CHAPTER 28

383 16 18
                                    

Gab's POV

Kanina pa ako gising pero nagkukunwari pa rin akong tulog dahil gusto kong makaiwas sa presensya ni Chloe na ngayon ay ramdam kong nakatingin sa akin.

Sa sobrong kahihiyan na inabot ko simula pa kagabi ay pinapanalangin ko na lang na sana ay  magjump na ang araw na ito at magising na lang ako kinabukasan. Malinaw na malinaw pa rin kasi sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi ng maalimpungatan ako sa likod ni Yozac habang kausap niya ang mama niya.

Flashback..

"Sino 'yang pasan-pasan mo?"

Bahagya kong minulat ang aking mata. Sa gitna ng maganda kong panaginip ay narinig ko ang boses ni Tita Lara. Ganun na lamang ang gulat ko ng tuluyan akong magising at agad kong narealize ang mga kaganapan sa paligid ng maamoy ko ang pamilyar na bango ni Yozac sa balikat niya kung saan ngayon ay kumportable akong nakahilig.

Anak ng tokwa!

Don't tell me inuwi niya ako sa bahay nila???!!!!

"Si Gaby po."

"HUwhaaatt?!!!"

Patay!

Muli akong pumikit at nagpasyang magkunwari pa ring natutulog para makaiwas sa katakot takot na kahihiyan!

"Ba-bakit magkasama kayo?" lumapit si Tita Lara, ramdam ko iyon.  "Saan kayo galing? Bakit amoy alak siya?!! My goodness Yozac!! Anong ginawa mo sa kanya?!! "

"Ma, calm down. Wala akong ginagawang masama."

"Then will you please explain everything to me?"

Yozac gave a deep sigh.  "We both attended a party. She had a bit of the ladies drink, nalasing, nakatulog. The girls dormitory is already close. Hindi ko rin siya maihatid sa kanila dahil siguradong pagagalitan siya. So, i decide to bring her home."

Bahagyang natahimik si Tita Lara. Pero nagsalita rin naman agad.  "Well, mabuti naman. I mean, mabuti na dito mo siya dinala pero hindi okay sa akin na naglasing kayo. You're still teenagers and for goodness sake, Yozac! Still in high school."

"I apologize, Ma."

"I'll let you off the hook dahil gumawa ka ng tama. I feel at ease na itinuturing mo si Gaby na iba sa mga babae diyan."

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon