CHAPTER 27

401 18 5
                                    

Gab's POV

The foul committed by Russel gave me the advantage to win this game. Malaki ang kumpiyansa ko na mananalo ako sa game na 'to. Siyempre maliban sa skills ko ay sinabayan ko rin ng taimtim na dasal dahil freedom ni Venus ang nakasalalay rito.

Pumusisyon na ako sa ibabaw ng table matapos kong ibaba ang chalk sa rail.

Una kong titirahin ang uno.

Konting tantya.

Konting sipat.

Sabay pitik ng tako.

Pasok ang bola.

Agad kong narinig ang cheer ng mga naroon.

Umikot ako sa kabilang side ng table para tirahin ang dos. Katulad ng nauna ay pumasok rin iyon kasunod ang kuwatro at singko.

Nakitang kong halos tumalon sa tuwa si Venus na with matching pahampas-hampas pa sa braso ni Jiro. Samantalang si Yozac ay seryoso lamang na nakatingin sa akin na animo spell na nakakapadagdag pang lalo sa confidence ko.

Pagyuko ko ay hindi ko naiwasang mapangiti.

Magkaiba man ang ekspresyon ng mukha niya noon at ngayon pero iisa lamang ang ipekto non sa akin. Ang kabog ng dibdib ko ay walang pinagbago, animo hinanap ng puso ko ang pamilyar na tibok niya.

I am happy.

And I won't deny this overwhelming feeling anymore.

"Ayos!!!! Ang husay talaga!!! " sigaw ng isang manunuod ng maipasok ko ang sais.

Dalawang billiard balls na lang ang natitira at pansin kong nagpapawis na ang noo ni Russel.

"Yung deal natin, huwag mong kakalimutan." ani ko habang nakatingin sa kanya.

"Tapusin mo na! Dami mo pang satsat." asar na sagot niya.

Dumukwang ako sa table at pinusisyon ang tako.  "Oo naman. Huwag kang atat."

Sabay pitik sa tako.

Pasok ang otso sa pocket!

And the expectators gone wild again.

"Oh my Gosh!! Ang galing ng boyfriend ko!!! Go baby! I love you!! " tili ni Venus habang nagpa-flying kiss sa akin. Halatang inaasar si Russel.

Ngumiti naman ako sa kanya at kinindatan siya. Mas lalo lamang tuloy nabanas si Russel sa nakita.

At sa panapos na pagpapasikat ay tinira ko na nga ang nuwebe gamit ang tako tungo sa pagkapanalo ko sa laro.

"Alright!!!" sigaw ni Jiro habang sinasalubong ako ng high-five. Samantalang si Venus ay lumingkis agad sa akin at binigyan ako ng yakap.

"You did great!!" she lean her head.  "Thank you." bulong niya.

"Wala 'yon. What are friends are for? " ganting bulong ko rin sa kanya.

"Congrats, Pare."

Naghiwalay kami ni Venus ng marinig namin ang boses ni Russel.

Nakalahad ang kamay niya sa harap ko.

"Salamat." inabot ko ang kamay niya.  "Maganda ang naging laban natin. Magaling ka Russ."

"Tss.. " ismid niya.  "Mas magaling ka dahil nanalo ka. Pero sa susunod hindi na ako magpapatalo sa'yo." sabay tingin kay Venus.  "I won't bother you anymore. Pero gusto kong malaman mo na sincere ang nararamdaman ko para sa'yo."

"I'm sorry, Russel."

"Ayos lang."  tumingin siyang muli sa akin.  "Ingatan mo siya, Pare. Kapag nalaman kong pinaiyak mo siya, kakalimutan ko ang deal natin at kukunin ko siya sa'yo."

She Dated the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon