CHAPTER 5

348 15 1
                                    

3 years ago...

Gab's POV

Ibinuhos ko ang laman ng iniinom kong pineapple juice sa ulo ni Dianne. Inis na inis ako sa kanya dahil tinapakan niya ang sapatos ko kanina roon sa flag ceremony. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan. Bagong gawa pa naman ng Papa ko ang sapatos na iyon, ni ayaw ko ngang padapuan sa langaw tapos siya tatapak-tapakan niya lang?

"Tama na Gabrielle, please... " pinunasan niya ang kanyang mukha.  "Sorry na... "

"Akala mo ba mababayaran ng sorry mo ang nadumihan kong sapatos?" hinablot ko ang buhok niya. "E, kung padilaan ko kaya sa'yo 'to?! Ano kaya ang magiging lasa?"

Natatawang pumalakpak sina Krystal at Mia. Mga alipores kong sunod-sunuran sa 'kin.  "Bet ko yan, Gabrielle. Parang ang gandang panuorin."

"Huwag po, please... Gabrielle.. please... sorry na please... "

Sige.

Magmakaawa ka.

Iyak pa.

Iyak!!

Pero wala akong pakialam!

"Dilaan mo!" sigaw ko sabay duro sa kanya payuko sa paanan ko.

"Ayoko.. " pailing-iling niyang sabi.

"Dilaan mo sabi eh!! " at inginudngod ko na siya sa sapatos ko.

Napahagulgol siya ng iyak.

"Tsk. Walang magagawa 'yang iyak mo!" binitawan ko na ang buhok niya.  "Siguro naman magtatanda ka na. "

Mabilis na tumango-tango siya.  "Oo, Oo.. hindi ko na uulitin. Hindi na... " iyak siya ng iyak.  "Hindi na po talaga. "

"Mabuti." tinapakan ko ang kamay niya.

"Ah! " daing niya.

"Huwag kang magtatangkang magsumbong sa kahit kanino kung hindi ay mas malala pa diyan ang aabutin mo sa'kin. Naiintindihan mo?! "

"Opo. Opo.. hindi.. hindi po "

Yun lang at lumayo na ako sa kanya.

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon