV
Katatapos lang namin maghapunan ni Liev at kasalukuyang inililigpit niya ang mga pinagkainan sa table habang ako naman ay tinitingnan ang pagpatak ng dextrose solution sa maliit na bottle na kinatuturukan ng dextrose bag.
Ganito pala ka-boring sa ospital. Nakakatuliro!
"Gusto mo bang i-on ko ang TV para malibang ka?"
"Hindi na. Okay lang ako."
"Okay." sinabayan ng pagtango. "Nga pala, nagmessage sa akin si Mama, hindi raw siya makakabalik rito ngayon, nagpa-over time raw kasi siya sa factory dahil may hinahabol na shipment bukas ng alas otso. Sinabihan niya si Kuya Micael pero may tatapusin ring faculty report si kuya."
"Ikaw ba, wala ka bang pasok? Hindi ba pre-midterms week na?"
"May pasok, pero kung uuwi ako ngayon, sino ang magbabantay sa'yo rito?"
Ngumiti ako. "Hindi nyo naman kasi ako kailangang bantayan. Okay naman na ako, kayang-kaya ko na ang sarili ko. Tsaka may mga nurses naman rito, tatawagan ko na lang ang station nila kung sakaling may kailangan ako."
"Sigurado ka?"
"Oo Liev, ako pa ba? Sige na, alam ko pagod ka na. Mahaba pa ang byahe mo pauwi. Baka maabutan ka pa ng traffic."
"Alright then I'll go ahead. Huwag mong ilalayo sa'yo ang phone mo. Para kung sakaling tumawag kami ay madali mong masasagot."
"Opo, copy that."
Nun nga ay binuksan na niya ang pintuan. "I'll try to contact kuya Tros."
"Sige. Thank you kapatid."
"You don't have to thank me."
Yun lang at tuluyan na ngang nakalabas ng kwarto si Liev.
Mga ilang saglit ang nakalipas ay may pumihit ng door knob. Ang alam ko ay hindi na makakadalaw sa akin ngayon sina Venus at Ara dahil tinambakan raw sila ng activity ni Mrs. Polo na due agad bukas.
Imposible naman na dumating agad si Kuya Tros dahil sabi nga ni Liev ay ime-message niya pa lang ito.
Isang tao lang naman ang alam ko na libreng dumalaw sa akin ng ganitong oras.
At hindi nga ako nagkamali ng hinala.
"Happy to see me?"
Papasok na siya ngayon ng kwarto bitbit ang isang stainless tumbler at bouquet ng assorted colored roses.
"Gabi na ah. Bakit dumalaw ka pa?"
Ibinaba nito ang tumbler sa side table at iniabot sa akin ang bouquet.
"Salamat rito. Nag-abala ka pa."
"You're welcome." Naupo na ito sa gilid ng kama ko. "I'm sorry kung hindi ako nakabalik agad. Ang dami kasing pinagawa sa klase kanina. Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa'yo?"
Umiling ako. "Wala na. Mukhang fast acting naman ang gamot na ibinigay nila sa akin. Wala na akong nararamdaman na masakit ngayon."
"Mabuti naman."
Naalala ko na naman tuloy ang mga sinabi ni Liev sa akin kanina. Nag-umpisa na namang umarangkada ang dibdib ko.
"Yozac..."
"Kumain ka na ba?"
"Ha? ah... oo. Kumain na ako. Katatapos lang. Ikaw ba?"
"Hindi pa. But I'm fine. Hindi pa naman ako gutom."
"Kung sakaling magutom ka ay may pagkain naman diyan sa fridge. Kumuha ka lang ng gusto mo."
Umiling ito. "Para sa'yo ang mga iyan. Don't mind me. I can just eat outside kapag nagutom ako. Oo nga pala may dala akong buko juice. Sabi kasi sakin ni manang mainam raw na gamot sa UTI ang sabaw ng buko."
BINABASA MO ANG
She Dated the Bad Boy
Fiksi Remaja"May isang tao rito na dapat mong iwasan. He's the king of the campus, a cold, heartless bad boy. I heard galing rin siya sa school mo bago siya lumipat rito three years ago." "Ha? Sino?" "Yozac Del Queja." "Ano?! " The nerdy, loser Yozac Del Queja...